^

PSN Showbiz

Sheryl, balak magtapos ng college dito

- Veronica R. Samio -
Si Sheryl Cruz pala ang announcement na sinasabi ni Mother Lily Monteverde na binigyan pa niya ng isang presscon nung Biyernes ng gabi. Kasama na ito sa cast ng Mano Po 3 bagaman at sinabi ng balikbayan actress na hindi ang role ni Judy Ann Santos ang gagampanan niya. Matatandaan na nagkaro’n pa ng konting gulo sa pagitan nina Juday at Sheryl dahil inakala ng lahat na sinusulot ni Sheryl ang role para kay Juday.

Mano Po 3
returns to the big screen the loveteam of Vilma Santos and Christopher de Leon. Nagkaro’n din ng katuparan ang pagpupunyagi ng Regal matriarch na makuha ang serbisyo ng mayor ng Lipa City. Tinatayang ang MP3 ang pinaka-maganda sa serye ng epiko na nagpapakita ng makulay na buhay ng mga Chinese-Filipinos o Chinoys.

All star cast ang MP3 na nasa direksyon ni Joel Lamangan at ginawan ng script ni Roy Iglesias. Kasama rin sina Eddie Garcia, Boots Anson Roa, Jay Manalo, Amy Austria, Cherrie Pie Picache, Allan Paule, Karylle, Angel Locsin, Patrick Garcia, Dennis Trillo, Angelica Panganiban, John Prats, Carlo Aquino at Gardo Versoza.

Going back to Sheryl, masaya ito na ang balak niyang bakasyon lamang has turned into a full return to showbusiness. Open siya ngayon sa kahit na anong proyekto sa pelikula, TV o recording. Mag-uusap sila ng producer ng Universal Records kung kaya maaari tayong umasa ng isang album mula kay Sheryl.

Sinabi ni Sheryl na bagaman at 45 minute drive ang pagitan nila ng kanyang inang si Rosemarie Sonora, nagkikita sila every other week.

"I stayed with her for three months when I went to college. May natitira pa akong tatlong semesters para makatapos ng kurso sa Marketing. Balak ko ngang dito na ito tapusin," anang maganda pa ring artista matapos mawala sa eksena ng walong taon dahil mas pinili ang mag-asawa at magka-pamilya sa Amerika.
* * *
Nangangailangan ang AIMSAH Media Productions ng mga male models para sa kanilang first project. Kung good looking kayo at may magandang pangangatawan, may edad 18 hanggang 24, may taas na 5’8" hanggang 6 ft, tumawag sa 5519242/09183041898, ito na ang pagkakataon n’yong maging mayaman at popular. First come first serve basis po ang gagawing pagtanggap.
* * *
Tanging si Hero na lamang ang tila nawawala sa eksena ngayon di tulad ng kanyang mga kapatid na sina Vice Mayor Herbert Bautista at actress Harlene Bautista.

May concert na magkatulong na ipoprodyus sina Harlene at Romnick Sarmenta sa Oktubre 13 sa Metro Concert Bar na pinamagatang Macho Guwapito, Matamis na Bao, Atbp. starring Rico J. Puno and Ethel Booba samantalang si Vice Herbert naman ay abala sa kanyang gawain sa Quezon City.

Lately ay inulan ang opisina ni Vice Herbert ng reklamo mula sa motorista laban sa maling pagtu-tow ng mga sasakyan. Personal niyang tiningnan ang problema at nakita niya na may isang towing service na wala man lamang business plate at gumagamit ng mga towing vehicles na wala nang licensed plates.

Pinayuhan din ni Vice Mayor na pag-aralang mabuti ang system of traffic ng lungsod para mabigyan ng masusing pag-aral ang city council bago mag-issue ng TODA franchise.

Isa sa mga bibigyan ng atensyon ni Vice Herbert ay ang pagbabalik ng Quezon City Film Festival na makakatulong ng malaki sa industriya kapag natuloy.

Next year, tuloy na ang pagdaraos ng Celebrity Basketball para makalikom sila ng ponds ang mga vice mayors para sa kani-kanilang proyekto. Si Anjo Yllana ang chairman dito.

ALLAN PAULE

AMY AUSTRIA

ANGEL LOCSIN

ANGELICA PANGANIBAN

ANJO YLLANA

BOOTS ANSON ROA

MANO PO

SHERYL

VICE HERBERT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with