^

PSN Showbiz

Best actor, sinagip ng Sex Bomb

-
Magaling na actor si Yul Servo, katunayan naging best actor na siya. Nakatambal pa nga niya si Nora Aunor. Pinapalakpakan nga ang acting niya. Dahil dito, hinahanap-hanap tuloy siya ng mga tagahanga. Saan ba napunta ang actor na minsan ding natira sa Barangay Tangos, Baliuag, Bulacan noong hindi pa siya nakilala bilang Yul Servo.

Mabuti na lang, sinagip siya ng teleseryeng Daisy Siete directed by Ms. Patricia. Kinuha siyang kapareha ni Rochelle Pangilinan.

Malaking pasalamat niya sa producer ng Focus E, Ms. Joy Cancio sa pagkuha sa kanya bilang kasama ng grupong Sex Bomb sa Daisy Siete. Napansin nga ng actor, mababait pala sina Rochelle, Jopay, Cheche, Johlan, Sunshine at iba pang member ng grupo. Hindi raw naapektuhan ng kasikatan ang mga alaga ni Joy. Magagaling din ang mga kasama niyang sina Luz Fernandez, reyna ng mga drama sa radyo at Mely Tagasa.

Importante sa isang artista, lalo na yung manalo ng award ang magkatrabaho. Baka kasi kalawangin ang acting kapag hindi ito magagamit. So nasali ang pangalan ni Yul sa teleseryeng humahataw sa kasalukuyan. Imagine, mga pelikula pa ni Fernando Poe Jr. ang ipinangtapat ngayon. (Ulat ni Vir Gonzales)

vuukle comment

BARANGAY TANGOS

DAISY SIETE

FERNANDO POE JR.

FOCUS E

LUZ FERNANDEZ

MELY TAGASA

MS. JOY CANCIO

MS. PATRICIA

NORA AUNOR

YUL SERVO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with