Jericho, nagbababad sa set ng GMA!
October 3, 2004 | 12:00am
Tinototoo ni Jericho Rosales ang sinabi sa mga nakausap na press na dumalaw sa shooting ng Santa Santita that hed do everything to win back Cindy Kurleto. Kapag wala rin lang importanteng lakad o ginagawa, dinadalaw nito ang ex-girlfriend (and future GF?) sa taping ng Forever In My Heart. Nang ma-interview sa 24 Oras, ikinatuwa ni Jericho ang diumanoy pag-aalaga sa kanya ni Cindy habang nasa set siya ng soap opera ng GMA-7.
Ang kwento naman sa amin, noong unang mga dalaw sa taping ni Jericho, natutuwa pa sa kanya ang staff at crew dahil taga-ABS-CBN siyang nagbababad sa set. Saka, nakikipag-kwentuhan ito sa cast, staff and crew. Sa kalaunan, hindi na siya pinapansin dahil lagi nga siya sa taping at kulang na lang, lumabas din siya sa soap opera.
Incidentally, hindi pa man sila nagkakabalikan ni Cindy, mukhang pinaghahandaan na ni Jericho ang kanilang future. Bumili ito ng lote sa may Quezon City at kasama sa ibinayad niya sa lote ay talent fee niya sa Pepsi. May kalakihan nga siguro ang ibinayad kay Jericho dahil mahal daw ang nabili nitong lote.
Nati-tension at may kasama pa yatang stress si Carlo Aquino habang kausap namin sa storycon ng Mano Po 3. Inireklamo nito ang pananakit ng ulo dahil hindi na raw siya sanay na ini-interview at humaharap sa press. Ang Tanging Ina ang last movie niya at almost two years ago na raw yun.
Natawa lang kami dahil during the presscon of his last movie, ang tiyan naman niya ang sumasakit and for the same reason. Abay mahirap palang interbyuhin ang bagets at kung anu-ano ang nararamdaman.
Pero, masaya si Carlo na kinuha siya ng MAQ Films at isinama sa malaking pelikula. Thankful din siya sa ABS-CBN Star Magic at ipinahiram siya kay Mother Lily. Nadagdagan pa ang tuwa ni Carlo dahil katambal niya sa pelikula si Angelica Panganiban, his ex-girlfriend at posibleng maging GF uli. Sila ang gaganap na young Vilma Santos and Christopher de Leon respectively.
Ngiti lang pala ang reaction ng young actor sa panunukso namin sa kanila ni Angelica. Hindi ito nagpatakot sa sinabi naming baka maunahan siya ng iba sa dalagita. Masaya na siya bastat masaya si Angelica at nakikita niyang hindi boyfriend ang magpapasaya sa ex-GF.
Kasama rin pala si Carlo sa Krystala na sa October 11 na raw ang simula ng airing. Kapag nagpa-presscon ang Ch. 2, ano naman kayang sakit ang mararamdaman ni Carlo?
"Excited kasi ako na muling magkaroon ng movie dahil matagal na akong di gumawa ng movie. Tapos, magkakaroon na rin ako ng regular TV show," sabi ni Carlo.
Dobleng tuwa ang manonood sa opening ng All-Filipino Conference ng PBA this Sunday dahil karamihan sa muse ay mga artista.
Nangunguna sa kanilay si Maricel Soriano na muse ng Alaska. Si Maureen Larrazabal for Ginebra; Cindy Kurleto for San Miguel Beer; Karel Marquez for Purefoods at ang Mulawin girls na sina Bianca King na muse ng Shell at Angel Locsin for Coca-Cola. Kundi kami nagkakamaliy first time mag-muse sa professional basketball ni Maricel at dapat nga itong abangan.
Ang iba pang muse ay sina: Tessa Nieto for Sta. Lucia, Cheska Litton for FedEx at ang model na si Gwennaelle Ruais for Red Bull.
Matuloy kaya ang dance number ni Maja Salvador sa ASAP Mania this Sunday? Birthday presentation ni Maja ang dance number kasama ang Streetboys at Anime pero, nasaktan siya nang mabangga ang kotse noong Huwebes.
Anyway, abangan na lang natin kung pwede siyang makasayaw dahil nakita naming yupi ang sasakyan niyang nabangga. Tiyak na madi-disappoint ang young star pag hindi natuloy ang kanyang dance number na magpapakita sa galing niyang sumayaw at pinaghirapang praktisin.
Nakatanggap kami ng sulat mula sa nagpapakilalang si Libra Girl from L.C.N. Nagri-request siya ng news update tungkol sa favorite niyang Mexican singer/actress na si Thalia.
Magsu-surf kami sa internet para makakuha ng bagong balita kay Thalia. Ibabalita namin dito sa About Showbiz ang mari-research namin. Promise!
Ang kwento naman sa amin, noong unang mga dalaw sa taping ni Jericho, natutuwa pa sa kanya ang staff at crew dahil taga-ABS-CBN siyang nagbababad sa set. Saka, nakikipag-kwentuhan ito sa cast, staff and crew. Sa kalaunan, hindi na siya pinapansin dahil lagi nga siya sa taping at kulang na lang, lumabas din siya sa soap opera.
Incidentally, hindi pa man sila nagkakabalikan ni Cindy, mukhang pinaghahandaan na ni Jericho ang kanilang future. Bumili ito ng lote sa may Quezon City at kasama sa ibinayad niya sa lote ay talent fee niya sa Pepsi. May kalakihan nga siguro ang ibinayad kay Jericho dahil mahal daw ang nabili nitong lote.
Natawa lang kami dahil during the presscon of his last movie, ang tiyan naman niya ang sumasakit and for the same reason. Abay mahirap palang interbyuhin ang bagets at kung anu-ano ang nararamdaman.
Pero, masaya si Carlo na kinuha siya ng MAQ Films at isinama sa malaking pelikula. Thankful din siya sa ABS-CBN Star Magic at ipinahiram siya kay Mother Lily. Nadagdagan pa ang tuwa ni Carlo dahil katambal niya sa pelikula si Angelica Panganiban, his ex-girlfriend at posibleng maging GF uli. Sila ang gaganap na young Vilma Santos and Christopher de Leon respectively.
Ngiti lang pala ang reaction ng young actor sa panunukso namin sa kanila ni Angelica. Hindi ito nagpatakot sa sinabi naming baka maunahan siya ng iba sa dalagita. Masaya na siya bastat masaya si Angelica at nakikita niyang hindi boyfriend ang magpapasaya sa ex-GF.
Kasama rin pala si Carlo sa Krystala na sa October 11 na raw ang simula ng airing. Kapag nagpa-presscon ang Ch. 2, ano naman kayang sakit ang mararamdaman ni Carlo?
"Excited kasi ako na muling magkaroon ng movie dahil matagal na akong di gumawa ng movie. Tapos, magkakaroon na rin ako ng regular TV show," sabi ni Carlo.
Nangunguna sa kanilay si Maricel Soriano na muse ng Alaska. Si Maureen Larrazabal for Ginebra; Cindy Kurleto for San Miguel Beer; Karel Marquez for Purefoods at ang Mulawin girls na sina Bianca King na muse ng Shell at Angel Locsin for Coca-Cola. Kundi kami nagkakamaliy first time mag-muse sa professional basketball ni Maricel at dapat nga itong abangan.
Ang iba pang muse ay sina: Tessa Nieto for Sta. Lucia, Cheska Litton for FedEx at ang model na si Gwennaelle Ruais for Red Bull.
Anyway, abangan na lang natin kung pwede siyang makasayaw dahil nakita naming yupi ang sasakyan niyang nabangga. Tiyak na madi-disappoint ang young star pag hindi natuloy ang kanyang dance number na magpapakita sa galing niyang sumayaw at pinaghirapang praktisin.
Magsu-surf kami sa internet para makakuha ng bagong balita kay Thalia. Ibabalita namin dito sa About Showbiz ang mari-research namin. Promise!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended