^

PSN Showbiz

Donna, mas masayang nagsisilbi sa pamilya

-
Si Donna Cruz ang napili ng H-Star Enterprises para maging endorser ng Elegance Houseware product line. Ang magandang image ni Donna sa entertainment industry ay malaki ang maitutulong para makilala ang kanilang mga produkto at tangkilikin ng publiko. Hindi man aktibo si Donna sa showbiz ngayon ay patuloy itong hinahangaan at tinitingnan ng publiko dahil sa kanyang wholesome image. Hindi siya na-involved sa anumang kontrobersya o intriga. Walang dudang perfect choice siya para sa isang product line na nais humikayat ng pansin ng discriminating buying public.

"I’m really flattered na ako ang napili para mag-endorse ng Elegance Houseware line. Honored talaga ako dahil marami naman diyan na young celebrities na nanay din pero ako ang pinili nila kahit na di na ako masyadong aktibo sa aking career. Sabi nila, napanatili ko kasi ang aking wholesome image at saka nanay na rin naman ako talaga," sabi ni Donna na proud na proud sa kanyang dalawang anak na si Belle (who turns 5 on October 27) at si Cian (na two years old na).

Donna said goodbye to her lucrative singing and acting six years ago para magsimula ng bagong buhay bilang isang housewife, malayo sa kinang ng mundo ng showbusiness. Looking back wala naman regrets si Donna sa kanyang naging desisyon.

"Masaya ako pag nagagawa kong tuparin ang mga tungkulin ko sa aking pamilya. Importante kasi sa akin na ako mismo ang nag-aasikaso sa kanilang mga pangangailangan tulad ng pagkain, damit, gamot. Paminsan-minsan ay nagkakaroon ako ng chance na kumanta na first love ko pero walang katulad ang fulfillment na nadarama ko as a wife and mother," sabi pa ni Donna.

Ang kumpletong product line ng Elegance Houseware ay binubuo ng Enamel Porcelain, Non-Stick Cookware, Gas Stove, Strainers, Sizzling Plate, Wood Products, Ironing Board, and Water Dispenser.

vuukle comment

AKO

DONNA

DONNA CRUZ

ELEGANCE HOUSEWARE

ENAMEL PORCELAIN

GAS STOVE

H-STAR ENTERPRISES

IRONING BOARD

NON-STICK COOKWARE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with