^

PSN Showbiz

Rachel, kinantahan si Rio

- Veronica R. Samio -
Malubha na sa kanyang karamdaman si Rio Diaz, ang babae na itinuring ni Rachel Alejandro na pangalawang ina sa loob ng 13 taon, nung nagsasama pa ito at ang kanyang amang si Hajji Alejandro. Kahit na nga nang naghiwalay ito at ang kanyang ama ay hindi napatid ang kanilang mabuting pagtitinginan. Katunayan, sa mahigit sa limang taong pagkakasakit nito ay hindi niya nakaligtaang dalawin ito kapag may libre siyang oras sa kanyang napaka-abalang schedule. At kahit wala siyang oras, gumagawa siya ng paraan para makita ito at makamusta. Ganun kahalaga sa kanya ang dating madrasta.

Bago siya bumalik ng Pilipinas ay muli niya itong pinuntahan sa bahay nito sa kabila ng alam niyang magiging mahigpit ang mga pamilya nito sa pagtanggap ng mga bisita, para maiiwas ito sa anumang emotional pain na makakadagdag sa karamdaman nito. Pero, si Rio mismo ang nagsabi sa kanyang pamilya na welcome sa kanya si Rachel.

Nung huling dalaw ng magaling na singer bago siya umuwi ng Pilipinas ay kinantahan niya ang kanyang itinuturing na pangalawang ina ng "Heart’s Desire," ang awitin na sinulat niya bilang pagbibigay sa matagal nang kahilingan nito. Acapella ang pag-awit ni Rachel na alam niya na na-appreciate ng babae na naging dahilan para mabuo ang kanyang "Heart’s Desire" album.

Habang naririto, ipo-promote ni Rachel ang kanyang album mula sa Viva Records.

May performance siyang gagawin sa Tavern On The Square (Set. 21), Robinson’s Iloilo, Ratsky Cebu, SM Dasmariñas Cavite (Set. 26) at Ratsky Morato (Set. 30). Sa Okt. 1, lilipad siya ng Sydney, Australia para sa selebrasyon ng The Filipino Channel.
* * *
Pagsi-singer lamang ang puntirya ngayon ng grupong D’ Bodies pero, dahilan dito ay hinuli sila ng pulis at ikinulong. Nakalabas lamang ang grupo na kinabibilangan nina Kat de Santos, Jeanette Joaquin, Pantene Palomino, Lux Laurel, Rejoice Rivera, Palmolive Palma, Ivory Ibañez, Micaela Monteverde at Kuhdet Honasan dahil nagpyansa sila. Kung hindi, baka sa kulungan sila inabot ng paglulunsad ng kanilang debut album sa Water Plus Group of Companies na pinamagatang D ‘Bodies Kiliti' album.

Walang takot kasi silang nagpiktoryal nung Huwebes na suot ang kanilang see-thru kapote na aninag ang kanilang painted at sequinned bodies, sa harap ng Rajah Sulayman Plaza, sa harap ng Malate Church. Dahil pampublikong lugar, dinumog sila ng mga tao, lalaki, babae, bata at matanda. Kinasuhan sila ng indecent exposure, public scandal at binintangang naging dahilan ng pagkakaroon ng mahigpit na trapiko. May banta silang tinanggap na isa sa mga araw na ito ay muli silang ipatatawag dahil sa diumano’y ginawa nilang "pambababoy" sa isang pook na pampamilya at pampubliko.

BODIES KILITI

FILIPINO CHANNEL

HAJJI ALEJANDRO

IVORY IBA

JEANETTE JOAQUIN

KANYANG

KUHDET HONASAN

LUX LAUREL

RACHEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with