^

PSN Showbiz

Bumalik na si Basil!

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Sa 10 taon na pagliligid ni Basil Valdez sa mga simbahan sa buong bansa upang magbigay ng mga fund-raising shows, mahigit 30 concerts na ang nagawa niya.

Syempre halos libre ang talent fee niya dahil ang mga palabas na ito ay upang makalikom ng pondo para sa mga simbahan.

"Kadalasan, may mga idadagdag na portion sa isang church," Basil recounted. "Kung minsan naman para ma-repair ang mga sirang bubong, kampanaryo o kaya’y para pagandahin ang main altar."

Kahit ano pang dahilan, nakahanda naman si Basil Valdez sa mga ganitong imbitasyon sa kanya, basta’t for a worthy cause.

Meron lang nakapagsabi sa kanya na dapat bumalik na siya sa mainstream para higit na maraming tao ang maabot niya.

"Tama naman kasi ang music has the power to heal and uplift the soul," wika ni Basil. "Kaya ngayon full-time singer na naman ako."

Sampung taon din siyang naging healer at sa panahong ito ay lubhang naiba ang linya niya sa showbiz. Marami siyang mga taong natulungan, pero kailangan tumigil din siya sa gawing ito.

"It’s physically and mentally draining," sabi niya. "Hindi birong energy ang ginagamit para magbigay ng concentration at sapat na power para magpagaling ng mga tao."

Siguro gusto rin ng Diyos na magpatuloy ng pagkanta si Basil dahil ang mga mensahe naman ng kanyang mga kanta ay nagpapasigla rin ng ating mga katawan at kaluluwa.

After 30 years as a leading song artist, makakasama niya for the first time si Rico Puno sa isang major concert billed as The Way We Were, ipapalabas sa Araneta Coliseum sa October 8.

Available na ang tickets sa SM Ticketnet at maari ring tumawag sa 911-5555.
* * *
Sa darating na buwan bibiyaheng muli si Basil Valdez para sa kanyang U.S./Canada concert tour. Mauuna siyang magtanghal sa mga piling venues sa New York City. Maraming mga lugar sa Canada ang kasama sa kanyang itinerary.
* * *
Pumailanlang sa ere ng TV ratings ang Mulawin. Nalamangan na ang Marina. Nakakuha na ng 36% ang show ng mga taong ibon, while 34 percent naman ang mga sirena.

Kung susumahin ang rating ng dalawang palabas, 70 percent na! Ibig sabihin, ganoon karami ang nanonood kapag palabas ang magkatapat na programa.

Ang biruan nga ngayon sa industriya, baka naman biglang magkaroon ng pakpak si Marina at lumipad na rin tulad ng mga Mulawin.

ARANETA COLISEUM

BASIL VALDEZ

MULAWIN

NAMAN

NEW YORK CITY

PARA

RICO PUNO

WAY WE WERE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with