Marami ang may gustong pamunuan ni Goma ang KAPPT
September 19, 2004 | 12:00am
Maaasahan si Richard Gomez pagdating sa pagtulong sa mga kapwa artista. Magaganda rin ang kanyang ideya para sa ikauunlad ng pelikulang lokal kung kaya marami rin ang may gustong manungkulan siyang pangulo ng KAPPT, ang samahan ng mga artista sa pelikulat telebisyon.
Sa kabilang banda, natutuwa ito sa magandang suportang ibinibigay sa kanya ng Siete kung saan may marami siyang programa, ang pinaka-latest ay ang Forever In My Heart na malapit nang simulan.
Magri-resign na sana si Richard sa S-Files para magkapanahon sa kanyang pamilya tuwing Linggo pero hindi ito tinanggap ng GMA Management. Pagkatapos na lang ng programa ay saka sila nagsisimba at kumakain sa labas ng kanyang pamilya.
Napanood namin sa premiere night ng Solar-UIP Films, ang Bourne Supremacy na tinatampukan ni Matt Damon. Mula sa international success ng The Bourne Identity ay muling nagbabalik ang karakter ni Jason Bourne na isang assassin. Hindi matatawaran ang galing sa pag-arte ni Damon gaya nang ipinakita rin niya sa movie. Nailarawan nito ang madamdaming eksena habang umiiyak nang komprontahin ang anak ng unang napatay niya.
Sa direksyon ni Paul Greengrass, tampok din sa Bourne Supremacy ang Oscar nominee na si Joan Allen kasama sina Julia Stiles, Bian Cox at Gabriel Mann.
Nakita namin si Jennylyn Mercado sa press launch ng Forever In My Heart at nakasuot ito ng white gown na very sexy. Halos lumuwa na ang boobs nito. Bago pala sila pumunta run ni Mark Herras ay balitang nag-away ang dalawa dahil sa gown nito.
Pinabulaanan ni Mark na may namumuong relasyon sa kanila ni Angelene Aguilar. Nagkasama lang daw sila sa isang out-of-town show at pagkatapos nun ay di na sila nagkita o nagkausap man lang.
Maraming mga fans ang dumayo pa ng isang kalapit-lalawigan para lang makita ng personal ang kanilang paboritong singer-actress. May concert kasi ito roon.
Inabangan nilang lumabas ito matapos ang concert at kinunan nila ng picture sa pamamagitan ng cellphone at kamera. Pero laking gulat nila nang medyo takpan nito ang mukha at nagmamadali pa sa paglakad. Ni hindi man lang ito kumaway o ngumiti man lang sa kanila. Ang lalong ikinainis nila ay nang akmang kakamayan ito ng isang fan ay tinabig ang kamay nito.
Sa kabilang banda, natutuwa ito sa magandang suportang ibinibigay sa kanya ng Siete kung saan may marami siyang programa, ang pinaka-latest ay ang Forever In My Heart na malapit nang simulan.
Magri-resign na sana si Richard sa S-Files para magkapanahon sa kanyang pamilya tuwing Linggo pero hindi ito tinanggap ng GMA Management. Pagkatapos na lang ng programa ay saka sila nagsisimba at kumakain sa labas ng kanyang pamilya.
Sa direksyon ni Paul Greengrass, tampok din sa Bourne Supremacy ang Oscar nominee na si Joan Allen kasama sina Julia Stiles, Bian Cox at Gabriel Mann.
Pinabulaanan ni Mark na may namumuong relasyon sa kanila ni Angelene Aguilar. Nagkasama lang daw sila sa isang out-of-town show at pagkatapos nun ay di na sila nagkita o nagkausap man lang.
Inabangan nilang lumabas ito matapos ang concert at kinunan nila ng picture sa pamamagitan ng cellphone at kamera. Pero laking gulat nila nang medyo takpan nito ang mukha at nagmamadali pa sa paglakad. Ni hindi man lang ito kumaway o ngumiti man lang sa kanila. Ang lalong ikinainis nila ay nang akmang kakamayan ito ng isang fan ay tinabig ang kamay nito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended