Hindi inalok ng Darna ng GMA!
September 16, 2004 | 12:00am
Itinanggi ni Regine Velasquez na gwardiyado ni Gelli de Belen si Ariel Rivera sa taping ng Forever In My Heart. Magkasama kasi rito sina Ariel at Regine, at si Goma sa bagong show na ito ng Siyete, na ang airing ay sa September 27, kapalit ng Te Amo.
Ayon pa sa Songbird ay di pa naman nakakadalaw si Gelli sa taping nila at welcome naman itong dumalaw. Wala naman daw problema at walang dapat i-worry si Gelli dahil matagal na raw natapos yung tungkol sa kanila ni Ariel. Wala na raw yon. At okey na rin daw sila ni Gelli. Kaya wala nang dapat maging isyu sa kanilang tatlo.
Nilinaw din ni Regine, na never na ini-offer sa kanya ang Darna series sa TV. Ang ini-offer raw sa kanya ay ang Darna sa pelikula at totoo raw na gusto niyang gawin yon.
Pero kung io-offer man daw yon sa kanya ngayon, imposible na raw niyang magagawa yon dahil busy na siya sa Forever In My Heart, SOP at Pinoy Pop Superstar.
At pinaghahandaan na rin niya ngayon ang kanyang nalalapit na solo concert after four years, na gagawin sa December 3 and 4 sa Araneta Coliseum.
Todo preparasyon na si Regine. As if yun na ang kanyang last concert. Ganun daw lagi si Regine, lagi niyang sinasabi na last show na niya ang mga concerts niya.
Trentay tres anyos na si Regine, pero hanggang ngayon ay loveless pa rin siya. Hindi pa raw niya nakikita si Mr. Right, pero ayaw naman daw niyang magpakatandang dalaga. Busy lang daw siya talaga sa kanyang trabaho. Boy Romero

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 29, 2024 - 12:00am