^

PSN Showbiz

Tessie, tumangging gawin ng MMK ang life story niya

-
Marahil kung hindi pinakawalan ng ABS-CBN ang TV host actress/comedienne na si Ms. Tessie Tomas ay baka hindi nag-number one ang programang Sis.

Bakit namin ito nasabi? Dahil ang timeslot na alas-onse ng umaga ay identified kay Ms. Tessie, remember Teysi ng Tahanan? Di ba’t ilang taon ding namayagpag ito sa ere?

Kaso, anong ginawa ng mga panginoon sa Dos, napulitika si Aling Teysi at ibinigay ang timeslot sa mga talent nilang malalakas din sa management na wala namang nangyari dahil laos sa ratings.

At dahil may existing contract pa si Ms. Tessie ay inilagay siya sa alas-otsong timeslot na ayon naman sa kanya ay, "Na-challenge ako kaya ko rin tinanggap ang oras na ‘yun, although napataas ko ang ratings, pero hindi katulad ng inaasahan. Kasi naman, sinong gigising ng ganu’ng kaaga, e, ang followings ko at that time nasa palengke, unlike the eleven o’clock, nagluluto at may time nang manood," esplika ng kalabang mortal ni Ronaldo Valdez sa Bahay Mo Ba ‘To?

Ayaw naming sabihing palpak ang desisyon ng Dos, pero nu’ng tanggalin nila si Aling Teysi at ang Talk TV na mataas din ang ratings nu’ng hindi pa nagre-replay ay nakarma na ang mga sumunod na programa dahil hindi na umalagwa pa sa ratings kumpara sa katapat nitong programa.

Say nga namin kay Aling Teysi kung hindi ba uli inalok sa kanya ang dating timeslot ay "Hindi naman at mukhang wala silang balak, soap opera ang inalok sa akin," mabilis niyang sagot.

"Ang uso raw kasi ngayon, mga bata na ang hosts at topics, medyo modern na, e, hindi nila alam, mas marami pa rin ang naghahanap ng mature at adult na programa. Well, hintayin natin kung ano ang ibigay ng Siyete," dagdag pa niya.

May offer daw ang Maalaala Mo Kaya na gawin ang lifestory niya, pero hindi raw niya ito gagawin dahil nakiusap ang dati niyang asawa na huwag i-feature ang buhay niya dahil ayaw daw ni Mr. Tomas na muling maungkat ang matagal na kabanata ng buhay nila at dahil may sarili na rin itong pamilya.

"Buhay na lang ni Leila Hermosa (mother ni Ms. Tessie) at dito sa GMA 7 ko gagawin dahil nandito na ako." nangiti niyang sambit. — R.BONOAN

ALING TEYSI

BAHAY MO BA

DAHIL

LEILA HERMOSA

MAALAALA MO KAYA

MR. TOMAS

MS. TESSIE

MS. TESSIE TOMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with