^

PSN Showbiz

May anak na si Keempee!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Sa ikalawang pagkakataon ay gay na naman ang role ni Keempee de Leon sa Bahay Mo Ba To?

Hindi ba siya nahihirapang mag-portray ng gay role?

"Okay lang dahil nalalaro ko ang karakter. Gaya ni dad (Joey de Leon) magaling din siyang maging bading, di ba? Idol ko siya dahil sa pagiging dedicated niya sa trabaho," sey ni Keempee.

May seven year-old daughter na ang aktor na nagngangalang Samantha at non-showbiz ang ina nito. Loveless ito ngayon at naghahanap pa rin ng tamang babae na makakasama niya habang buhay.
Maureen, Nagpa-Abort Sa Tate?
Sa presscon ng Forever In My Heart ay nakakwentuhan namin si Maureen Larrazabal na gumaganap ng stepmom ni Regine Velasquez.

Nilinaw nito ang isyu tungkol sa diumano’y pagpapa-abort niya sa States kaya nawala siya pansamantala sa Lagot Ka, Isusumbong Kita.

"Nagkaroon ako ng show sa San Francisco ng tatlong linggo pero never akong nagpa-abort. Nagpaalam ako sa aming EP at alam nitong nag-show ako sa abroad. Pagbalik ko naman ay tumuloy ako sa Boracay. Sakaling may mabuong bata ay itutuloy ko ang pagbubuntis. Initially nagulat ako sa intriga," sey ng magandang aktres.

Loveless siya ngayon pero kumpleto ang kanyang manliligaw pagdating sa kani-kanilang edad. "May nanliligaw sa aking bagets, binata, may-asawa at kahit DOM pero type ko yung walang sabit," dagdag pa nito.

Breadwinner ng pamilya si Maureen. Napag-aral nito ang kapatid at nakabili ito ng bahay dahil nag-loan sa bangko.
Jericho, No To Soaps
May nag-ooper kay Jericho Rosales ng soap opera pero tumanggi na ito. Huling napanood ang aktor sa Sana’y Wala Nang Wakas. Gusto niya’y sa isang taon na gumawa ng soap opera. Masyado itong na-drain dahil thrice a week kung mag-taping siya.

Tapos na nitong gawin ang Santa, Santita na launching movie ni Angelica Panganiban. May kissing scenes sila dito ng aktres.
Laplapan Sa Dressing Room
May balita kaming nasagap na nakita raw ang dalawang young stars na naglalaplapan sa isang dressing room.

Malakas ang dating ng babae kaya kahit sino ay mai-in love dito. Magkasama ang dalawa sa programa kaya di maiwasan na magkalapit ng loob sa isa’t isa. Nagbiro nga ang mga bading na kapatid sa hanapbuhay na swerte naman ng TV host dahil natikman niya ang labi ng young actor na pinapantasya ng kabataan at matrona.

ANGELICA PANGANIBAN

BAHAY MO BA TO

DRESSING ROOM

FOREVER IN MY HEART

ISUSUMBONG KITA

JERICHO ROSALES

KEEMPEE

LAGOT KA

MAUREEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with