Excited nang makarating ng Disneyland si Erik Santos
September 15, 2004 | 12:00am
Isang malaking tagumpay ang pagwawakas ng Bastat Kasama Kita noong Biyernes. Dinagsa ng libu-libong tao ang Luneta kung saan kinunan ang live ending ng nasabing teleserye na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Robin Padilla. Humigit-kumulang 100,000 na tao ang dumagsa sa Luneta.
"Ibang klase," sabi ni BKK supervising producer Julie Ann Benitez. "Hindi namin ini-expect na ganun karami ang taong pupunta. Mahirap at talagang madugo na gawin ang ganung ending pero pinanindigan na namin."
Kahit ang isa sa director ng BKK na si Tots Sanchez-Mariscal, nahirapan din sa set-up ng mga eksena.
"Truth is, action scene talaga dapat yon," kwento nito. "But since talagang mahirap dahil sa rami ng tao, imposible. Naging unruly din kasi ang crowd. Mahirap kontrolin."
Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga tagahanga ng Bastat Kasama Kita sa suportang nakuha nila. Consistent ito sa pagiging toprater. Sa katunayan, nagtala ng 45% rating ang Bastat Kasama Kita sa final episode nito.
Tulad ng ibang teleserye ng ABS-CBN, naitala na naman sa history ng Philippine television ang Bastat Kasama Kita dahil sa kakaibang pagwawakas nito.
Nakakatuwa si Erik Santos. Excited siya sa kanyang first time na pagpunta sa States. Mayroon siyang show sa Joseph L. Alioto Performing Arts Piazza sa San Francisco sa September 24.
"Ibang klase," sabi ni BKK supervising producer Julie Ann Benitez. "Hindi namin ini-expect na ganun karami ang taong pupunta. Mahirap at talagang madugo na gawin ang ganung ending pero pinanindigan na namin."
Kahit ang isa sa director ng BKK na si Tots Sanchez-Mariscal, nahirapan din sa set-up ng mga eksena.
"Truth is, action scene talaga dapat yon," kwento nito. "But since talagang mahirap dahil sa rami ng tao, imposible. Naging unruly din kasi ang crowd. Mahirap kontrolin."
Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga tagahanga ng Bastat Kasama Kita sa suportang nakuha nila. Consistent ito sa pagiging toprater. Sa katunayan, nagtala ng 45% rating ang Bastat Kasama Kita sa final episode nito.
Tulad ng ibang teleserye ng ABS-CBN, naitala na naman sa history ng Philippine television ang Bastat Kasama Kita dahil sa kakaibang pagwawakas nito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended