RU, tinanggal sa MTB
September 13, 2004 | 12:00am
Marami ang nagtaka kung bakit hindi na lumalabas sa MTB: Ang Saya-Saya si RU Miranda, ang pinakabatang Viva Hot Babe. Na-suspend daw ba, na-kick out o may iba pang dahilan?
"I pulled her out sa show!" deretsong sagot ni Mike Miranda, tatay at tumatayong business manager ni RU. "Kasi, na-realize kong masyado pang bata ang anak ko para magpa-sexy. Meron naman siyang ibang alam bukod sa paggiling-giling!"
Wholesome image talaga ang gusto ni Mike para kay RU. Katunayan nga’y tinanggihan niya kamakailan lamang ang alok na mag-pose nang hubad si RU para sa kalendaryo ng isang top beer brand sa halagang isang milyong piso!
Marami ngang ibang pwedeng gawin si RU bukod sa pagpapa-sexy. Kasalukuyan siyang nagsu-shooting ng pelikulang Minsan Pa ng MLR Productions sa direksyon ni Jeffrey Jeturian. Sa Cebu ang location shooting at papel ng isang babaeng taga-siyudad na umibig sa isang anak ng mangingisda ang kanyang ginagampanan.
Abala rin si RU sa promo ng kanyang unang album as a recording artist na pinamagatang "Are You Ready For RU?" sa ilalim ng Synergy Records. — Dennis Adobas

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended