Patay na ba o nailibing na ang pelikulang Pinoy?
September 13, 2004 | 12:00am
Bakit ba sa kabila ng patuloy na paggawa ng maraming hakbang ng mga taga-pelikula na ang layunin ay maiangat ang industriya ng pelikula ay patuloy din ang pagsasabing "malapit nang mamatay ang industriya" (kundi man matagal nang patay at kalilibing lang)?
Maganda sana ang balitang heto na naman ang Metro Manila Film Festival (na idaraos ngayong Disyembre), pero pagkatapos ng announcement of official entries, biglang "nagkagulo" na naman at narinig natin ang maraming reklamo, maraming disgusto, maraming pananamlay ng mga kinauukulan. Ang pinakamalaking dahilan ay ang hindi pagkakasali ng ilang inaasahang film projects gayundin ang pagkakaroon ng sense of unfairness (tulad ng diumanoy pagkakasali ng maraming Regal projects at ang pagkakaroon ng maraming pelikula ng isang director, si Joel Lamangan).
Mismong ang award-winning director and scriptwriter na si Jose Javier Reyes ang nagpahayag ng matinding disappointment sa listahan ng entries, kahit kasali siya.
Isang bagong prodyuser, si Josabeth Alonso ang nagrereklamo na hindi lang dahil hindi nakasali sa official entries ang entry niyang Minsan Pa kundi, kinukwestiyon niya ang tunay na batayan ng pagpili ng listahan ng official entries.
"I just hope," sabi ni Direk Joey, "Hindi madi-disappoint at madi-discourage ang independent film producers." Paano raw mangyayari ang inaasahang pagtatagumpay ng festival kung susuko at malulungkot agad ang independent film producers dahil nga hindi nakasali sa seleksyon? Pag hindi raw nagtagumpay ang festival, "talagang mamamatay na ang film industry."
Nanghihinayang din ang director sa hindi pagkakapili ng mga obra ng kapwa-direktor na sina Peque Gallaga (Star Walker), Mel Chionglo (Guardia de Honor) at Jeffrey Jeturian (Minsan Pa). Boy C. De Guia

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended