Hindi ako ang nagkalat na nag-audirtion si Rica para sa Darna Chrynna
September 13, 2004 | 12:00am
Pinabulaanan ni Chynna Ortaleza na siya ang nagkalat ng tsismis na nag-audition para sa Darna role sa Siyete si Rica Peralejo. "Nagkasabay kami na mag-audition pero hindi sa akin nanggaling ang balita. Ang dami ng tao dun at mayroon ding reporter kaya paano ito maililihim?" dagdag pa nito.
Nakakwentuhan namin si Gelli de Belen sa taping ng Sis at pinabulaanan nito ang balitang magma-migrate na sila ng kanyang pamilya sa Canada.
"Hindi naman kaagad-agad mangyayari ito. Siguro in about 10 to 15 years pa yun dahil gusto namin ni Ariel na sa Canada mag-college ang aming dalawang anak na sina Joaquin at Julio," aniya.
Ayon pa sa TV host ay ibibigay nila ang magandang edukasyon sa mga anak para maging matatag ang kanilang buhay balang araw.
Sa kabilang banda, ngayong araw ay nagdiriwang ang Sis ng third anniversary. Guest sina Ogie Alcasid, Dingdong Dantes, April Boy Regino, Aegis, Kai and the Boxers, Susan Enriquez, JayR, Abstract Dancers at ati-atihan.
Kahit sa bahay ay nagwo-work-out si Gelli sa pamamagitan ng thread mill at mahilig din silang maglaro ng badminton ni Ariel kaya napapanatili nitong balingkinitan ang pangangatawan.
Inamin nito na matatag na ang relasyon nila ng asawa kaya hindi na ito magseselos kapag nanood ng Forever In My Heart kung saan magkasama si Ariel at ex-gf nitong si Regine Velasquez. Pero di niya sigurado kung manonood siya ng teleserye dahil ang panonoorin niya ay cartoons kasama ang mga anak," pagbibiro pa ng actress-TV host.
Payat ngayon si Ogie Alcasid dahil may bago pala itong ini-spoof sa Bubble Gang na si Papaya Guanio. Ngayon nga ay tinatawag na rin itong Papaya.
Ipinagmamalaki ng singer-composer ang kanyang panganay na anak na si Leila na mahilig sa kabayo. Nagsimula ang pagkahilig nito sa pangangabayo noong itoy mag-aanim na taong gulang. Seven years old na ito ngayon. Nagpapabili na ito ng kabayo sa kanyang ama kaya lang di pumayag si Ogie dahil mahal ang kabayo at kailangang alagaan din ito. Nang minsang isama nito si Leila sa Manila Polo Club ay pinahiram siya ng saddle ni Mikee Cojuangco na isang magaling na equestrian.
Kinumusta naman namin si Michelle kay Ogie.
"Sobrang busy ni Michelle ngayon at gusto niyang magtrabahong muli pero sabi ko, paglaki-laki na ni Sara na three years old na. Gusto niyang mag-concentrate sa kanyang pottery at mag-aral ng culinary arts sa Sydney," sey pa ni Ogie.
Tinatapos pa nito ang album titled "I Am A Singer". Kasama rito ang mga awiting ng ibat ibang composers gaya nina Wency Cornejo, Vehnee Saturno at Archie Castillo. Naghahanda na rin siya sa nalalapit niyang concert sa Oct. 7&8 sa Music Museum.
Natutuwa si Ogie dahil namatay na rin ang tsismis tungkol sa kanila ni Regine Velasquez. "Mabuti na lang at di kami nagpaapekto sa intriga. Malalim ang friendship namin ni Regine at sanay makatagpo siya ng tamang lalaking magmamahal sa kanya," pagtatapos pa nito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am