Parokya ni Edgar, namayani sa Awit Awards
September 12, 2004 | 12:00am
Nakopo ng Universal Records ang 11 tropeo sa 17th Awit Awards ng Philippine Association of the Record Industry na tinanghal sa The Tent doon sa The Fort, noong Huwebes ng gabi.
Ang lumabas na most awarded artist (s) ay ang Parokya ni Edgar na napanalunan ang lahat ng kanilang nominasyon. Ang Parokya ang nagwagi ng Best Performance By A Group para sa kanilang kantang "Mr. Suave". Napanalunan din ng Parokya ang Record of the Year at Album of the Year para sa kanilang "Bigotilyo" album from Universal Records.
Tinanghal namang Song of the Year ang "Mr. Suave". Ito ay isang composers award kayat ang nanalo nito ay si Buwi Meneses na siyang sumulat ng "Mr. Suave" at bassist ng Parokya ni Edgar.
Tila hindi pa sapat ang maraming trophies na nahakot ng grupo, sila pa rin ang nagwagi sa Best Novelty Category para sa "Mr. Suave. Tinanghal pang Best Rap Recording ang kanilang "The Yes Yes Show" na kasama rin sa "Bigotilyo" album at sinulat at produced ni Chito Miranda.
Ang isa pang major-award na Best Performance By A Male Artist ay napanalunan ni Gary Valenciano para sa "Ang Aking Munting Bituin" na theme song sa multi-awarded film na Magnifico. Hanggang sa Awit Awards nagwagi pa rin ang pelikula ni Direktor Maryo J. Delos Reyes at Violett Films.
Noong babasahin na ang nagwagi bilang Best New Male Artist, maling envelope ang naibigay kay Nyoy Volante at ang binasa niya ay ang nanalo sa Best Performance By A Male Artist na si Gary Valenciano.
Kaya nalaman agad na nagwagi sa kategorya niya si Gary V. Sa backstage naman nagbiro pa si Gary V. kay KC Montero na hes happy na after 20 years in the music scene, he is still considered as a new artist.
Kasama ang "Ang Aking Munting Bituin" ni "Gary V. At The Movies" album na malapit na maging double platinum.
Isa pang Universal Records artists, si Jay Cayuca, ang nanalo ng Best Instrumental Performance Award para sa "Take Me Out Of The Dark", na kasama sa "Gary V. Beyond Words" album.
Humirit pa ng isang award ang Parokya para sa Music Video Of The Year na dinirek ni Ace Enriquez at produced by Chito Miranda.
Sayang nga lamang at nasa U.S.A. ang Parokya ni Edgar para sa isang coast-to-coast concert tour. Kaya naman ilang beses pumanhik sa stage si Mrs. Bella D. Tan na managing director ng Universal Records para tanggapin ang mga awards ng grupo.
Si Jed Maddela naman na bagong UR artis ay binigyan ng isang special award na galing sa Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, para sa kanyang pagkapanalo sa Voice of Asia International Song Festival sa Kazahstan last year, at para sa pagiging taning Pinoy na topbilled sa East Meets West live concert na tinanghal sa ibat ibang bansa at muling maglalakbay sa U.S. at Europe later this year.
Isa png panalo ni Gary V. ay sa Best Performance By A Duet (with Kyla) para sa "Sana Maulit Muli" na kasama din sa "At The Movies" album.
Ang iba pang Awit Awards Winners this year ay si Lani Misalucha (Best Performance By A Female Artists), Sarah Geronimo (Best Performance By A New Female Recording Artist para sa "Forever Is Not Enough), Erik Santos (Best Performance By A New Male Recording Artists para sa "I Believe I Can Fly), Akafellas (Best Alternative Music para sa "Burn Out") Sugarfree (para sa Best Rock for the song "Mariposa"), JayR at Vehnee Saturno (Best Ballad para sa "Bakit Pa Ba"), Kyla (Best R&B para sa "I Will Find You"), Ogie Alcasid at Regine Velasque (Best Movie Song for "Pangarap Ko Ang Ibigin Ka").
Isa pang panalo ng Universal Records ay ang Best Inspirational Record na "Awit Sa Ina ng Santo Rosaryo na kinanta ni Karylle at Bukas Palad and produced by Jeanne Young for "Misteryo ng Liwanag Album".
Si Noel Cabangon naman ang nagwagi ng Best Jazz Recording para sa kanyagn "Tinamaan Mo" mula sa Jesuit Communications.
Si Louie Ocampo ang nanalok ng Best Instrumental Arrangement para sa "Tell Me".

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am