^

PSN Showbiz

Sino ang nagsabi na bold movies ang bumubuhay sa industriya ng pelikula

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
May isang katotohanang inilabas si Ric Camaligan ng SM Cinemas. Inilabas niya ang totoo na hindi naman kumikita talaga ang mga pelikulang bold. Isa yon sa mga dahilan kung bakit ayaw na rin nila ng mga pelikulang bold sa SM, kasi mas kumikita sila kung ang palabas nila ay mga family pictures.

Iginigiit ng mga maliliit na film producers na kumikita ang mga pelikulang bold. Totoo namang kumikita sila ng barya-barya, at kuntento na sila sa maliit na kita dahil wala naman halos puhunan ang mga bold films. Tinatapos yan ng halos labindalawang rolyo lamang ng negatibo, mura ang mga artista, wala halos location, wala rin namang costume at ang promo ng mga pelikulang yan ay binabalasubas din naman.

Sa liit ng puhunan nilang inilalabas, kumikita rin sila. Pero papaano naman ang mga sinehan kung ang kikitain nila ay barya-barya lamang, eh malaki ang gastos nila lalo na ngayong tumaas na ang singil sa kuryente, at tataas pang lalo bago matapos ang buwang ito? Natural mas malaki na ang kanilang operating cost, eh kung ang ilalabas nila ay mga pelikulang bold na hindi rin naman kumikita, papaano?

Aywan kung sino naman ang nagbibigay ng maling impormasyon na ang bumubuhay sa industriya ng pelikulang Pilipino ay yang mga pelikulang bold. Ang totoo simula nang mauso ulit yang mga bomba, lalong bumagsak ang industriya ng pelikula dahil ayaw nang payagan ng mga concerned parents ang mga anak nila na manood ng mga pelikulang Pilipino na halos puro kalaswaan.

Simula noong gumawa sila nang gumawa ng mga pelikulang malalaswa, lalong bumagsak ang industriyaat hindi na nakabangon. Papaano nga pinaliit nila ang market ng pelikula. Basta ang pelikula ay naging R-18,maliit na ang market niyan. Kaya nga lalong bumagsak ang industriya.

Ayaw naming isipin na parusa na rin yan ng Diyos dahil puro kalaswaan ang ginagawa nilang mga pelikula.
* * *
Hindi lang para panoorin kung di isang instructional video iyong Touch na ginawa ng make up guru na si Fanny Serrano. Doon sa nasabing video, nagturo si Fanny kung papaano maglalagay ng make up, at kung anong klaseng make up ang kailangan ng mga kababaihan batay sa kulay ng kanilang balat, sa hugis ng kanilangmukha at lahat na. Malaking bagay iyan dahil hindi naman lahat makaka-afford na magpa-ayos sa beauty shop ni Fanny, pero kung mapapanood nila ang video, maskina sila na lang magagawa nilang maglagay ng mahusay namake up.

Sabi nga ni Fanny, ginawa rin niya ang video na iyanpara sa marami pang mga baguhang make up artists, nakung manonood lamang daw ng kanyang video ay maraming bagay na matututuhan dahil wala siyang itinagong sikreto. Itinuro niya ang lahat ng kanyang natutuhan sa loob ng 30 taon na niyang pagiging make up-artist ng mga stars doon sa video na iyon. Ang kwento pa niya, walang daya ang nasabing video.Makikita mo mismo ang naging transformation ng mga modelong nilagyan nila ng make up, para mapatunayanngang mahusay ang sistema na kanilang itinuturo.

AYAW

FANNY SERRANO

KUNG

NAMAN

NILA

PELIKULANG

PILIPINO

RIC CAMALIGAN

VIDEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with