Edu, umabot na sa Cebu, Dumaguete sa kanyang kampanya laban sa piracy!
September 10, 2004 | 12:00am
Hindi biro ang pinagdaanang hirap ni Edu Manzano bilang chairman ng Optical Media Board (dating Video Regulatory Board). Nalalagay sa kontrobersya si Edu dahil sa sunud-sunod na raid na ginagawa ng kanyang opisina laban sa piracy.
"Its a responsibility na sinumpaan ko sa bayan," sabi nito. "Kaya kahit anong mangyari, may makabangga man ako, wala akong sasantuhin. Gagawin ko ang obligasyon ko sa bayan."
Very recently, nagpunta si Edu sa Cebu at Dumaguete City para sa series of raid. At very proud si Edu na walang nangyaring untoward incident.
"Nasa pagha-handle kasi yan ng raid e. At ng tao mo," sabi nito.
Personally, naniniwala ako na mas maigting ang ginagawang pagsugpo ng OMB ngayon against piracy. Ang mahirap lang, kung ang mga tindahan ng mga pirated materials ay protektado ng mga big-time syndicates.
Id like to commend Edu sa kanyang kampanya against piracy. I personally believe that he is doing the right thing.
Para sa mga lolo ang episode ng Wansapanataym sa Linggo. Kwento ito ni Lolo Dante na mahilig magkwento ng magical adventures sa kanyang apong si Ali. Ang pakikipaglaban niya kina Shivana, Blakuno, Waytan at Garganto. Ang lahat ng ito ay kinagigiliwan ni Ali pero hindi ng ama nitong si Junior. Para kay Junior, lahat ng kwento ni Lolo Dante ay pawang mga kathang-isip lang.
Idagdag pa na may sama ng loob si Junior sa ama dahil nang mamatay ang kanyang ina ay wala si Lolo Dante. Hanggang isang araw, nabihag ni Shivana si Ali. Walang choice si Junior kundi samahan sa laban si Lolo Dante. Dito niya napatunayan na totoo ang mga kwento ni Lolo Dante.
Bida si Dante Rivero, kasama sa cast sina Mico Palanca, Nonie Buencamino, Gileth Sandico at Juliana Palermo bilang Shivana. Mula sa iskrip ni John Roque, ang episode ay dinirihe ni Ricky Davao.
Tomorrow, September 11, dear friend Freddie Bautista is turning a year older. Matagal ko nang kaibigan si Freddie, even at the time na nagsisimula pa lang siya sa ABS-CBN bilang promo coordinator. Ngayon, isa na siya sa pinaka-in-demand na talent coordinator sa ABS-CBN. Siya ang talent coordinator ng MTB: Ang Saya-Saya at iba pang programa sa ABS-CBN. Recently, he has also ventured into talent management.
Kaya sa ispesyal na araw kasama ang kanyang pamilya sina Roxy, Allen at Kari.
"Its a responsibility na sinumpaan ko sa bayan," sabi nito. "Kaya kahit anong mangyari, may makabangga man ako, wala akong sasantuhin. Gagawin ko ang obligasyon ko sa bayan."
Very recently, nagpunta si Edu sa Cebu at Dumaguete City para sa series of raid. At very proud si Edu na walang nangyaring untoward incident.
"Nasa pagha-handle kasi yan ng raid e. At ng tao mo," sabi nito.
Personally, naniniwala ako na mas maigting ang ginagawang pagsugpo ng OMB ngayon against piracy. Ang mahirap lang, kung ang mga tindahan ng mga pirated materials ay protektado ng mga big-time syndicates.
Id like to commend Edu sa kanyang kampanya against piracy. I personally believe that he is doing the right thing.
Idagdag pa na may sama ng loob si Junior sa ama dahil nang mamatay ang kanyang ina ay wala si Lolo Dante. Hanggang isang araw, nabihag ni Shivana si Ali. Walang choice si Junior kundi samahan sa laban si Lolo Dante. Dito niya napatunayan na totoo ang mga kwento ni Lolo Dante.
Bida si Dante Rivero, kasama sa cast sina Mico Palanca, Nonie Buencamino, Gileth Sandico at Juliana Palermo bilang Shivana. Mula sa iskrip ni John Roque, ang episode ay dinirihe ni Ricky Davao.
Kaya sa ispesyal na araw kasama ang kanyang pamilya sina Roxy, Allen at Kari.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended