^

PSN Showbiz

Amalia, Liezl di nag-uusap!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Sa isang pakikipagkwentuhan kay Amalia Fuentes ay sinabi nito na may tampuhan sila ni Liezl. Simula pa nung Pebrero ay hindi na sila nag-uusap. Pero ang mga anak nito ay di naman damay dahil nagpupunta pa rin ang mga ito at dumadalaw sa tahanan ng kanilang lola.

Noong nakaraang kaarawan ni Amalia ay hindi man lang siya binati ng anak. Nasaktan din ito nang minsang mag-guest si Liezl sa Good Morning Kris and Korina at pinalabas siyang kontrabida nito. Sinabi nito na naghirap sila ni Albert noon sa Amerika at nakaranas na matulog sa sahig.

"Kontrabida ba ang isang ina na pumayag mag-asawa ang kaisa-isang anak na dalaga kahit di pa tapos sa pag-aaral? Ang dala lang ni Albert ay $400 noong magtanan sila. Kailangan pa bang ulit-ulitin ang pinagdaanan nilang hirap sa Amerika? Kung tutuusin ay mali rin ang mga kwentong ito ni Liezl dahil tinanggap ko rin sila at pinatira sila sa aking bahay sa Hillsborough hanggang sa manganak si Liezl. Ni hindi man lang nila ako binati noong kaarawan ko," aniya.

Sinabi pa rin ni Amalia na di pwedeng gawing role model sina Albert at Liezl. "Nagmahalan nga sila pero hindi muna nila tinapos ang kanilang pag-aaral. Mag-aasawa na lang si Alyanna pero, paulit-ulit pa rin ang isyu tungkol sa paghihirap nila sa Amerika na ako pa ang sinisisi. Mag-isip naman sila ng ibang gimik," dagdag pa nito.
Czarina, Tinatamad Na Sa Showbiz
Sayang kung tinatamad na sa pag-aartista si Czarina Polman dahil may mga nakalinya pa naman itong mga sexy films. Balitang hindi ito nakakapag-promote ng pelikulang Tag-init.

May nagbulong sa amin na seloso raw ang kanyang boyfriend ngayon na balitang iginagarahe na siya at binigyan pa ng sarili nitong driver at maid. Sa isang magarang condo unit sa Makati ito nakatira ngayon.

Nanghihinayang kami sa pinagpaguran ni Czarina at nakilala na rin ito dahil kumita naman ang launching movie niya na Makamundo. Ngayong naghihigpit na sa pagpapalabas ng sexy films at ban na ito sa SM Malls ay nag-aaral naman ang aktres sa Thames at desidido itong magtapos ng kursong International Studies.
Sikat Na Actor, Sa Probinsya Naglaladlad Ng Saya!
Discreet pagdating sa kanyang pakikipagrelasyon ang aktor. Para hindi halata, umaalis siya ng Maynila at sa mga lalawigan tulad ng Laguna o Batangas naghahanap ng mga lalaki. Kakaibiganin muna niya ang mga bagets na lalaki at kapag may natipuhan ay saka tini-take home nito ang mga lalaki.

vuukle comment

AMALIA

AMALIA FUENTES

AMERIKA

CZARINA POLMAN

GOOD MORNING KRIS AND KORINA

INTERNATIONAL STUDIES

LIEZL

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with