Napapag-iwanan ang teleserye ni Piolo
September 5, 2004 | 12:00am
Dumating si Piolo Pascual sa birthday party ng pamangkin ni Judy Ann Santos na ginawa sa Café Carabana (pag-aari ng aktres) a few days ago. Dapat daw kasama ng actor ang anak niyang si Iñigo pero, may ibang lakad yata ang bagets kaya, hindi nakasama.
Nasa party si Judy Ann (syempre) at nagkaroon sila ng chance na mag-usap ni Piolo. Matagal daw nagkwentuhan ang dating magka-loveteam kaso lang, malayo sila sa mga bisita, wala tuloy nakarinig sa kanilang usapan.
Nanghula na lang ang source naming nasa party. Siguro raw kinumusta ni Judy Ann ang afternoon drama series ni Piolo na Mangarap Ka at si Piolo namay inalam kung kailan ang airing ng Krystala kung saan lilipad si Judy Ann ng ala-Darna.
Speaking of Mangarap Ka, obviously, may hindi gusto ang viewers sa serye ni Piolo dahil hindi umaabante ang rating nito. Ang tingin nga namin, pababa nang pababa ang rating nito habang nagtatagal. Ano kaya, hindi feel ng viewers ang story ng serye o ayaw nila si Angelica Panganiban para kay Piolo. Napag-iiwanan ang rating ng serye ni Piolo kung ikukumpara sa Bastat Kasama Kita nina Judy Ann at Robin Padilla na nananatiling mataas at tiyak kaming tataas pat malapit nang magtapos.
Mabutit nakahabol sa first taping ng Bahay Mo Ba To si Sunshine Dizon. Dumating ng August 30 ang young actress after three weeks stay in the States, kinabukasan, nag-taping na siya sa bagong sitcom ng GMA-7 na ipapalit sa All Together Now. Enjoy si Sunshine sa role niyang sosyalerang anak ni Tessie Tomas na Ingleserat mahilig magbihis at gumimik.
Bukod sa sitcom, may gagawin ding teleserye si Sunshine kasama si Jolina Magdangal. Wala pa itong title at hindi pa alam kung sino ang magdidirek. Pati nga cast ay hindi pa nabubuo at ang narinig palang naming makakasama nina Sunshine at Jolina ay si Hilda Koronel.
Hindi ito ang first time na magkakasama sa serye sina Jolina at Sunshine, nagkasama na rin sila sa Kahit Kailan. Parehong magaling sa drama at comedy ang dalawang actress at maganda kung drama-comedy ang ibibigay sa kanilang project ng Ch. 7.
Samantala, nagbunga na rin ang matagal na paghihintay ni Sunshine. After Kung Mawawala Ka at Daboy en Da Girl, ngayon lang uli siya magiging active at nangako itong babawi.
Nakakatuwa lang na ang pumalit sa Daboy en Da Girl ay ang All Together Now na isa sa cast ay si Angel Locsin. Tapos, ang papalit sa ATN ay si Sunshine naman ang kasama. Para namang hindi ninyo alam na war ang dalawa at yun ay dahil kay Miko Sotto.
Sa Filmex at hindi sa GMA-7 ang kontrata ni Janus del Prado, kaya nang matapos ang Hanggang Kailan at offeran siya ng ABS-CBN ng role sa Krystala ay agad niyang tinanggap. Nagti-taping na ang young actor nang dumating ang offer ng Ch. 7 para isama ito sa Noel.
Natatawang ikinuwento ng manager ni Janus na dahil identified siya sa Ch. 7 ay hindi siya pinayagan na um-attend sa story conference ng tele-fantasy. Pinalabas daw talaga siya sa room kung saan ginawa ang storycon na kanyang naintindihan. Hindi na rin siya nagtanong kay Janus kung ano ang napag-usapan para walang masabi ang Ch. 2. Inalam lang nito ang role ng young actor na kanyang ikinatuwa dahil maganda pati ang exposure nito.
Kaaliw ang GMA-7. Hindi nila ipinakita ang mukha ni Rica Peralejo nang mag-audition ito sa Darna at pinahulaan pa nila sa 24 Oras at Saksi. Obvious na hindi ini-expect ng mga nasa likod ng audition na ikukwento ni Chynna Ortaleza sa press na nakasabay niyang mag-audition si Rica, kaya naisulat ng editor ng pahinang ito.
Iba naman ang source namin, isa sa mga nakakita kay Rica nang dumating sa Cinema Concept sa Sta. Lucia East Mall kung saan ginawa ang audition. Hindi raw nagtago ang actress nang dumating sa lugar at hindi naka-camouflage at ibig sabihin, hindi nito itinatago ang pag-o-audition.
Ano kaya ang naging reaction ng ABS-CBN sa ginawa ni Rica? Matatandaang nasuspindi ito ng two weeks sa kanyang mga show sa ipinahayag niya pabor sa Extra Challenge nang mag-guest sila ng ex-boyfriend niyang si Bernard Palanca. Suspindihin din kaya ang actress dahil sa pag-o-audition niya?
Non-stop dancing ang mapapanood sa ASAP Mania this Sunday. Unang magpapakita ng galing sa pagsayaw ang grupong Anime saliw sa kantang "Protect my Heart".
Babanat din ng sayaw sina Joseph Bitangcol, Alwyn Uytingco, Zeppi Borromeo at Maja Salvador sabay sa kantang "Triple Trouble" ng Beastie Boys.
Hindi magpapatalo ang grupo nina Cherry Lou, Gem Ramos at Michelle Bayle sa maganda nilang dance number saliw sa mga kanta ng Sugarbabes at ni Janet Jacskon.
Last but not the least ay ang dance number ni Marvin Agustin. Ngayon lang uli sasayaw ang actor, kaya wag ninyong palampasin.
Ang dance extravaganza ang isa sa panghatak ng Sunday show kaya marami ang nanonood at tumatalo minsan sa SOP.
Nasa party si Judy Ann (syempre) at nagkaroon sila ng chance na mag-usap ni Piolo. Matagal daw nagkwentuhan ang dating magka-loveteam kaso lang, malayo sila sa mga bisita, wala tuloy nakarinig sa kanilang usapan.
Nanghula na lang ang source naming nasa party. Siguro raw kinumusta ni Judy Ann ang afternoon drama series ni Piolo na Mangarap Ka at si Piolo namay inalam kung kailan ang airing ng Krystala kung saan lilipad si Judy Ann ng ala-Darna.
Speaking of Mangarap Ka, obviously, may hindi gusto ang viewers sa serye ni Piolo dahil hindi umaabante ang rating nito. Ang tingin nga namin, pababa nang pababa ang rating nito habang nagtatagal. Ano kaya, hindi feel ng viewers ang story ng serye o ayaw nila si Angelica Panganiban para kay Piolo. Napag-iiwanan ang rating ng serye ni Piolo kung ikukumpara sa Bastat Kasama Kita nina Judy Ann at Robin Padilla na nananatiling mataas at tiyak kaming tataas pat malapit nang magtapos.
Bukod sa sitcom, may gagawin ding teleserye si Sunshine kasama si Jolina Magdangal. Wala pa itong title at hindi pa alam kung sino ang magdidirek. Pati nga cast ay hindi pa nabubuo at ang narinig palang naming makakasama nina Sunshine at Jolina ay si Hilda Koronel.
Hindi ito ang first time na magkakasama sa serye sina Jolina at Sunshine, nagkasama na rin sila sa Kahit Kailan. Parehong magaling sa drama at comedy ang dalawang actress at maganda kung drama-comedy ang ibibigay sa kanilang project ng Ch. 7.
Samantala, nagbunga na rin ang matagal na paghihintay ni Sunshine. After Kung Mawawala Ka at Daboy en Da Girl, ngayon lang uli siya magiging active at nangako itong babawi.
Nakakatuwa lang na ang pumalit sa Daboy en Da Girl ay ang All Together Now na isa sa cast ay si Angel Locsin. Tapos, ang papalit sa ATN ay si Sunshine naman ang kasama. Para namang hindi ninyo alam na war ang dalawa at yun ay dahil kay Miko Sotto.
Natatawang ikinuwento ng manager ni Janus na dahil identified siya sa Ch. 7 ay hindi siya pinayagan na um-attend sa story conference ng tele-fantasy. Pinalabas daw talaga siya sa room kung saan ginawa ang storycon na kanyang naintindihan. Hindi na rin siya nagtanong kay Janus kung ano ang napag-usapan para walang masabi ang Ch. 2. Inalam lang nito ang role ng young actor na kanyang ikinatuwa dahil maganda pati ang exposure nito.
Iba naman ang source namin, isa sa mga nakakita kay Rica nang dumating sa Cinema Concept sa Sta. Lucia East Mall kung saan ginawa ang audition. Hindi raw nagtago ang actress nang dumating sa lugar at hindi naka-camouflage at ibig sabihin, hindi nito itinatago ang pag-o-audition.
Ano kaya ang naging reaction ng ABS-CBN sa ginawa ni Rica? Matatandaang nasuspindi ito ng two weeks sa kanyang mga show sa ipinahayag niya pabor sa Extra Challenge nang mag-guest sila ng ex-boyfriend niyang si Bernard Palanca. Suspindihin din kaya ang actress dahil sa pag-o-audition niya?
Babanat din ng sayaw sina Joseph Bitangcol, Alwyn Uytingco, Zeppi Borromeo at Maja Salvador sabay sa kantang "Triple Trouble" ng Beastie Boys.
Hindi magpapatalo ang grupo nina Cherry Lou, Gem Ramos at Michelle Bayle sa maganda nilang dance number saliw sa mga kanta ng Sugarbabes at ni Janet Jacskon.
Last but not the least ay ang dance number ni Marvin Agustin. Ngayon lang uli sasayaw ang actor, kaya wag ninyong palampasin.
Ang dance extravaganza ang isa sa panghatak ng Sunday show kaya marami ang nanonood at tumatalo minsan sa SOP.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended