Niño ayaw nang pag-artistahin ng ama
September 4, 2004 | 12:00am
Patuloy sa paglaki ang negosyong Megamelt ng dating producer ng Wonder Film na si Alex Muhlach. Hanggang Italy, London, Hawaii, Hongkong at Amerika ay nakarating na ang pamoso nilang ensaymada. Araw-araw, libu-libong itlog ng manok ang ino-order nila para gamitin sa paggawa ng ensaymada.
At gusto sana ni Alex, tulungan siya ng anak na si Niño Muhlach sa kanilang negosyo. Executive president nga raw si Onin pero hanggang doon lang dahil si Alex din ang nagtatrabaho. Hindi raw makalimutan ng anak ang pag-aartista. Minsan daw napapansin niyang malungkot si Onin, dahil yung dating kasikatang tinatamasa ay siyang nararamdaman ngayon ng pinsang si Aga Muhlach.
Sina Alex ang unang nagbigay ng break kay Aga na magbida sa Miguelito. Magbuhat noon, nakilalang bigla si Aga. Pang-award kasi ang istorya ng pelikula.
Anyway, napagdaanan namang lahat ito ng kanyang anak na si Niño. Ang kaso, gusto pa rin ni Niño ang showbiz. Subalit, hindi naman type ni Alex na kahit ano na lang ang gagawin nito. Sayang naman kasi ang mga awards niyang natamo noon para gumanap sa cheap na pelikula.
Minsan nga, nalungkot at nabigla si Alex. Nagkataong may ka-meeting siyang mga kapwa taga-pelikula, akalain bang may TV doon at napanood si Niño sa show ni Aga. Maiksi raw ang role doon ng kanyang anak na naging superstar. Kung nandoon daw si Alex, hindi papayagang lumabas doon si Onin, kahit sabihin pang birthday celebration yon ni Aga. Hindi niya pinangarap na magmukhang kaawa-awa ang papel nito. Halos dinaanan lang daw ng kamera.
Tutol din si Alex sa mga pananamit ni Niño. Gusto niya, palaging maayos tingnan. Pero matigas daw ang ulo ng anak, kung anong gusto, siyang nasusunod.
Ngayon, nagdidirek daw si Niño ng isang stage play na ipapalabas sa UP at magiging artista nito si Jao Mapa. Talaga raw hindi kayang harangin ni Alex ang pagmamahal sa showbiz ni Niño. (VG)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended