Bat di pa kasuhan ang producers na may kinalaman sa film piracy?
September 4, 2004 | 12:00am
Inaamin namin, nakakagulat ang tindi ng popularidad ni Rainier Castillo. Noon lang kami ulit nakakita nang ganoon karaming mga fans, na nagtitilian at hindi magkamayaw talaga nang lumabas na si Rainier sa stage. Naalala nga namin iyong popularidad ng Bagets noon, ilang dekada na ang nakararaan. Simula noon kasi wala na kaming nakitang star na talagang matindi ang dating. Yung iba naman, marami lang publisidad dahil matitindi ang humahawak sa kanila, pero wala talagang hatak sa masa. Itong Rainier, hindi masyado ang publisidad, pero matindi pala ang batak sa masa.
Noong kantahin niya ang carrier single ng kanyang album, yong "I Love You Babe", nagsimula nang magsigawan ang mga tao. Hindi mo na nga halos maintindihan ang kanta niya dahil sa lakas ng tilian eh. Noong lumabas pa ang kanyang ka-loveteam na si Yasmien Kurdi, lalong tumindi ang tilian. Pero pang showbiz lang pala talaga ang loveteam na yon dahil yon ngang isang kanta sa album, yong "Salamat sa Pansin" ay dedicated daw ni Rainier kay Sheena Halili na isa sa mga Starstruck Avengers.
Aminado naman si Rainier na special friend niya si Sheena. Hindi niya sinasabing special friend din niya si Yasmien, na desidido na raw magreduce ngayon.
Pero talaga raw matindi ang popularidad niyang si Rainier, kahit na sa mga probinsiya. Nagkwento nga sa amin ang road manager ng isang sikat na singer, sabi niya basta raw nakasabay mo sa show yang si Rainier sa mga probinsiya, mai-insecure ka dahil talagang napakalakas ng tilian sa kanya ng mga tao. Mas sikat pa nga raw iyan kaysa sa talagang nanalo sa Starstruck na si Mark Herras.
Sa nakita namin, kami man ay naniniwala na matindi talaga ang appeal niyang si Rainier sa masa. Palagay namin kung mabibigyan nga lamang nang tamang push, iyan ang maaaring maging star ng isang hit na pelikula.
Ang akusasyon ng mga nagtitinda sa Greenhills, sinalakay daw sila na parang Gestapo ng mga kinatawan ng Optical Media Board, at kabilang daw sa nanutok ng baril sa kanila ay ang chairman noon. Ang sinasabi naman ng mga nasa side ng OMB, kaya raw ganoon ang dating ay dahil nagkaroon nga ng isang encounter. Kung mayroon ngang encounter, sinasabi ba nating armado ang mga nagtitinda ng mga pirated na VCD at DVD sa Greenhills?
Kung armado nga ang mga yan, dapat magkaroon ng imbestigasyon talaga dahil hindi lang kaso yan ng piracy. Kailangang malaman kung lisensiyado ba ang kanilang armas, at kung may karapatan ba silang magdala noon. Police matters yan. Kung wala namang masasabing armas ang mga vendors sa Greenhills, hindi masasabing nagkaroon ng encounter at baka matindi naman ang ginawang paglusob ng OMB. Kung ganyan katindi ang bawat raid na kanilang gagawin, hindi nga malayong may magkamatayan pagdating ng araw.
Kalat na kalat na rin sa industriya ang sinasabi ng mga taga-OMB na may nahuli silang mga testigo at may matitibay silang ebidensiya laban sa dalawang film producers na may kinalaman diumano sa piracy. Pero ang hindi namin maintindihan ay kung bakit pinagtatagal pa nila ang pagpa-file ng kaso laban sa dalawang suspect. Kung kakasuhan na yan, makakakuha na sila ng warrant para arestuhin ang mga iyon at papanagutin sa bintang na piracy. Bakit nga ba hindi pa mai-file ang kaso?
Noong kantahin niya ang carrier single ng kanyang album, yong "I Love You Babe", nagsimula nang magsigawan ang mga tao. Hindi mo na nga halos maintindihan ang kanta niya dahil sa lakas ng tilian eh. Noong lumabas pa ang kanyang ka-loveteam na si Yasmien Kurdi, lalong tumindi ang tilian. Pero pang showbiz lang pala talaga ang loveteam na yon dahil yon ngang isang kanta sa album, yong "Salamat sa Pansin" ay dedicated daw ni Rainier kay Sheena Halili na isa sa mga Starstruck Avengers.
Aminado naman si Rainier na special friend niya si Sheena. Hindi niya sinasabing special friend din niya si Yasmien, na desidido na raw magreduce ngayon.
Pero talaga raw matindi ang popularidad niyang si Rainier, kahit na sa mga probinsiya. Nagkwento nga sa amin ang road manager ng isang sikat na singer, sabi niya basta raw nakasabay mo sa show yang si Rainier sa mga probinsiya, mai-insecure ka dahil talagang napakalakas ng tilian sa kanya ng mga tao. Mas sikat pa nga raw iyan kaysa sa talagang nanalo sa Starstruck na si Mark Herras.
Sa nakita namin, kami man ay naniniwala na matindi talaga ang appeal niyang si Rainier sa masa. Palagay namin kung mabibigyan nga lamang nang tamang push, iyan ang maaaring maging star ng isang hit na pelikula.
Kung armado nga ang mga yan, dapat magkaroon ng imbestigasyon talaga dahil hindi lang kaso yan ng piracy. Kailangang malaman kung lisensiyado ba ang kanilang armas, at kung may karapatan ba silang magdala noon. Police matters yan. Kung wala namang masasabing armas ang mga vendors sa Greenhills, hindi masasabing nagkaroon ng encounter at baka matindi naman ang ginawang paglusob ng OMB. Kung ganyan katindi ang bawat raid na kanilang gagawin, hindi nga malayong may magkamatayan pagdating ng araw.
Kalat na kalat na rin sa industriya ang sinasabi ng mga taga-OMB na may nahuli silang mga testigo at may matitibay silang ebidensiya laban sa dalawang film producers na may kinalaman diumano sa piracy. Pero ang hindi namin maintindihan ay kung bakit pinagtatagal pa nila ang pagpa-file ng kaso laban sa dalawang suspect. Kung kakasuhan na yan, makakakuha na sila ng warrant para arestuhin ang mga iyon at papanagutin sa bintang na piracy. Bakit nga ba hindi pa mai-file ang kaso?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended