^

PSN Showbiz

I danced at Ogie's b-day!

- Veronica R. Samio -
Although I felt maikli yung birthday concert ni Ogie Alcasid na ginanap sa Aliw Theater nung Biyernes ng gabi kumpara sa mga nakaraan n’yang birthday shows o kahit dun sa mga major concerts niya, okey na sa akin. Hindi na ako nabitin. In fact napagod ako sa kasasayaw, pati na ang kasama kong si Judy Serrano dahil nung mga last quarter ng kanyang concert ay pawang mga danceable numbers ang binanatan niya na nagmistulang isang disco house ang napaka-luwang na teatro na napuno ng tao kahit pa sabihin na hindi ganun kalakas ang ginawang promo para sa nasabing konsyerto. Katuwa dahil dati sa mga konsyerto lamang ni Gary V nagkakaro’n ng sayawan pero, game ang audience ni Ogie. Tingin ko nga yung sayawan ang nagpa-kumpleto ng panonood nila.

May malaking following na talaga si Ogie, di lamang mga babaeng walang humpay ng pagkaway para lamang mapansin niya kundi maging mga lalaki na ang ilan ay hindi na kinailangan ng second invitation para umakyat ng stage at magpakita ng kanilang kagalingan sa pagsasayaw.

Ang maganda kay Ogie, ginagawa nyang komedi maging ang sarili niya (ang kakulangan niya sa height, ang kanyang napaka-simpleng looks, etc). The crowd all the more loves him for this.

Guests sa show sina Kyla at Rufa Me Quinto na bihis na bihis pero, si Jaya naka-kaswal lang. Bakit kaya?

Well-applauded si Raymond Bagatsing at ang grupo nyang Bandidoz.

May kasunod na concert si Ogie sa October 8 at 9 sa Music Museum na pinamagatang I Am A Singer, titulo rin ng pinaka-bago niyang album mula sa Viva. Makakasama niya rito sina Sarah Geronimo, Sheryn Regis at Nyoy Volante with the Mannos.

Mukhang walang katapusan ang pagdating ng swerte kay Ogie, pumirma na rin ito para maging endorser at spokesperson ng Lhuillier Group of Companies.

Samantala, ang komposisyon niya para kay Sarah na pinamagatang "If Only" ay nangunguna na sa mga charts. Ganundin ang fourth single niya mula sa kanyang album na "Mga Kuwento ng Pag-ibig", ang "Para Lang Sa ‘Yo".
* * *
I’m sure nakatulong ng malaki para bumenta ng husto ang Working Out With Jackielou yung kakatuwa niyang mga commercials para sa 555 Carne Norte. Kung hindi ba naman ito isang sellout ay bakit gagawa pa ng Working Out With Jackielou 2 ang Viva Video na naka-release na rin sa VCD (P199) at DVD (P299)? ang nakatutuwa, sinabayan din ito ng bagong release na 555 Carne Norte na kung saan ay nilindol ang isang bahay dahil lamang pumadyak sa kanyang pagsasayaw si Jackie.

Sa Working Out With Jackielou 2 ay nagbibigay ito ng pointers at mga routines para ma-tone ang mga muscles at masunog yung mga kinakain nating calories. Paalala lamang na hindi para sa mga may mahinang puso ang bagong ehersisyo pero, may mga warm up drills dito para sa kanila. May payo rin sa video tungkol sa mga proper attire and sneakers na dapat isuot at gamitin.
* * *
Email: [email protected]

vuukle comment

ALIW THEATER

ALTHOUGH I

CARNE NORTE

GARY V

NIYA

OGIE

PARA

WORKING OUT WITH JACKIELOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with