^

PSN Showbiz

Isang host ng 'Out' umatras

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Nasa kainitan ang isyu tungkol sa mga bakla at tomboy sa military at Department of Justice, nang biglang darating ang isang tv show na malayang tumatalakay sa ikatlong kasarian. Napapanahon nga ang Out ng GMA 7 na ipapalabas na sa Sabado, September 4.

Ang Out to be hosted by Jigs Mayuga at Avi Siwa ay naglalayon na makiisa sa gay rights movement and much more. Mula sa News and Public Affairs department ng GMA ang programang ito, kaya’t magiging makatotohanan at makabuluhan.

Kahit tatalakay sila sa maseselang bagay na iniiwasang kantiin man lamang ang ibang show, nangako naman sina Jigs at Avi na iiwas silang makasagasa ng sensitibidad at sensibilidad ng mga tao, straight or gay.

Si Jigs ay umaming bakla na siya since birth.

"I believe it’s in the genes. May kapatid ang dad ko na katulad ko," pag-amin ni Jigs sa tonong walang sinumang sinisisi sa kanyang pagiging bakla.

Nagtapos ng college sa U.P. si Jigz at naging international flight attendant ng Northwest Airlines ng apat na taon. Kung kanino siya nagtapat ng kanyang tunay na katauhan, ito rin ang kanyang naging unang serious na relasyon.

Natuklasan din ni Jigs ang kanyang talento sa pagme-make-up at pag-aayos ng buhok. Kumuha siya ng cosmetology sa Frank Provost at malapit na siyang magtapos. Nakapag-practicum na siya sa malalaking salon at pati ang kanyang mga female friends, napag-praktisan na niya.

Sa unang tingin ay talagang lalaking-lalake si Jigs. Bukod sa matangkad, good looking pa siya at malakas ang appeal. Muntik na nga siyang magka-girlfriend.

Malapit na talagang maging steady niya ang isang girl, pero hindi niya nakayanan at pinagtapat niya ang tunay na kalooban.

"Very conservative ang family ko, kaya’t nahirapan talaga akong magtago ng tunay kong katauhan," balik-tanaw ni Jigs.

Nakaranas pa nga siya ng isang trauma right after his high school graduation.

"Pinakonsulta nila ako sa isang psychiatrist when I was only 16 years old and that was really very traumatic to me," malungkot na flashback ni Jigs.

Ngayon ay may peace na sa kanyang sarili, pamilya at mga kaibigan si Jigs. Nasa tama at maayos na siyang pananaw sa buhay at heto na nga’t host pa siya ng the first tv gay show in the country na Out sa GMA.

Si Avi naman na tinaguriang "Ultimate Party Girl", aminadong bisexual. Pwede siya sa chicks at cats and it makes no difference to her.

Tingnan naman ninyo ang mga sports ni Avi–wall climbing, wake-boarding at car racing. Pati basketball. Talagang mga larong panlalake.

Bukod sa pagiging isang sikat na modelo, may sarili rin siyang modeling agency na nagma-manage ng mga talents, ang Kingpin. Pati pangalan ng kanyang negosyo tipong pang-siga siga!

Ang Out ay nag-premiere na sana last Saturday. Nausog ng isang linggo ang pagpapalabas nito, nang biglang umatras ang isa pang host for personal reasons.

Maaring baka maitakwil ng kanyang pamilya ang nasabing umayaw na host ng Out, kung ipangangalandakan niya ang pagiging bakla on nationwide television. Mula naman sa isang conservative family?

Talagang malaki ang purchasing power ng mga gay dahil karamihan sa ating mga kafatid ay malakas ang kita dahil na rin sa angking mga talento at creativity. Ang isa pa, karamihan din sa mga gay, gasta don at can afford. Bihira sa atin ang mga Madam Curie o kuripot!

ANG OUT

AVI

AVI SIWA

BUKOD

DEPARTMENT OF JUSTICE

JIGS

KANYANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with