Sarili niya ang PRO ni Isabel Granada
August 28, 2004 | 12:00am
Bilib kami kay Isabel Granadat hindi na nito kailangan ang PRO dahil siya mismo ang sumusulat ng kanyang press releases at ini-email na lang sa mga kaibigang reporter. Kaya kahit sa Angeles City siya nakatira kasama ang asawang si councilor Geryk Genasky at ang kanilang anak, updated ang press sa kanyang mga ginagawat pinagkakaabalahan. Nakakatuwa dahil pati pagsali niya sa Nestea Beach Volleyball ay kanyang in-email with matching pictures.
Noong isang araw, muli kaming nakatanggap ng e-mail kay Isabel na hindi ikatutuwa ng dati niyang manager na si Dondon Monteverde. Tema ng e-mail, ang hindi niya pagpayag sa diumanoy pangungumbinsi ni Dondon na magpalaki siya ng boobs.
Nabanggit din ni Isabel na kaya bumagal ang pagbibigay ng project sa kanya ni Dondon dahil sa hindi niya pagpayag sa breast augmentation. Twelve pictures daw ang contract niya (sa Regal Entertainment siguro) pero, tatlong pelikula lang ang naibigay sa kanya. Ibang tao raw ang nagbigay ng project sa kanya gaya ni Angge na siyang manager niya ngayon. Si Angge raw ang dahilan kaya siya napasama sa cast ng Sa Puso Ko Iingatan Ka at ibang TV guestings.
Dagdag pang balita ni Isabel, baka isadula sa telebisyon ang buhay niya. Inisip namin na dahil si Angge ang manager niya ngayon ay sa Maalaala Mo Kaya mapapanood ang kanyang life story. Tama ba kami, Isabel?
Magagandang pelikula sa magagaling na director ang ginagawa ni Jay Manalo. Sa Feng Shui ng Star Cinemay si Chito Roño ang director ni Jay at nagustuhan niya ang istilo nito nang pagdidirek at umaasa itong muli silang magkakatrabaho.
Sa Pagkagat ng Dilim, si Jeffrey Jeturian naman ang director ni Jay na kilala ring magaling sa kanyang trabaho. Natigil lang pansamantala ang shooting ng pelikula pero, magri-resume sa September.
Pareho namang si Joel Lamangan ang director ni Jay sa Aishite Imasu 1941 at Mano Po 3 na parehong entry sa Metro Manila Film Festival. Ikinatutuwa ng actor na challenging ang role niya sa dalawang pelikula lalo na sa Aishite Imasu 1941. Isa siyang Japanese colonel na mai-in love sa isang binabae na gagampanan naman ni Dennis Trillo.
Nalaman namin sa manager ni Jay na si Manny Valera na tatlo ang love scene nina Jay at Dennis at mayroon pang bed scenes. Humanga nga si Manny kay Jay dahil walang angal na ginawa ang dalawang naunang love scene na may kasamang grabeng halikan. Gugulatin daw ng dalawang actor ang moviegoers sa kanilang mga eksena. Malutong na halakhak ang sagot ni Manny sa tanong namin kundi ba magkaka-problema sa MTRCB ang pelikula? Saka na raw niya sasagutin ang aming tanong kapag ni-review na ng MTRCB.
Patuloy ang pagdating ng suwerte kay Teri Onor. Sa mga darating na episode ng Lagot Ka
Isusumbong Kita, mas malaki na ang kanyang role. Hindi na siya kasambahay nina Vangie Labalan at Maureen Larrazabal dahil madidiskubreng kapatid siya nina Richard Gomez, Raymart Santiago, Benjie Paras at Joey Marquez. Kung paano nangyari ito, subaybayan ang Monday sitcom ng GMA-7.
Pati nga pelikula pinasok na rin ni Teri. Sila ni Diego ng Bubble Gang ang mga bida sa Mga Babaing May Lawit. Kapag nag-hit itoy asahang magkakasunud-sunod ang movie offer sa bading. Tiniyak ng manager nitong si Jun Nardo na kahit isang level pa umabot ang kasikatan ng kanyang alagay never nitong iiwan ang Eat Bulaga na unang nagbigay ng break kay Teri at kung saan ito sumikat.
Nagreklamo sa kaibigang reporter ang isang member ng all-male singing and dance group. Matumal na raw ang booking nila at halos wala nang kumukuha sa kanila sa mga show. Nahihirapan ang member na itot may pamilya siyang umaasa sa kanyang kinikita. Sa tono ng reklamo nitoy ang kanilang manager ang sinisisit pinapalabas na hindi naghahanap ng kanilang booking.
Pati ang madalang na paggi-guest ng kanilang grupo sa TV ay inireklamo rin nito sa reporter. Nang usisain naman ng reporter kung may balak siyang kumalas sa grupo at lumipat sa ibay ayaw naman nito.
Naiinggit nga ang member na ito sa grupo ng isa pang all-male singing and dance group na tuluy-tuloy ang pagsu-show at laging may booking. Lately, pati sa write ups sa mga newspaper, natatalo rin ang grupong kinasasalihan nang nagrereklamong member. Hindi pa man dumarating, pinoproblema na nito ang nararamdamang pagka-laos ng kanyang grupo.
Noong isang araw, muli kaming nakatanggap ng e-mail kay Isabel na hindi ikatutuwa ng dati niyang manager na si Dondon Monteverde. Tema ng e-mail, ang hindi niya pagpayag sa diumanoy pangungumbinsi ni Dondon na magpalaki siya ng boobs.
Nabanggit din ni Isabel na kaya bumagal ang pagbibigay ng project sa kanya ni Dondon dahil sa hindi niya pagpayag sa breast augmentation. Twelve pictures daw ang contract niya (sa Regal Entertainment siguro) pero, tatlong pelikula lang ang naibigay sa kanya. Ibang tao raw ang nagbigay ng project sa kanya gaya ni Angge na siyang manager niya ngayon. Si Angge raw ang dahilan kaya siya napasama sa cast ng Sa Puso Ko Iingatan Ka at ibang TV guestings.
Dagdag pang balita ni Isabel, baka isadula sa telebisyon ang buhay niya. Inisip namin na dahil si Angge ang manager niya ngayon ay sa Maalaala Mo Kaya mapapanood ang kanyang life story. Tama ba kami, Isabel?
Sa Pagkagat ng Dilim, si Jeffrey Jeturian naman ang director ni Jay na kilala ring magaling sa kanyang trabaho. Natigil lang pansamantala ang shooting ng pelikula pero, magri-resume sa September.
Pareho namang si Joel Lamangan ang director ni Jay sa Aishite Imasu 1941 at Mano Po 3 na parehong entry sa Metro Manila Film Festival. Ikinatutuwa ng actor na challenging ang role niya sa dalawang pelikula lalo na sa Aishite Imasu 1941. Isa siyang Japanese colonel na mai-in love sa isang binabae na gagampanan naman ni Dennis Trillo.
Nalaman namin sa manager ni Jay na si Manny Valera na tatlo ang love scene nina Jay at Dennis at mayroon pang bed scenes. Humanga nga si Manny kay Jay dahil walang angal na ginawa ang dalawang naunang love scene na may kasamang grabeng halikan. Gugulatin daw ng dalawang actor ang moviegoers sa kanilang mga eksena. Malutong na halakhak ang sagot ni Manny sa tanong namin kundi ba magkaka-problema sa MTRCB ang pelikula? Saka na raw niya sasagutin ang aming tanong kapag ni-review na ng MTRCB.
Pati nga pelikula pinasok na rin ni Teri. Sila ni Diego ng Bubble Gang ang mga bida sa Mga Babaing May Lawit. Kapag nag-hit itoy asahang magkakasunud-sunod ang movie offer sa bading. Tiniyak ng manager nitong si Jun Nardo na kahit isang level pa umabot ang kasikatan ng kanyang alagay never nitong iiwan ang Eat Bulaga na unang nagbigay ng break kay Teri at kung saan ito sumikat.
Pati ang madalang na paggi-guest ng kanilang grupo sa TV ay inireklamo rin nito sa reporter. Nang usisain naman ng reporter kung may balak siyang kumalas sa grupo at lumipat sa ibay ayaw naman nito.
Naiinggit nga ang member na ito sa grupo ng isa pang all-male singing and dance group na tuluy-tuloy ang pagsu-show at laging may booking. Lately, pati sa write ups sa mga newspaper, natatalo rin ang grupong kinasasalihan nang nagrereklamong member. Hindi pa man dumarating, pinoproblema na nito ang nararamdamang pagka-laos ng kanyang grupo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am