Kris, nag-resign na sa morning show niya!
August 28, 2004 | 12:00am
Follow-up ito sa programa ni Kris Aquino na Good Morning Kris na till the end of September na lang eere dahil nag-resign na si Kris sa naturang programa bago pa ito tsugihin.
Balak na palang tanggalin ang GMK dahil parati itong bagsak sa ratings kumpara sa katapat nitong Sis sa GMA 7 at nang matunugan ito ni Tetay ay inunahan na niyang mag-resign at ang katwiran niya ay nagkakasakit siya dahil galing pa siya sa taping ng soap dramang Hiram.
Hiniling ng naturang TV host/actress na hindi niya kaya ang daily morning show dahil nga may soap drama siya, kayat isang once a week show na lang daw ang ipalit sa Good Morning Kris.
Pero hindi pwede ang kahilingan ni Tetay dahil nasa kontrata pala niya in two years na dalawang daily show at isang weekly show, kayat planong isang game show sa gabi o isang talk show sa hapon ang ipapalit sa Good Morning Kris.
Ayon pa sa analysis ng management ng Dos na hindi kaya ni Kris na magsolo sa isang talk show dahil sumemplang na ito at napatunayan ito nung iwan siya ni Korina Sanchez.
Sa parte naman ng Sis ay apat na programa na pala ang pinataob nito, una ang Talk TV nina Tintin Bersola-Babao, Julius Babao, Ryan Agoncillo at Janet McBride, sumunod ang Morning Girls nina Pops Fernandez, Zsazsa Padilla at Kris, pangatlo ang Morning Girls with Kris and Korina at itong Good Morning Kris.
Marahil kung wala ring kasama si Kris sa The Buzz, malamang na sumemplang na rin sa ratings ang programa, dapat magpasalamat siya sa mga co-hosts niya ron.
Nagbibiro kaya si Vandolph Quizon sa kwento nito sa isang tv reporter na nakita niyang may pakpak at lumilipad ang sasakyan nila kaya nahirapan siyang diinan ang brake nito?
Ayon sa tsikang nalaman namin sa isang TV reporter ay ayaw daw magpakuha ni Vandolph ng TV camera habang nagkukwento kung anong nangyari sa aksidenteng naganap na habang tumatakbo nga raw ay may nakita siyang pakpak at lumilipad sila, naramdaman na lang daw niya na nahulog na sila sa tubig.
"Pero natatawa si Vandolph habang nagkukwento, kaya baka idinaan sa biro ang aksidente para hindi gaanong mabigat," dagdag pa ng aming kausap.
Marahil avid viewers si Vandolph ng fantaseryeng Mulawin ng GMA kaya nai-imagine niyang siya si Aguiluz.
Anyway, dapat sigurong mag-ingat na ng husto si Vandolph dahil pangatlong aksidente na niya ito, nauna yung kasama rin niya ang girlfriend na namatay na si Ishi Raquiza at wasak ang F150 niya, next nabangga sa puno na gamit ang kotseng Lexus at ngayon nga ay ang Ford Expedition na kasama uli ang girlfriend na si Jenny, dating MTB dancer.
Ipalalabas bukas, Linggo sa GMA 7 ang Show Ko To concert ni Michael V na ginanap sa Araneta Coliseum kamakailan.
Ito ang tampok sa Sunday Night Box Office na tiyak na ipagsisisi ng mga hindi nanood dahil maganda ang show ni Michael V.
Special guests niya sina Aubrey Miles, Janno Gibbs, Francis M., Jenine Desiderio at Allan K. na makikigulo sa tinaguriang Master of Disguises dahil sa panggagaya kina Pres. Gloria M. Arroyo, Michael Jackson at sariling karakter na si Junie Lee.
At syempre pa, hindi pwedeng mawala ang hinihintay ng lahat, ang showdown ng mga Sexballs na sina Wendell Ramos, Antonio Aquitania with Rainier Castillo. Reggee Bonoan
Balak na palang tanggalin ang GMK dahil parati itong bagsak sa ratings kumpara sa katapat nitong Sis sa GMA 7 at nang matunugan ito ni Tetay ay inunahan na niyang mag-resign at ang katwiran niya ay nagkakasakit siya dahil galing pa siya sa taping ng soap dramang Hiram.
Hiniling ng naturang TV host/actress na hindi niya kaya ang daily morning show dahil nga may soap drama siya, kayat isang once a week show na lang daw ang ipalit sa Good Morning Kris.
Pero hindi pwede ang kahilingan ni Tetay dahil nasa kontrata pala niya in two years na dalawang daily show at isang weekly show, kayat planong isang game show sa gabi o isang talk show sa hapon ang ipapalit sa Good Morning Kris.
Ayon pa sa analysis ng management ng Dos na hindi kaya ni Kris na magsolo sa isang talk show dahil sumemplang na ito at napatunayan ito nung iwan siya ni Korina Sanchez.
Sa parte naman ng Sis ay apat na programa na pala ang pinataob nito, una ang Talk TV nina Tintin Bersola-Babao, Julius Babao, Ryan Agoncillo at Janet McBride, sumunod ang Morning Girls nina Pops Fernandez, Zsazsa Padilla at Kris, pangatlo ang Morning Girls with Kris and Korina at itong Good Morning Kris.
Marahil kung wala ring kasama si Kris sa The Buzz, malamang na sumemplang na rin sa ratings ang programa, dapat magpasalamat siya sa mga co-hosts niya ron.
Ayon sa tsikang nalaman namin sa isang TV reporter ay ayaw daw magpakuha ni Vandolph ng TV camera habang nagkukwento kung anong nangyari sa aksidenteng naganap na habang tumatakbo nga raw ay may nakita siyang pakpak at lumilipad sila, naramdaman na lang daw niya na nahulog na sila sa tubig.
"Pero natatawa si Vandolph habang nagkukwento, kaya baka idinaan sa biro ang aksidente para hindi gaanong mabigat," dagdag pa ng aming kausap.
Marahil avid viewers si Vandolph ng fantaseryeng Mulawin ng GMA kaya nai-imagine niyang siya si Aguiluz.
Anyway, dapat sigurong mag-ingat na ng husto si Vandolph dahil pangatlong aksidente na niya ito, nauna yung kasama rin niya ang girlfriend na namatay na si Ishi Raquiza at wasak ang F150 niya, next nabangga sa puno na gamit ang kotseng Lexus at ngayon nga ay ang Ford Expedition na kasama uli ang girlfriend na si Jenny, dating MTB dancer.
Ito ang tampok sa Sunday Night Box Office na tiyak na ipagsisisi ng mga hindi nanood dahil maganda ang show ni Michael V.
Special guests niya sina Aubrey Miles, Janno Gibbs, Francis M., Jenine Desiderio at Allan K. na makikigulo sa tinaguriang Master of Disguises dahil sa panggagaya kina Pres. Gloria M. Arroyo, Michael Jackson at sariling karakter na si Junie Lee.
At syempre pa, hindi pwedeng mawala ang hinihintay ng lahat, ang showdown ng mga Sexballs na sina Wendell Ramos, Antonio Aquitania with Rainier Castillo. Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended