Kaya bang dalhin mag-isa ni Zsazsa ang 'Born Diva'?
August 27, 2004 | 12:00am
Kasama ko si Mylene Dizon kamakalawa ng gabi. The usual na tsikahan namin yon ng mga kaibigang sina Biboy Arboleda, Joel Siervo, Rizza Ebriega at Pam Pamintuan. Nag-last taping day na siya for Bastat Kasama Kita. Magwawakas na ito sa first week ng September. Bored na bored na raw siya. She is on the 2nd week of her pregnancy. After BKK, wala pa siyang inaasahang trabaho. Aniya, hindi pa naman daw kalakihan ang tiyan niya.
"Pwede pa akong magtrabaho," sabi nito. "Sana hosting para hindi masyadong nakakapagod."
This early, nai-excite na si Mylene sa panganganak niya ng baby nila ni Paolo Paraiso. Although hindi pa siya nakakapagpa-ultrasound. May mga kaibigan na siyang nagbibigay ng mga items para sa baby niya.
Gusto ni Mylene, bago lumaki ang tiyan niya ay makapunta siya sa States. Nasa America na kasi ang kanyang ina at mga kapatid. Gusto rin niya na makasama si Paolo sa States para makilala ng personal ng kanyang pamilya.
Next week ay ang simula na ng weeklong ending ng Bastat Kasama Kita. Happy ang mga bida ng action-teleserye na sina Robin Padilla at Judy Ann Santos dahil magtatapos ito na mataas ang rating.
Sunud-sunod ang mga revelation nitong mga huling weeks sa BKK. Isang pinakamatinding rebelasyon ay ang pag-amin ni Lady Godiva, na siya si Godofredo, ang ama ni Princess. Nagpa-sex change si Godofredo.
Sa pagtatapos ng BKK simula sa Lunes, may mas matindi pang rebelasyon ang magaganap.
"May mga major twist sa story. Fast-paced at dapat hindi ka bibitiw dahil baka may ma-miss ka," kwento sa akin ng supervising producer ng show na si Julie Ann Benitez.
Ang Bastat Kasama Kita, napapanood pagkatapos ng Marina ay dinidirek nina Trina Dayrit at Tots-Sanchez Mariscal.
Bida sina Nash Aguas at Sharlene San Pedro sa episode ng Wansapanataym ngayong Linggo. Sa episode na "Home, Sweet Home", sina Nash at Aguas ay mga batang hindi sanay sa mahirap na buhay. Sa bago nilang tirahan, nakilala nila ang isang bata na galing sa painting world. Soon, nasa loob na ng painting sina Nash at Sharlene. Doon ay naganap ang mga pagbabago sa buhay ng karakter sa buhay nina Nash at Sharlene.
Star-studded ang episode ng Wansapanataym. Bukod kina Nash at Sharlene, kasama rin sa cast sina Cherrie Pie Picache, Gardo Verzosa, Dennis Padilla, Amy Perez, Allan Paule, Sylvia Sanchez at mga young star na sina Roxanne Guinoo, Jill Yulo, Gabb Drilon, Jacob Dionisio at Thammie Andrada.
Ang "Home, Sweet Home" ay sinulat ni Joel Mercado at mula sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes. Ang Wansapanataym ay napapanood tuwing Linggo, pagkatapos ng TV Patrol.
Excited si Zsazsa Padilla sa Born Diva, ang bago niyang show sa ABS-CBN. Ang Born Diva ay isang reality make-over-singing star search. Bago ito sa Philippine television. Dahil bukod sa puro babae ang contestants, they will have to undergo make over bago maging contestant.
"Kung ano ang pwedeng gawin sa hitsura nila, yun ang gagawin namin. If they will have to undergo surgery, yun ang pagdadaanan nila," kwento ni Zsazsa.
Madugo ang production ng Born Diva. Kinuha nila ang serbisyo ng mga kilalang beauty experts na makakatulong sa make-over ng mga contestant. Isa na nga rito ay ang kanilang beauty expert na si Dr. Vicki Belo.
Kung ang management ng ABS-CBN ang tatanungin, si Zsazsa ang epitomy ng isang diva. Sabi nga ni Zsazsa, ang definition ng salitang diva ay divine. We all know na si Zsazsa ang tinaguriang Divine Diva, a title given to her by Martin Nievera.
Kapansin-pansin din ang ibayong alindog ngayon ni Zsazsa. Walang duda na napakaseksi niya ngayon. Hindi mo iisipin na she is already 40 years old.
"I have no qualms about my age. I am proud I am in my 40s," sabi pa nito.
Bukas, pagkatapos ng Nginiiig, ay ang premier telecast ng Born Diva. The show will replace Star In A Million. Si Bobet Vidanes ang direktor ng Born Diva.
"Pwede pa akong magtrabaho," sabi nito. "Sana hosting para hindi masyadong nakakapagod."
This early, nai-excite na si Mylene sa panganganak niya ng baby nila ni Paolo Paraiso. Although hindi pa siya nakakapagpa-ultrasound. May mga kaibigan na siyang nagbibigay ng mga items para sa baby niya.
Gusto ni Mylene, bago lumaki ang tiyan niya ay makapunta siya sa States. Nasa America na kasi ang kanyang ina at mga kapatid. Gusto rin niya na makasama si Paolo sa States para makilala ng personal ng kanyang pamilya.
Sunud-sunod ang mga revelation nitong mga huling weeks sa BKK. Isang pinakamatinding rebelasyon ay ang pag-amin ni Lady Godiva, na siya si Godofredo, ang ama ni Princess. Nagpa-sex change si Godofredo.
Sa pagtatapos ng BKK simula sa Lunes, may mas matindi pang rebelasyon ang magaganap.
"May mga major twist sa story. Fast-paced at dapat hindi ka bibitiw dahil baka may ma-miss ka," kwento sa akin ng supervising producer ng show na si Julie Ann Benitez.
Ang Bastat Kasama Kita, napapanood pagkatapos ng Marina ay dinidirek nina Trina Dayrit at Tots-Sanchez Mariscal.
Star-studded ang episode ng Wansapanataym. Bukod kina Nash at Sharlene, kasama rin sa cast sina Cherrie Pie Picache, Gardo Verzosa, Dennis Padilla, Amy Perez, Allan Paule, Sylvia Sanchez at mga young star na sina Roxanne Guinoo, Jill Yulo, Gabb Drilon, Jacob Dionisio at Thammie Andrada.
Ang "Home, Sweet Home" ay sinulat ni Joel Mercado at mula sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes. Ang Wansapanataym ay napapanood tuwing Linggo, pagkatapos ng TV Patrol.
"Kung ano ang pwedeng gawin sa hitsura nila, yun ang gagawin namin. If they will have to undergo surgery, yun ang pagdadaanan nila," kwento ni Zsazsa.
Madugo ang production ng Born Diva. Kinuha nila ang serbisyo ng mga kilalang beauty experts na makakatulong sa make-over ng mga contestant. Isa na nga rito ay ang kanilang beauty expert na si Dr. Vicki Belo.
Kung ang management ng ABS-CBN ang tatanungin, si Zsazsa ang epitomy ng isang diva. Sabi nga ni Zsazsa, ang definition ng salitang diva ay divine. We all know na si Zsazsa ang tinaguriang Divine Diva, a title given to her by Martin Nievera.
Kapansin-pansin din ang ibayong alindog ngayon ni Zsazsa. Walang duda na napakaseksi niya ngayon. Hindi mo iisipin na she is already 40 years old.
"I have no qualms about my age. I am proud I am in my 40s," sabi pa nito.
Bukas, pagkatapos ng Nginiiig, ay ang premier telecast ng Born Diva. The show will replace Star In A Million. Si Bobet Vidanes ang direktor ng Born Diva.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended