MMFF,dapat nang umaksyon !
August 25, 2004 | 12:00am
Bago pa man dumating sina Sheryl Cruz at asawa nitong si Norman Bustos ay nag-usap na kami sa mga posibleng mangyari sa career ni Sheryl. Tulad na lamang ng muli nilang pagtatambal ng dati niyang ka-loveteam na si Romnick Sarmenta.
Walang magiging problema kung saka-sakaling may gagawin silang project. Maging sa asawa nitong si Norman ay walang problema. Buo ang suportang ibinibigay nito kay Sheryl. Willing din sanang mag-stay sa bansa si Norman pero, kailangan niyang bumalik sa Amerika dahil may trabaho siya roon. Walong taon silang namalagi sa Amerika kaya okey lang kay Norman kung abutin man ng ilang buwan si Sheryl sa bansa para muli nitong harapin ang kanyang career.
Nakakatuwa ring marinig na hindi totoo ang mga intrigang ipinupukol sa kanilang mag-asawa.
Gusto rin nga palang makasama ni Sheryl ang mga bagong artista ngayon. Siyempre naman alam niyang di na pawang mga lead role ang mapupunta sa kanya dahil nga sa marami nang bagong nagsulputang artista ngayon.
Ano ba talagang nangyayari sa Metro Manila Film Festival? Matamlay na nga ang pelikula parang magkakawatak-watak pa ang mga producer.
Pero ang lahat nang ito ay tungkol sa ginawang pagpili ng MMFF selection committee para sa walong kalahok sa darating na MMFF. Maraming producer ang nagpo-protesta na apat ang entry ng Regal Films Mano Po 3, Aistheimasu 1941, Que Sera Sera at Sigaw.
Bagamat nag-deny na si Mother Lily na hindi sa kanya ang lahat ng mga nasabing pelikula pero maraming umalma at nagsasabing sa kanya yun.
Andiyan si Robbie Tan ng Seiko Films, Boss Vic del Rosario ng Viva Films at Madam Violet ng Violett Films at marami pang ibang independent companies.
Kung ako kay MMDA Chairman Bayani Fernando, ayusin na nila yan. Mangalap sila ng mga ebidensiya na sinasabi ng mga nagrereklamo at muling mamili ng mga karapat-dapat na pelikula na pwede sa darating na MMFF.
Ito lang ang tanging paraan para muling manumbalik ang pagkakaisa sa ating industriya.
Sana nga maresolba ito sa lalong madaling panahon.
Kailangan nating magkaintindihan sa lalong madaling panahon.
Hindi ako pabor sa ginawa ni Lotlot de Leon na nagdesisyon agad na mag-file ng annulment. Ano ba yan Lotlot, sino ba ang adviser mo? Para yatang mga maling tao ang nagbigay sa iyo ng ganyang idea na sinunod mo naman.
Nasa tamang edad ka na, marami ka nang pinag-daanan kaya dapat ay nag-iisip ka ng mga gagawin mo.
Ilang buwan pa lang kayong naghihiwalay ni Monching, tapos ngayon, annulment agad ang iniisip mo.
Bakit hindi mo naisip na ang lubos na maapektuhan sa mga desisyon mo ay ang mga anak nyo! Mga bata pa sila, masakit sa kanila ang mangyayari.
Hindi ka na nag-isip na maari kayong magkabalikan?
Naku iha baka nabibigla ka lang, maghinay-hinay ka lang.
Walang magiging problema kung saka-sakaling may gagawin silang project. Maging sa asawa nitong si Norman ay walang problema. Buo ang suportang ibinibigay nito kay Sheryl. Willing din sanang mag-stay sa bansa si Norman pero, kailangan niyang bumalik sa Amerika dahil may trabaho siya roon. Walong taon silang namalagi sa Amerika kaya okey lang kay Norman kung abutin man ng ilang buwan si Sheryl sa bansa para muli nitong harapin ang kanyang career.
Nakakatuwa ring marinig na hindi totoo ang mga intrigang ipinupukol sa kanilang mag-asawa.
Gusto rin nga palang makasama ni Sheryl ang mga bagong artista ngayon. Siyempre naman alam niyang di na pawang mga lead role ang mapupunta sa kanya dahil nga sa marami nang bagong nagsulputang artista ngayon.
Pero ang lahat nang ito ay tungkol sa ginawang pagpili ng MMFF selection committee para sa walong kalahok sa darating na MMFF. Maraming producer ang nagpo-protesta na apat ang entry ng Regal Films Mano Po 3, Aistheimasu 1941, Que Sera Sera at Sigaw.
Bagamat nag-deny na si Mother Lily na hindi sa kanya ang lahat ng mga nasabing pelikula pero maraming umalma at nagsasabing sa kanya yun.
Andiyan si Robbie Tan ng Seiko Films, Boss Vic del Rosario ng Viva Films at Madam Violet ng Violett Films at marami pang ibang independent companies.
Kung ako kay MMDA Chairman Bayani Fernando, ayusin na nila yan. Mangalap sila ng mga ebidensiya na sinasabi ng mga nagrereklamo at muling mamili ng mga karapat-dapat na pelikula na pwede sa darating na MMFF.
Ito lang ang tanging paraan para muling manumbalik ang pagkakaisa sa ating industriya.
Sana nga maresolba ito sa lalong madaling panahon.
Kailangan nating magkaintindihan sa lalong madaling panahon.
Nasa tamang edad ka na, marami ka nang pinag-daanan kaya dapat ay nag-iisip ka ng mga gagawin mo.
Ilang buwan pa lang kayong naghihiwalay ni Monching, tapos ngayon, annulment agad ang iniisip mo.
Bakit hindi mo naisip na ang lubos na maapektuhan sa mga desisyon mo ay ang mga anak nyo! Mga bata pa sila, masakit sa kanila ang mangyayari.
Hindi ka na nag-isip na maari kayong magkabalikan?
Naku iha baka nabibigla ka lang, maghinay-hinay ka lang.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended