Comebacking star,nakipag-lips to lips sa kapwa lalaki
August 25, 2004 | 12:00am
May nakapagbulong sa akin tungkol sa isang comebacking star na crush ng isang kapatid sa hanapbuhay. "Ang gwapo niya at ang lakas ng sex appeal," sey ng baklitang writer.
Ang di niya alam, kabaro rin niya ito. Nahuli ito ng kanyang alalay na nakikipag-lips to lips sa kasamahang commercial model.
Ang actor-commercial model ay lumabas sa isang teleserye noon pero naglay-low dahil nabalitang gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Pero ngayon ay nagbabalik-showbiz ito at visible uli sa TV at movies.
Ayon sa isang friend namin na malapit kay Gabby Concepcion ay gusto rin nitong magbalik-pelikula. Pero may problema dahil ayaw niyang mag-shoot dito. Gusto niya, sa US kunan ang movie. Isa pa, mataas ang presyong hinihingi nito. Hindi na naman siya pwedeng bida kundi suporta na lang. Miss na miss nito ang pagharap sa kamera. Naghihintay din ito ng offer para sa isang telesine na gagawin sa Tate sabi ng kaibigan ko.
Sa kabilang banda, masama ang loob ni Gabby dahil hindi matanggap ang pagiging ganap na Pangilinan ni KC Concepcion. Unang anak kasi ito ni Gabo kaya mahal na mahal niya ito.
Naniniwala naman ang ama ni Gabby na si Rollie na darating din ang panahon na hahanapin ni KC ang biological father nito.
Higit sa lahat, never namang ikinahiya nito ang kanyang tunay na ama dahil nanggaling naman si Gabby sa magandang angkan.
Aktibong muli ang career ni Aya Medel ngayong nasa kuwadra na naman siya ng manager na si Jojo Veloso. Regular ito sa Daisy Siete sa Channel 7 at laging guest sa mga talk shows. Under negotiation pa ang isang teleserye.
Hindi na maghuhubad ang sexy star dahil sa kanyang Japanese husband. Pero, pwede itong magpa-sexy. Nakalinya ang isang international movie nito na gagawin sa abroad.
Nakakwentuhan namin si Kai Brosas sa SOP noong Linggo kung saan nakakuha ng highest votes ang novelty songs na "Sasakyan Kita" ng Kai & The Boxers na likha ng pinakatanyag na composer ng novelty songs na si Lito Camo, nanalo ring Composers Choice sa SOP Song Awards.
Tinanong namin kung totoo bang magkaaway sila ni Gladys na dating kasama nila sa kanilang grupo. "Hindi naman kami magkagalit. Nagkita lang kami last month at nagti-text naman kami sa isat isa. Nagsolo na ito at naging madalang ang aming pagkikita dahil nag-asawa na ito."
Kasama ni Kai sa grupo sina Daniel Lardizabal, Cris Samonte at Shanna Hife.
Ang di niya alam, kabaro rin niya ito. Nahuli ito ng kanyang alalay na nakikipag-lips to lips sa kasamahang commercial model.
Ang actor-commercial model ay lumabas sa isang teleserye noon pero naglay-low dahil nabalitang gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Pero ngayon ay nagbabalik-showbiz ito at visible uli sa TV at movies.
Sa kabilang banda, masama ang loob ni Gabby dahil hindi matanggap ang pagiging ganap na Pangilinan ni KC Concepcion. Unang anak kasi ito ni Gabo kaya mahal na mahal niya ito.
Naniniwala naman ang ama ni Gabby na si Rollie na darating din ang panahon na hahanapin ni KC ang biological father nito.
Higit sa lahat, never namang ikinahiya nito ang kanyang tunay na ama dahil nanggaling naman si Gabby sa magandang angkan.
Hindi na maghuhubad ang sexy star dahil sa kanyang Japanese husband. Pero, pwede itong magpa-sexy. Nakalinya ang isang international movie nito na gagawin sa abroad.
Tinanong namin kung totoo bang magkaaway sila ni Gladys na dating kasama nila sa kanilang grupo. "Hindi naman kami magkagalit. Nagkita lang kami last month at nagti-text naman kami sa isat isa. Nagsolo na ito at naging madalang ang aming pagkikita dahil nag-asawa na ito."
Kasama ni Kai sa grupo sina Daniel Lardizabal, Cris Samonte at Shanna Hife.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended