^

PSN Showbiz

Sexy star, kabit ng negosyante

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Kahit di na tumanggap ng bold movie offer ay can afford ngayon ang sexy star na mamuhay sa luho. May karelasyon ito ngayong mayamang businessman kung saan nakatira siya ngayon sa isang magarang condo unit courtesy ng kanyang papa.

Kung ito lang ang masusunod ay ayaw na niyang pag-artistahin si sexy star dahil may pagka-seloso nga ito. Pero papayag naman kayang magpagarahe ang aktres knowing na hilig nitong mag-artista?

Nagbida na ang sexy star sa isang pelikula at may nakalinya pang mga proyekto. Naging kontrobersyal din ito pagkatapos niyang makipaghiwalay sa asawa.
Brad, Ikinahihiya Si Pops Kaya Nag-Break


Talagang mahal ni Gerald Madrid si Alma Moreno dahil mismong ang aktres ang nagpahayag na kapag nababanggit ang age gap nilang dalawa ay nagagalit ito. Twenty years nga naman ang agwat ng kanilang edad. Di ikinakahiya ng aktor kung magkasama man sila sa mga lakaran ni Ness at ipinagmamalaki pa nga niya ito.

Taliwas naman ito sa naging relasyon nina Pops Fernandez at Brad Turvey. Ang balita, isa sa mga dahilan kung bakit nagkahiwalay ang dalawa ay dahil kapag magkasama silang dalawa at nakita ni Brad ang kanyang barkada ay lumalayo na ito kay Pops?

Kahit sabihing mahal ka ng isang lalaki kung ganito naman ang ipinararamdam sa iyo ay talagang masasaktan ka. Nai-insecure tuloy ang babae dahil feeling nga niya ay mas matanda siya sa kanyang nobyo na naranasan ni Pops.
Babawiin Ang Bahay Nila Ni Rustom
Natutuwa naman si Carmina Villaroel sa tagumpay ng ex-hubby na si Rustom Padilla sa negosyong pinasok nito sa Amerika.

Balak ni Mina na habulin ang lovenest nila ng dating asawa dahil may karapatan pa rin siya sa nasabing bahay.

Kailan naman sila magpapakasal ni Zoren?

Ayon kay Mina ay may balak silang magpakasal ni Zoren at baka maganap ito after two or years. "Ang mahalaga ay nagkakasundo kaming dalawa at compatible sa lahat ng bagay," aniya.
Umalis Na Sa Bahay Ni Edu
Noong December pa pala nagli-live-in sina Edu Manzano at Alicia Mayer matapos mag-split ng dalawa ay umalis na ang seksing aktres sa bahay ni Edu. Matagal na raw na may problema ang dalawa kaya nagpasyang maghiwalay na ng landas. Itinanggi ni Alicia na ang dahilan ng kanilang break-up ay ang news anchorwoman ng Dos na si Pinky Webb.
Nagbabalik Ang Writer Ng ‘My Big Fat Greek Wedding’
Dalawang taon ang nakakalipas, nasorpresa ang mga manonood at kritiko nang ang My Big Fat Greek Wedding ay maging highest grossing romantic comedy at independent film of all time. Nasa sentro ng pagkilala sa buong mundo ang writer at star ng movie na si Nia Vardalos na nagkamit ng nominasyon mula sa Academy at Golden Globe Awards. Ngayon, si Nia ay nagbabalik bilang writer at star sa kanyang pinakabagong obra sa komedya, ang Connie and Carla.

"Nang ang My Big Fat Greek Wedding ay nagsisimula pa lang na mapansin," pagbabalik-tanaw ni Nia, "ang daming nagtatanong sa akin kung ano ang bagong meron ako. Sabi ko, may iskrip ako sa drawer tungkol sa dalawang babae na nagbalatkayo bilang drag queens. Ito ay isang komedya na talagang patatawanin ang manonood at mabibigyan sila ng isang mahalagang mensahe tungkol sa pagtanggap sa ibang tao at sa kanilang mga sarili."

Sa istorya, sina Connie at Carla ay dalawang babae sa isang maliit na bayan na nangangarap na sumikat pero walang nangyayari. Gayunman, wala silang pakialam kahit palaging negatibo ang sinasabi ng kanilang mga kasintahan at kaibigan. Para sa kanila, sisikat din sila sa showbiz. Kaya’t hataw pa rin sa pagkanta’t pagsasayaw kahit pa nilalangaw ang kanilang mga palabas o natutulog lang ang manonood.

Sa direksyon ng comedy master na si Michael Lembeck (The Santa Clause 2), ang Connie and Carla ay tinatampukan din nina David Duchovny (The X-Files), Academy Award nominee Toni Collete (The Sixth Sense), Dash Mihok (Romeo and Juliet) at Stephen Spinella (Tony winner para sa Angel in America ng Broadway). Handog ng Universal Pictures ang Connie and Carla ay ipinamamahagi ng United International Pictures sa Pinas sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.

vuukle comment

ACADEMY AWARD

ALICIA MAYER

ALMA MORENO

BABAWIIN ANG BAHAY NILA NI RUSTOM

CENTER

CONNIE AND CARLA

MY BIG FAT GREEK WEDDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with