Sayang ang P1M,kaya balik si Bong sa TV !
August 22, 2004 | 12:00am
Nakakwentuhan namin si Sen. Bong Revilla sa Idol Ko Si Kap at kinumusta ang pagiging senador nito. Ayon dito ay madali ang trabaho ng senador dahil magpapasa ka lang ng mga bills. "Mga 28 bills na ang naipapasa ko." Si Bong ang Chairman on public works at mass media na kabilang ang movie industry. Malaki ang maitutulong nito sa pagbabawas ng mga taxes sa ibat-ibang sangay ng movie industry gayundin sa mga producers.
May consultant si Bong on legislative matters sa katauhan ni Sen. Miriam Defensor Santiago.
"Bakit nananatili pa rin kayo sa Idol Ko si Kap?" tanong namin.
"Marami na nga ang nagtatanong niyan sa akin, kung bakit lumalabas pa rin ako sa telebisyon. Ito naman ang bread and butter ko. Pagkatapos naman ng trabaho ko sa Senado ako nagti-taping kaya walang problema kung mag-showbiz pa ako. Nakakapanghihinayang ang 1-milyong piso na tinatanggap ko sa programa buwan-buwan. Kapag umalis ako rito ay mapapalitan ang show at mawawalan ng trabaho ang mga kasamahan kong artista gayundin ang production staff. Gagawa pa rin ako ng pelikula pero limitado na. Siguro isang pelikula sa loob ng isang taon or after two years. Hindi ko pwedeng iwan ang pag-aartista dahil nakakatulong din ako sa mga taong lumalapit sa akin lalo na yong mga mahihirap," aniya.
Pumasyal kami sa taping ng Idol Ko Si Kap para makausap si Sheryl Cruz. Eight years din pala itong nawala sa limelight matapos manirahan sa Amerika kapiling ng asawang si Norman Bustos at anak na si Ashley Nicole na tatlong taong gulang na.
Una naming tanong ay tungkol sa isyung binubugbog daw siya ng kanyang asawa. "Naku, tita hindi totoo yan dahil Im happily married at going strong ang aming relasyon," aniya.
Nagkaroon sila ng civil wedding at ikinasal sa Ciudad Fernandina. Habang nasa Amerika ay naging ordinaryo siyang housewife at ina ng tahanan. Nag-aalaga siya ng kanyang anak at gumagawa ng mga gawaing-bahay. Nag-private tutor din ito ng Math. Nag-aral si Sheryl sa City College of San Francisco kung saan tatlong semesters na lang ang kulang para matapos ang kursong Marketing.
Hindi nito alam kung papalitan niya si Judy Ann Santos sa Mano Po 3 gaya ng balita. Hindi rin nito tiyak kung makakasama roon si Romnick Sarmenta, na dati niyang ka-loveteam. Pero if ever na may offer sa kanilang dalawa to do a movie ay payag naman ang aktres. "Okay lang bastat maganda ang proyekto. May sariling buhay na siya gayundin ako so wala namang masama. Just give both of us peace."
Mag-i-stay sa bansa si Sheryl hanggang Disyembre at gusto rin niyang matutong mag-Tagalog ang kanyang anak. "Siguro magpapabalik-balik na lang ako ng bansa kapag may soap opera akong gagawin," dagdag pa nito.
Walang pinagbago ang aktres. Maganda pa rin ito, pagpapatunay lang na kuntento siya sa piling ng asawa at anak.
Hindi lang sa Syete visible si Angelu de Leon kundi gayundin sa Dos. Sa nakaraang birthday celebration na handog sa kanya ng Sis at Good Morning Kris ay naging guest ang kanyang mommy at dalawang anak. Saludo ang ina nito sa pagiging mabuting anak ni Angelu kung saan hanggang ngayon ay siya pa rin ang breadwinner ng pamilya.
Kahit sa mga kasamahang artista ay mabuti rin itong makisama. Best friends sila ngayon ni Gladys Reyes at sinabi nitong mabait na tao si Angelu at maalalahanin sa kaibigan kaya maganda ang kanyang karma.
Matagal na ang presscon ng sexy star na ito sa isang movie na ginawa niya. Sumobra ang dami ng reporter na dumalo sa presscon kung saan ang iba ay kaibigan nito. Siya ang sumagot sa kinain ng ilang reporter. Kaso nang umalis ito ay hindi pala naibigay sa kanya ang chit ng weyter. Kaya tinawagan ito ng manager ng restaurant pero sinabing ipadadala niya ang pera sa kanyang driver.
Pinaabisuhan na rin ang manager ng aktres para sabihin sa alaga ang utang pero lagi namang sinasabi na magbabayad na siya.
Nakikiusap ang pobreng weyter na sana ay mabayaran na ang kulang sa kinain ng mga kaibigan dahil sa kanyang sweldo babawasin ang P3,000.
Mahirap palang kausapin ang sexy star dahil ilang beses nang nangako pero lagi namang napapako.
May consultant si Bong on legislative matters sa katauhan ni Sen. Miriam Defensor Santiago.
"Bakit nananatili pa rin kayo sa Idol Ko si Kap?" tanong namin.
"Marami na nga ang nagtatanong niyan sa akin, kung bakit lumalabas pa rin ako sa telebisyon. Ito naman ang bread and butter ko. Pagkatapos naman ng trabaho ko sa Senado ako nagti-taping kaya walang problema kung mag-showbiz pa ako. Nakakapanghihinayang ang 1-milyong piso na tinatanggap ko sa programa buwan-buwan. Kapag umalis ako rito ay mapapalitan ang show at mawawalan ng trabaho ang mga kasamahan kong artista gayundin ang production staff. Gagawa pa rin ako ng pelikula pero limitado na. Siguro isang pelikula sa loob ng isang taon or after two years. Hindi ko pwedeng iwan ang pag-aartista dahil nakakatulong din ako sa mga taong lumalapit sa akin lalo na yong mga mahihirap," aniya.
Una naming tanong ay tungkol sa isyung binubugbog daw siya ng kanyang asawa. "Naku, tita hindi totoo yan dahil Im happily married at going strong ang aming relasyon," aniya.
Nagkaroon sila ng civil wedding at ikinasal sa Ciudad Fernandina. Habang nasa Amerika ay naging ordinaryo siyang housewife at ina ng tahanan. Nag-aalaga siya ng kanyang anak at gumagawa ng mga gawaing-bahay. Nag-private tutor din ito ng Math. Nag-aral si Sheryl sa City College of San Francisco kung saan tatlong semesters na lang ang kulang para matapos ang kursong Marketing.
Hindi nito alam kung papalitan niya si Judy Ann Santos sa Mano Po 3 gaya ng balita. Hindi rin nito tiyak kung makakasama roon si Romnick Sarmenta, na dati niyang ka-loveteam. Pero if ever na may offer sa kanilang dalawa to do a movie ay payag naman ang aktres. "Okay lang bastat maganda ang proyekto. May sariling buhay na siya gayundin ako so wala namang masama. Just give both of us peace."
Mag-i-stay sa bansa si Sheryl hanggang Disyembre at gusto rin niyang matutong mag-Tagalog ang kanyang anak. "Siguro magpapabalik-balik na lang ako ng bansa kapag may soap opera akong gagawin," dagdag pa nito.
Walang pinagbago ang aktres. Maganda pa rin ito, pagpapatunay lang na kuntento siya sa piling ng asawa at anak.
Kahit sa mga kasamahang artista ay mabuti rin itong makisama. Best friends sila ngayon ni Gladys Reyes at sinabi nitong mabait na tao si Angelu at maalalahanin sa kaibigan kaya maganda ang kanyang karma.
Pinaabisuhan na rin ang manager ng aktres para sabihin sa alaga ang utang pero lagi namang sinasabi na magbabayad na siya.
Nakikiusap ang pobreng weyter na sana ay mabayaran na ang kulang sa kinain ng mga kaibigan dahil sa kanyang sweldo babawasin ang P3,000.
Mahirap palang kausapin ang sexy star dahil ilang beses nang nangako pero lagi namang napapako.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended