^

PSN Showbiz

Inaabangan ang pagbabalik ni Rustom

-
Natatawa si Mommy Eva Cariño-Padilla sa balitang "bading" na si Rustom Padilla at nagpa-sex transplant na ito.

Habang nalalapit na ang pagdating ng anak ni Mommy Eva mula sa Amerika ay kanya-kanyang hula na ang media kung ano na ang itsura ngayon ng ex-husband ni Carmina Villaroel dahil base sa video tape na nakita si Rustom ay mahaba ang buhok at mukhang girlash pa at nadagdag pa na nagtayo ito ng negosyo ng cosmetic beauty products.

Nu’ng dumalo si Mommy Eva sa presscon ni Robin Padilla para sa Dutch Boy Paint ay ito kaagad ang tinanong sa kanya.

"Actually, walang binabanggit si Rustom tungkol dito at saka hindi totoo ‘yun, kilala ko ang anak ko. Alam ko lalaki siya. Malalaman naman ‘yan pagbalik niya, eh," malumanay na pahayag ng ina ni Binoe at Rustom.

At nalaman namin na sa dating bahay nila ni Carmina sa Parañaque titira si Rustom dahil kay Rustom ito ibinigay ng korte.

"Si Robin ang nagpautang ng pambayad kay Rustom nu’ng muntik kunin ito ng bangko kaya anong karapatan ni Carmina sa house?" ito naman ang bulong sa amin ng kampo ni Rustom.

Kaya’t kaabang-abang ang pagdating ng kuya ni Robin this week dahil tiyak na pagkakaguluhan siya ng media.

Dagdag pa na magdidirek si Rustom ng pelikula at excited din daw ito sa first project niya na ayaw pang banggitin kung saang movie outfit.
"Tunay Na Katatakutan Ang Pantatapat Ng Siyete Sa Dos"
Hindi mawawala ang Kakaba-Kaba Adventure kundi ire-reformat lang ito at itatapat sa Nginig ni Raymond Bagatsing sa Channel 2.

Ang bagong programang Huwag Kukurap ay sa gabi ilalagay na iho-host naman ni Dingdong Dantes at every week ay iba-ibang experiences sa buhay ng mga celebrities ang ipi-feature rito.

True stories ang Huwag Kukurap na manggagaling mismo sa mga taong may nakaranas nito. Sila mismo ang magkukuwento ng pangyayari at naging pagbabago sa buhay nila in the past.

Hindi mo na kailangang ‘manginig’ para lang matakot dahil tunay na nangyari ang mga mapapanood sa Huwag Kang Kukurap na ayon din mismo sa staff na naroon sa set ay talagang natakot sila.
Madam Auring, Ipinanalo Ang ‘Magpakailanman’!
Hindi namin gaanong pinapansin si Madam Auring kapag guest na siya sa alinmang talk shows dahil ‘naloloka’ kami sa kanya lalo na sa mga buhay pag-ibig niya na para sa amin ay isang malaking gimmick, halos anak na lang niya ang mga naging boyfriend niya, lalo na si Archie na ginampanan ni Gerald Madrid. I’m sure naka-relate si Alma Moreno kay Madam Auring.

Pero, wagi ang beauty ni Madam Auring dahil nanalo sa rating ang Magpakailanman episode nito sa katapat nitong Maalaala Mo Kaya.

Ang rating na 16% last Thursday ang pinakamababang rating na nakamit ng MMK na tiyak na ikinabahala ng staff ng MMK dahil sermon na naman sila. Nakamit naman ng MKM ang 20% kaya’t nagbubunyi ang staff dahil si Madam Auring lang pala ang magsasalba sa matagal nilang pagkatalo sa MMK.
Tv Host, Lalayasan Na Ang Kanyang Programa!
Kapag natuloy ang pagri-resign ng isang tv host sa programang hino-host niya, kasama pa ang ibang kaibigan ding host ay tiyak na wala nang kwenta ang naturang programa dahil wala nang matitirang sikat sa grupo.

Balitang nagpaalam nang magri-resign ang kilalang tv host cum actor sa programa pero hindi siya pinayagan dahil nga kulang sila ngayon at higit sa lahat, hindi tatayo ang programa kapag wala siya.

Hindi na raw kasi feel ng tv host cum actor ang programa dahil wala itong pagbabago at marami pang problema na hindi raw kayang manindigan ng staff ng programa.

Hindi na namin mabilang kung pang ilan na ang tv host cum actor na naging host ng naturang programa dahil hindi nga nagtatagal ang mga host, hindi rin namin mawari kung ano ang kulang sa programa gayung magaganda naman ang concept nila?

Siguro hindi magagaling ang staff, di nga kaya? At higit sa lahat, talo sila parati sa ratings ng katapat nilang programa. — REGGEE BONOAN

DAHIL

HOST

HUWAG KUKURAP

MADAM AURING

MOMMY EVA

PROGRAMA

RUSTOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with