Sheryn,naisahan sa Voice of Asia
August 20, 2004 | 12:00am
Hindi tulad nung matalo siya sa Star In A Million, natanggap ni Sheryn Regis ang pagkatalo niya sa katatapos na Voice of Asia na ginanap sa Kazakhstan, Russia nang may ngiti sa mga labi. Tutal naman, di siya umuwing luhaan, nakuha niya ang ikalawang pwesto na hindi lamang nagbigay sa kanya ng mahigit sa $3,000 at isang magandang tropeo, nakamit din niya ang pagbubunyi ng kanyang mga kababayang batid kung gaano kahirap ang sinalihan niyang competition na isa sa pinaka-matagal nang paligsahan sa pag-awit internationally. Wala siyang bitterness na naramdaman. Katunayan, payag siyang muling maging kinatawan ng bansa sa nalalapit na Astana Song Festival. Ang Astana ang kapital ng Kazakhstan.
Lahat ng mga kalaban ni Sheryn ay nagsabing siya na ang mananalo. Sa rehearsal pa lamang ay hinangaan na ng lahat ang maganda niyang boses at husay sa pag-perform. Paborito rin siya ng mga manonood at maging sa Texters Choice dun ay siya ang nanguna.
"Talaga yatang hanggang second prize na lang ako," ang nakangiting sabi ni Sheryn na umaming, kahit nanginginig siya sa sobrang ginaw, umuulan dun ng yelo, at naka-backless lamang siya ay nagawa niyang hindi masiraan ng loob at makanta ang tatlong awitin na siyang mga panlahok niya sa tatlong gabing paligsahan.
Dahilan sa kamahalan ng biyahe, wala siyang naisama. Silang dalawa lamang ni Vehnee Saturno ang pumunta ng Kazakhstan. Siya ang nag-ayos ng kanyang buhok at nag-make up sa kanyang sarili. Samantala, si Vehnee ang nagmistulang alalay niya, tagadala ng damit, bakya at kung anu-ano pang mga gamit ni Sheryn. Naging parang ama rin ito ni Sheryn dun.
Si Vehnee ang siyang tulay at may koneksyon sa Voice of Asia kaya tayo nakakasali dito. Si Geneva Cruz ang unang-una nating naging kinatawan dito at ang pinaka-huli ay si Jed Maddela na nanalo rin ng second place last year.
Nang tanungin si Vehnee kung bakit si Sheryn at hindi si Erik Santos ang kinuha niya para maging kinatawan ng bansa. Sinabi niya na mas kiling ang mga tao sa Kazakhstan sa mga babaeng kalahok. Mas marami raw babae na nanalo kesa mga lalaki. Ang kumuha ng grand prize this year ay isang babaeng taga-Romania, isa ring Russian speaking country.
Ngayong nakabalik na ng bansa si Sheryn, naghahanda naman ito ng kanyang major concert sa Music Museum.
Pinamagatang Sheryn Regis On A Higher Note, gaganapin ito sa September 24th at 25th, 8:30 NG. Guest niya sa 24th sina Ogie Alcasid at ang The Company. Sa 25th naman ay kasama niya sina Luke Mejares at ang Akafellas. Makakasama rin niya sa dalawang gabi ang mga kapatid niya sa Star Records Artist Management (STRAM) at sina Divo, Gloc 9 at Johann.
Malapit nang maging platinum ang kanyang debut album na "Come In Out Of The Rain". Ang kanyang mga singles na "Come In Out Of The Rain", "Kailan Kaya" at "Maybe "ay mga number one hits. Kaya, may dapat pa bang ikalungkot si Sheryn?
[email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended