^

PSN Showbiz

Walang patid ang pagdating ng awards at nominasyon para kay Ogie

-
Muli na namang nadagdagan ng isa pang major award ang listahan ng mga tropeyo ng popstar na si Ogie Alcasid. Kamakailan ay nanalo si Ogie sa Aliw Awards bilang Best Major Concert (Male) para sa kanyang OA@15 samantalang si Lea Salonga naman ang nanalo sa Best Female na nakuha ni Ogie noong nakaraang taon.

Samantala, patuloy ang pagbuhos ng biyaya kay Ogie sa marami pang nominas- yon. Nominado si Ogie sa nalalapit na Awit Awards bilang Best Performance By A Male Recording Artist para sa awiting ‘‘Huwag Ka Lang Mawawala’’ at Best Duet para sa ‘Magpakailanman’’ kung saan kasama niya si Regine Velasquez. Ang dalawang kantang ito ay galing sa Platinum album ni Ogie na pinamagatang ‘‘Mga Kuwento Ng Pag-Ibig.’’

Kasalukuyan, abala si Ogie sa kanyang nalalapit na birthday concert na gaganapin sa Aliw Theater sa darating na Agosto 27. Makakasama ni Ogie sina Rufa Mae Quinto, Kyla at Raymond Bagatsing with Bandidoz.

Kamakailan lang ay lumikha si Ogie ng kanta para kay Sarah Geronimo na pinamagatang ‘‘If Only’’ na kasalukuyang malakas ang airplay sa radyo sa buong bansa.

Ang kanyang sariling kanta na pinamagatang ‘‘Para Lang Sa’yo’’ ay kasalukuyan ding nasa top 10 charts.

Panoorin sa darating na Linggo (Agosto 22) ang birthday celebration ni Ogie sa nangungunang variety show ng GMA ang SOP.<

AGOSTO

ALIW AWARDS

ALIW THEATER

AWIT AWARDS

BEST DUET

BEST FEMALE

BEST PERFORMANCE BY A MALE RECORDING ARTIST

HUWAG KA LANG MAWAWALA

IF ONLY

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with