^

PSN Showbiz

Distributor cum producer kasabwat ng mga namimirata?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Inaarbor pala ng isang ‘industry leader’ ang isang establishment na ni-raid ng Optical Media Board sa Malabon last week.

Nag-offer pa raw ang director cum producer na ito ng P1 million sa isang agent ng OMB para lang ibalato sa kanya ang nasabing raid.

Pero wala raw itong nagawa dahil itinuloy ang raid headed by OMB Chairman Edu Manzano ayon sa source ng Baby Talk na hindi rin makapaniwala na may koneksiyon ang director cum producer na ito sa isang licensed plant na nagpo-produce ng pirated compact discs sa isang bayan sa Malabon.

Ang distributor cum producer na ito ay member pa naman daw ng Anti-Piracy Council at dating board member ng na-abolish na Videogram Regulatory Board dating ahensiya ng pamahalaan na nagbabantay ng mga pirata sa bansa ayon pa sa source.

Dalawang replicating machines daw ang na-kumpiska sa nasabing raid na nagkakahalaga ng P40 million.

Isa sa mga araw na ito ay magsasalita ang legal counsel ng Optical Media Board na si Atty. Marivic Benedicto para ilabas lahat ng mga dokumentong hawak nila laban sa director cum producer na ito na kasabwat sa operasyon ng isa sa pinakamalaking planta ng pirata sa bansa.
* * *
Dahil pala sa patuloy na pagkunsinti sa pagbebenta ng mga pirated CDs and DVDs, tumigil na ang mga local and international movie producers and distributors sa pagsu-supply ng mga pelikula sa siyam na malls – Tutuban Center Mall (C.M Recto, Manila), Metropolis Star (Alabang, Muntinlupa), Star Mall (Las Piñas City), Llanas Central Mall (Alabang, Muntinlupa, City), Olivarez Plaza (Los Baños, Laguna), Olivarez Plaza (Biñan, Laguna), Sunshine Mall (FTI Complex, Taguig), Fairview Center Mall (Fairview, Quezon City) and Royal Family Mall (Valenzuela City).

Ayon sa isang source, parusa raw ito sa mga mall operators na pinapayagan ang mga vendors ng pirated CDs and DVDs na magbenta sa kanilang theater mall na isa sa mga dahilan kaya nagpi-preempt ang showing nga mga pelikula na nagiging dahilan para bumagsak ang industriya ng pelikula. Malaking pera rin ang nawawala sa gobyerno dahil wala nga silang binabayarang tax.

Tama lang ang ginagawang ito ng mga local and international distributors dahil sila naman talaga ang lugi sa nangyayaring ito.
* * *
Medyo naguguluhan ako kung kasama pa rin si Billy Crawford sa Exorcist: The Beginning (2004) na may US release date sa August 20th under Warner Brothers. Sa website kasi ng Yahoo movies, kasama si Billy as Ilario Bisi-Pedro under the direction of Renny Harlin.

Co-starring supposedly niya sina Stellan Skarsgard as James D’Arcy, Izabella Scorupco as Alan Ford, Remy Sweeney as Ben Cross, Ralph Brown as Andrew French, Antonie Kamerling as Alessandra Martines and Eddie Osei as Julian Wadham.

Sina Caleb Carr, William Wisher and Alexi Hawley ang nagsulat ng pelikula. Eh up dated naman ang nasabing website.

Kaya lang pagdating sa ibang website, wala ang pangalan ni Billy as in hindi siya kasali sa cast and crew sa ibang links ng Exorcist: The Beginning (2004).

Pero pareho pa rin ang ibang cast na kasama sa billing website ng Yahoo movies - sa ibang web sila lang ang complete cast - (in credits order).

Stellan Skarsgård, Izabella Scorupco, James D’Arcy, Remy Sweeney, Julian Wadham, Andrew French, Ralph Brown, Ben Cross, David Bradley, Alan Ford, Antonie Kamerling, Eddie Ose, Israel Aduramo, Patrick O’Kane, James Bellamy, Cecilia Amati, Matti Ristinen, Lidia Darly, James Paparella, Silvio Jimenez Hernandez, Yemi Goodman, Michel Leroy, John Sesay, Sayoh Lahai, Alessandro Casula and Roberto Purvis. Biglang nawala ang name ni Billy.

Samantalang do’n sa isang website ng Exorcist: The Beginning (2004), starring siya, nasa billing ang name niya.

Sa first original cast kasi, totoong kasama si Billy. Pero nang atakihin ang una nitong producer o director, I’m not really sure, naiba ang buong cast at kasama raw sa nawala si Billy.

Nakapag-start naman noon ang movie pero hindi natapos hanggang last February ni-reshoot ang movie and after 13 weeks at natapos ni Direk Renny Harlin.

Hinanap ko rin ang photos, hoping na makikita si Billy pero wala rin.

Sayang nga lang at under construction ang website ni Billy para sa additional information para sa kanyang first international movie.

Anyway, maghahanap pa rin ako sa websites kung kasama nga siya o hindi para ma-verify ko.

Naisip ko na baka naman small na lang ang role niya or nadaanan na lang siya ng camera kasi lahat ng eksena niya, na-reshoot kaya walang natira, kaya hindi na siya inilagay sa billing.

Whatever, malalaman ko rin ‘yan. Update ko kayo!
* * *
>Marami palang natuwa sa ginawa ni Boss Vic del Rosario na pag-alma sa piniling official entries ng Metro Manila Film Festival ngayong taon.

As in nagpapasalamat sila kay Boss Vic na kahit malaki itong producer ay inaalala pa rin niya ang maliliit na producer na gustong makagawa ng isang de-kalidad na pelikula na pwedeng magbigay ng maraming award sa ating bansa tulad nang nangyari sa Magnifico ni Madam Violett na umani ng maraming tropheo sa loob at labas ng bansa.

ALAN FORD

ANDREW FRENCH

ANTONIE KAMERLING

BEN CROSS

BILLY

CENTER

ISANG

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with