^

PSN Showbiz

Angel,dinadalaw pa rin ang puntod ng bf sa madaling araw

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Dinalaw namin si Angel Locsin sa syuting ng Sigaw kung saan hanap ito nang hanap sa nawalang lock ng bracelet na bigay sa kanya ng yumaong boyfriend na si Miko Sotto. Mugto ang mata nito nang aming datnan dahil kaiiyak lang nito sa isang eksena. Madaling tumulo ang kanyang luha kapag naaalala ang yumaong nobyo na hanggang ngayon ay wala pa ring kapalit sa puso niya.

Nalaman din namin na kapag may sama ito ng loob o problema ay dumadalaw siya sa puntod ng nobyo sa Loyola Memorial Park at doon ay waring nagsusumbong o inihihinga ang sama ng loob lalo na kapag nalalagay sa intriga. Would you believe na madaling araw kung siya’y pumunta sa sementeryo kasama ang manager at ang alalay?

Sa Sigaw na entry sa Metro Manila Film Festival ay nobya siya ni Richard Gutierrez na napakaselosa kaya sinasaktan ng mga multo na naninirahan sa bahay ng aktor. Maganda ang working relationship ng dalawa at malambing din si Richard kay Angel kaya hindi kami magtataka kung ma-develop sila sa isa’t isa.

"Paano naman si Dennis Trillo?" tanong namin.

"Pareho ko silang kaibigan Tita dahil pareho silang mabait kaya close sila sa akin. Ayaw ko pang magmahal at gusto kong mag-concentrate muna sa aking pag-aartista. Minsan lang dumating ang magagandang oportunidad sa aking buhay kaya ayaw ko itong pakawalan. Makakapaghintay naman ang pag-ibig sa tamang panahon," anang aktres.
Pangarap Maging Choreographer
Tuwing umaga ay napapanood sa Unang Hirit si Regine Tolentino na nagbibigay ng exercise-dance instruction. Nakakatulong ito sa mga manonood na walang panahon para magtungo ng gym ayon sa aktres.

Naka-concentrate rin si Regine sa kanyang garment business at dance studio. Naniniwala kasi ito na hindi naman pangmatagalan ang kita sa showbiz kaya pangarap ding maging fulltime choreographer.

Kahit abala sa showbiz commitment at negosyo ay personal pa rin itong nag-aasikaso sa dalawang anak na sakaling gusto nilang pasukin ang pag-aartista ay payag naman si Regine.

Kahit magkahiwalay sila ni Lander Vera Perez ay maganda pa rin ang kanilang pagsasama at tuwing sumasapit ang kaarawan ng aktres ay ang asawa pa rin ang nag-o-organize ng party para sa kanya.
Magandang Thai Movie
Ang Jan Dara ay hango sa pinakamabiling nobela ni Utsana Pleungtham na nalikha ng pinakamahusay na international direktor ng Thailand na si Nonzee Nimibutr. Makikita rito ang pinakakontrobersyal na iskandalong sekswal na nangyari sa isang mayamang pamilya na naging usap-usapan sa buong bansa ng ilang dekada.

Nanalo rin ang pelikula ng award para sa Best Cinematography at naging nominado rin para sa Best Director.

Ang Jan Dara ang pinakamapangahas na pelikula tungkol sa sagarang pagkamulat ng isang batang lalaki. Maraming kritiko ang humanga sa pelikula kahit puno ng sex.
Laging Nasa Hagdan Ang Aktres
Nagtataka ang security guard ng isang condo unit kung bakit kapag gabi na ay laging nasa hagdan ang sikat na aktres na waring may hinihintay.

Hindi naman siguro ito naghahanap ng mga lalaking nagdaraan dahil may papa naman at alam ito ng sikyu. Pero nagtataka ito kung bakit gabi-gabi ay napagtitripang umupo sa hagdan. Natsismis noon na naging drug user ang aktres kaya naitanong tuloy ng sikyu sa sarili kung di kaya gumagamit uli ito ng pinagbabawal na gamot?

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BEST CINEMATOGRAPHY

BEST DIRECTOR

DENNIS TRILLO

JAN DARA

KAHIT

KAYA

LAGING NASA HAGDAN ANG AKTRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with