^

PSN Showbiz

Zander Khan, nami-miss pa rin ang showbiz

-
Matagal nang wala sa showbiz ang dating singer na nagpasikat ng awiting "Tanging Ikaw" at "Baleleng" na si Mayor Zander Khan, pero halata pa ring mahal niya ang showbiz. Noong minsang mag-stay kami sa Hyatt Regency, may meeting kasi si Mayor, nagkita kami at nagbalitaan.

Kahit nasa malayo na raw siyang lugar ng Davao del Sur, hinahanap pa rin niya ang showbiz. Mayor siya for the second time sa Jose Abad Santos, Davao. At todo panalo si Pangulong GMA sa Davao del Sur, katulad sa Cebu City, sa tulong ng kampanya ni Mayor Zander Khan.

Samantala, ang naitulong niya sa Davao del Sur dahil sa kanya ay nagkaroon ng dalawang cell sites doon. Wala na rin silang problema sa anumang transportasyon. Balak din niyang gawing Subic ang Davao del Sur. Napaganda na niya ang mga kalsada palayo sa Jose Abad Santos, na animo’y munting paraiso sa Davao. Dati sa motorboat lang sumasakay papuntang Jose Abad Santos, ngayon ay pwede nang magkalsada.

Marami nang nadalang artista roon si Mayor Khan tulad nina Konsehala Barbara Milano, FAMAS Best Actress Aleck Bovick, Yoyoy Villame and daughter Hanna, Amay Bisaya, Bert Ocampo, ang singer ng pamosong Bikining Itim na sumakay muna sa boat, bago makarating doon sa kanyang lugar.

Aminado si Mayor, paglilingkod-bayan ang kanyang ginagampanan sa kasalukuyan, pero aminadong ang magnet ng showbiz ay nasa kanya pa ring isipan. Katunayan, tuwing may pagtitipon, palagi siyang nahihilingang awitin ang kantang naging marka niya sa recording industry, ang awiting "Tanging Ikaw". Vir Gonzales

ALECK BOVICK

AMAY BISAYA

BARBARA MILANO

BERT OCAMPO

BEST ACTRESS

BIKINING ITIM

CEBU CITY

DAVAO

JOSE ABAD SANTOS

TANGING IKAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with