^

PSN Showbiz

Bata pa, bading na ang aktor

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Sa isang umpukan ng mga press people ay pinag-usapan ang sikat na aktor. Duda kasi ang ilan tungkol sa kasarian nito. Nag-asawa naman ito pero nagkahiwalay din.

Ayon sa isang reliable source ay bata pa ang aktor ay nakita na ang kabadingan nito kung saan minsan ay naiwan siya sa kanilang bahay ng kanyang ina at dalawang kapatid.

May nakalimutan daw ang ina nito kaya bumalik ng bahay at nakita sa kanilang kwarto ang batang aktor na nagme-make-up. Sa galit ng ina ay napalo nito ng husto ang anak na ngayon ay isa nang sikat na aktor na magaling ding umarte.

Nanggaling ang aktor sa angkan ng mga artista.
May Relasyon Sina Dingdong At Karylle?
May nakapuna na ang pagiging malapit sa isa’t-isa nina Dingdong Dantes at Karylle ay malamang na maging totohanan na. Nagkapareha ang dalawa sa Twin Hearts hanggang nasundan ito sa Love 2 Love.

Kapag nagteteyping ang dalawa ay halata ang pagiging concerned ng aktor sa magandang singer.

Pero ayaw magbigay ng comment ang dalawa hinggil sa pagkakamabutihan nila at sinabing magkaibigan lang sila.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang komunikasyon nina Dingdong at ang rumored gf nito na si Antoinette Taus na nasa Tate.
Nakakainsulto Ang Pang-Ookray Ni Ethel Booba
Natawa ako sa komento ng aming kapitbahay tungkol sa ginagawang pang-ookray ni Ethel Booba sa ilang mga celebrities. Nasaktan ito sa pahayag ng komedyante sa All together Now tungkol kina Perla Adea at Romy Mallari. "Sino yun? Buhay pa ba sila?" sey ni Ethel. Nagbabalik- showbiz kasi ang mag-asawa via Maid in Heaven.

"Akala mo naman kung sino siya (patungkol kay Ethel). Eh! mukha naman siyang sandok" anang kapitbahay namin na fan pala nina Perla Adea at Romy Mallari na sikat noon sa The Sensations.

Inaakala marahil ni Ethel na nakakatuwa ito pero may nasasagasaang tao, di ba?
Bryan, Kasama Na Rin Sa ‘Mulawin’
Malapit na ring mapanood sa Mulawin si Bryan Revilla pero hindi bilang taong ibon. Kaibigan siya ni Richard Gutierrez na siyang bida sa fantaserye.

Tahimik lang ang lovelife ng young actor kahit inili-link siya kay Katarina Perez. "Magkaibigan lang kami at hindi ko siya nililigawan. Parang magkapatid lang ang turingan namin sa isa’t-isa," sey nito.
Ama-Amahan Ni Jennylyn, Nakalabas Na Ng Ospital
Nakahinga nang maluwag si Jennylyn Mercado dahil hindi naputol ang binti ng kanyang ama-amahan kundi ang paa lang nito. Nakalabas na ito ng ospital at sa bahay na lang magpapagaling. Tutulungan na lang niya ang ama-amahan sa mga gastusin nito sa pagpapagamot ng diabetes.

Halos wala nang pahinga si Jenny sa taping ng mga shows gayundin sa syuting ng Que Sera Sera kung saan anak siya ni Kris Aquino sa movie.

Excited nga itong makatrabaho ang magaling na tv host dahil tagahanga siya nito. May mga mall shows pa rin ang magandang aktres para sa promosyon ng kanyang debut album under GMA Records.

AMA-AMAHAN NI JENNYLYN

ANTOINETTE TAUS

BRYAN REVILLA

CENTER

DINGDONG DANTES

NITO

PERLA ADEA

ROMY MALLARI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with