Si Dino,Raven o Biboy sa '30 Days'
August 10, 2004 | 12:00am
Sa Huwebes, magkakaalaman na kung sino sa tatlong matitirang second chance taker sa programang 30 Days hosted by Ms. Lorna Tolentino ang matatanggal para magbigay daan sa final showdown ng dalawang sinasabing "laos" nang artista at bibigyan ng pagkakataon ng GMA7 na mapanumbalik ang career sa Biyernes na kung saan ay isa lamang ang mamamayani.
Samantala, excited at natatakot din ang natitira pang tatlong second chance taker sa orihinal na bilang nitong 10 dahil ang kapalaran nila ay nakasalalay ngayon sa kamay ng pitong mga kasamahan nila na unang na-eliminate, sina Bianca Lapus, Dale Villar, Anna Larrucea, William Thio, Jackie Forster, Diego Castro at Janna Victoria. Ang pito ang bubuo ng bagong grupo ng mga hurado. Bagaman at mananatili pa rin at makakasama nila ang mga 30 Days jurors na sina Christopher de Leon at Lolit Solis, at syempre ang mga boto ng mga manonood na ipadadala sa pamamagitan ng text messages. Magiging mahalaga ang boto ng pito sa kapalaran ng tatlo bago sumapit ang grand finals sa Biyernes, Agosto 13.
Sa Miyerkules, ika-28 araw, sina Dino, Raven at Biboy ay mag-a-undergo ng ultimate acting test. Ang batikang direktor na si Joel Lamangan ang hahatol sa kanilang pagganap.
Kakatuwa na itinuturing nina Dino at Raven ang isat isa na pinaka-mahirap nilang kalaban. Kung pipili nga si Dino ng winner, si Raven na yon, and vice versa.
"Kung acting ang pag-uusapan, baka may laban pa ako pero, hindi naging maganda ang impresyon na ibinigay ko sa aking mga nakasama kaya sure ako na hindi magiging maganda ang paghatol nila sa akin," ani Dino na umaming napikon siya sa mga pagtatanong na ginawa ng mga dating kasamahan niya sa kanya. "Pikon kasi ako. Napikon nila ako ng husto. Tulad na lamang ng pagtatanong nila kung sino ang pipiliin ko, si Kim (delos Santos) o ang career ko. Sinagot ko na ito nun, pinili ko nga si Kim kaya nawala ang career ko. Pero ang hindi ko nasabi ay anong ipambubuhay ko kay Kim kung wala akong career?" dagdag na tanong pa ni Dino.
Mataba-taba pa si Raven nang magsimula ang 30 Days pero, dahilan sa stress na dulot ng contest kung kaya mapayat na siya ngayon.
"Pinaka-magandang project ko itong 30 Days. Marami akong naipaliwanag dito na hindi alam ng publiko. Nagkabati rin kami ni Diego dito. Dati kasi hindi kami nagpapansinan pero, nagkaroon kami ng chance na magkasama, na kaming dalawa lamang kung kaya super okay na kami ngayon," masaya niyang balita.
Bagaman at si Biboy ang pinaka-least expected na mananalo sa grupo dahilan sa hindi naman talaga siya completely nawala sa eksena dahil "Hindi ko hinintay na malaos ako ng tuluyan. Gumawa na agad ako ng paraan na makabalik bago pa tuluyang mamaalam ang aking career," sabi nito na ibinibigay ang sisi sa pagkakadiskaril ng kanyang career sa kanyang sobrang pagbibigay ng priority sa kanyang lovelife kesa sa kanyang trabaho.
"Para akong nabunutan, hindi ng tinik kundi ng tubo sa aking katawan nang makasama ako sa tatlo," sabi nito sabay dagdag na, "Naniniwala ako na ilan sa mga kasamahan kong jurors ay boboto sa akin."
Naghahanap na naman ang RDH Entertainment Network ng mga bata para sumali sa kanilang search for Kiddie Model Philippines Year 2. Ang contest ay bukas para sa mga batang may edad 4-10 taon, may talino, may mukha at nagtataglay ng hindi maipaliwanag na X factor.
Ang pakontes ay isang magandang venue para sa mga kabataan na may hilig maging modelo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended