Kris pangalawa lang kay Sharon bilang TV host at product endorser
August 10, 2004 | 12:00am
Mahal na mahal ni Kris ang kanyang anak na si Joshua. Wala itong di gagawin mapasaya lang ang kanyang unico hijo.
May nakapagkwento nga sa akin na minsan ay nag-shopping ang mag-ina. Lahat ng magustuhan nitong bagay sa toy department ay agad niyang ibinibigay. Nang may iturong laruan ang anak na worth P35,000 ay binili agad ito. Kunsabagay sa dami ng perang kinikita ni Kris ay maliit lang ito. Balitang siya ang sumusunod kay Sharon Cuneta sa pagiging bankable na tv host at commercial endorser.
Malakas ang fighting spirit ni Alicia Mayer pagdating sa pag-ibig. Kahit sabihing nali-link ngayon ang aktor sa tv newscaster na si Pinky Webb ay dedma pa rin ito. Katunayan ay ipinakikita pa nito ang suot na singsing na bigay sa kanya ni Edu nang mag-guest sa Extra Challenge. Balita pa ring ang van na gamit nito ay kay Doods din hiniram.
Dumating din naman kasi sa puntong na-in love kay Alicia si Edu pero ang di tiyak ay kung ang seksing aktres pa rin ang mahal nito. Sa showbiz ay walang nagtatagal na pag-ibig at palagay namin, si Pinky na nga ang bagong apple of the eye ng aktor. Bagay naman sina Doods at Pinky, di ba?
May nakapagbulong sa akin na sa susunod na episode ng Mulawin ay mawawala na si Pia Pilapil kung saan maaaksidente ito. Ginampanan nito ang papel na asawa ni Lloyd Samartino bilang Don Lucio Montenegro.
Magkakaroon ng panibagong twist ang istorya at magkakaroon ng bagong pag-ibig ang Don. Excited na si Lloyd dahil hindi naman siya nababakante sa mga projects at gustung-gusto nito ang kanyang role sa Mulawin bilang Don na ubod ng sama.
Umaasa si Lloyd na sanay magkaroon din siya ng break na makalabas sa pelikula bilang kontrabida. "Mas maraming raket kapag character role ang ginagampanan at challenging naman ito para sa akin," aniya.
Bumalik na ng bansa si Nathalie de Leon mula sa isang buwang pagbabakasyon sa San Diego, California. Nanghihinayang nga ito nang di nagampanan ang young Amalia Fuentes sa isang episode ng Magpakailanman dahil nagkasakit ito.
Nag-a-undergo pa rin ito ng acting lesson at ngayon ay gustong kumuha ng voice lesson. Naniniwala kasi ang magandang baguhang aktres na bukod sa pag-arte ay kailangang may iba pang talento ang isang nag-aambisyong mag-artista.
Naghihintay pa rin ito ng project. May sitcom na siya, Ang Texas ni Mang Pedro kung saan kasali siya sa direksyon ni Gil Soriano.
Gusto ring subukan ni Nathalie ang paglabas sa stage play dahil naniniwala siyang dito siya mahahasa nang husto sa pag-arte.
Idolo ng ilang kabataang estudyante ang sumisikat na young actress na nanalo sa isang talent search program ng isang malaking network.
Pangarap nilang makita ito ng personal na nagkaroon naman ng katuparan. Kahit nanggaling ang mga kabataan sa mayamang angkan ay humahanga pa rin sila sa aktres.
Minsan habang nagmo-malling ay nakita nila ang idolong aktres pero sa halip na batiin sila nang lapitan ito ay dali-dali itong umalis at tinakpan pa ang mukha. "Feeling "big star" na siya gayung wala pa namang napapatunayan. Ano ba naman ang batiin kami? Sapat na ito sa amin pero taliwas ang kanyang ginawa," anang estudyante.
Ang aktres ay napapanood sa pang-kabataang programa sa Siyete.
May nakapagkwento nga sa akin na minsan ay nag-shopping ang mag-ina. Lahat ng magustuhan nitong bagay sa toy department ay agad niyang ibinibigay. Nang may iturong laruan ang anak na worth P35,000 ay binili agad ito. Kunsabagay sa dami ng perang kinikita ni Kris ay maliit lang ito. Balitang siya ang sumusunod kay Sharon Cuneta sa pagiging bankable na tv host at commercial endorser.
Dumating din naman kasi sa puntong na-in love kay Alicia si Edu pero ang di tiyak ay kung ang seksing aktres pa rin ang mahal nito. Sa showbiz ay walang nagtatagal na pag-ibig at palagay namin, si Pinky na nga ang bagong apple of the eye ng aktor. Bagay naman sina Doods at Pinky, di ba?
Magkakaroon ng panibagong twist ang istorya at magkakaroon ng bagong pag-ibig ang Don. Excited na si Lloyd dahil hindi naman siya nababakante sa mga projects at gustung-gusto nito ang kanyang role sa Mulawin bilang Don na ubod ng sama.
Umaasa si Lloyd na sanay magkaroon din siya ng break na makalabas sa pelikula bilang kontrabida. "Mas maraming raket kapag character role ang ginagampanan at challenging naman ito para sa akin," aniya.
Nag-a-undergo pa rin ito ng acting lesson at ngayon ay gustong kumuha ng voice lesson. Naniniwala kasi ang magandang baguhang aktres na bukod sa pag-arte ay kailangang may iba pang talento ang isang nag-aambisyong mag-artista.
Naghihintay pa rin ito ng project. May sitcom na siya, Ang Texas ni Mang Pedro kung saan kasali siya sa direksyon ni Gil Soriano.
Gusto ring subukan ni Nathalie ang paglabas sa stage play dahil naniniwala siyang dito siya mahahasa nang husto sa pag-arte.
Idolo ng ilang kabataang estudyante ang sumisikat na young actress na nanalo sa isang talent search program ng isang malaking network.
Pangarap nilang makita ito ng personal na nagkaroon naman ng katuparan. Kahit nanggaling ang mga kabataan sa mayamang angkan ay humahanga pa rin sila sa aktres.
Minsan habang nagmo-malling ay nakita nila ang idolong aktres pero sa halip na batiin sila nang lapitan ito ay dali-dali itong umalis at tinakpan pa ang mukha. "Feeling "big star" na siya gayung wala pa namang napapatunayan. Ano ba naman ang batiin kami? Sapat na ito sa amin pero taliwas ang kanyang ginawa," anang estudyante.
Ang aktres ay napapanood sa pang-kabataang programa sa Siyete.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended