Sex Bomb, natutuwa kapag ginagaya
August 9, 2004 | 12:00am
Hindi na natuloy pang lumipat ng oras ang TV show ng Sex Bomb, Daisy Siete, from 3:00 p.m. to 5:00 p.m. na sana. Nasanay na raw kasi ang mga manonood sa kanilang programa kayat sinunod ang kahilingang manatili sa tuwing alas-tres ng hapon.
Sa bawat linggo ng pagtatanghal, may ibat ibang guest ang Daisy Siete. At may kanya-kanya silang istorya. May nadagdag na ring member ng Sex Bomb na paminsan-minsan ay nagge-guest, si Jacquie Estevez ang babaing taga-Cebu. Controversial si Jacque, dahil minsan, nababalita pang magkaaway na sila ni Rochelle Pangilinan.
"Hindi pwede sa grupo namin ang away-away! Sabi ng isang miyembro. Kinakausap agad sila ng manager na si Joy Cancio. Ang katwiran nga, magkakasama sila at dapat lang na magkakasundo sila. Nagkwento nga si Rochelle at Jacque na may gusto lang mang-intriga kaya iginawa sila ng siyete.
Anyway, okey naman kasi ang format ng Daisy Siete, wala lang, okay lang. Patalbugan ng acting ang Sex Bomb sa kanilang show. Hindi patatalo si Jopay, lalo na sina Weng at Izzy. Ganun din si Aira, Che-che, Monique at Yvette. Mahirap na raw ang masigawan sila ng director, nakakahiya.
Maraming gumagaya sa Sex Bomb. Natutuwa raw sila at ginagawa silang halimbawa ng ibang grupo ng mga sumasayaw. Pero, sa totoo lang, kahirap gayahin ang original.
Ngayon, tipong fantasy naman ang istorya ng Daisy Siete, na idini-direk ni Lorie Reyes. Super Akang ang papel ni Rochelle Pangalinan na pinagkalooban ng extra power, na bigay naman ng nanay niyang si Vangie Labalan. Vir Gonzales

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended