Assunta, di pa nagti-taping natsugi na agad sa Mulawin
August 9, 2004 | 12:00am
Natuwa noon si Assunta de Rossi sa pag-cast sa kanya sa bagong fantaserye ng GMA-7, ang Mulawin dahil muling magiging talent siya ng minsan nang iniwanan niyang home studio. Kumpirmadong gaganap siya ng isang mahalagang papel sa naturang fantaserye at katunayan, handa na siyang mag-report sa taping nang biglang nagkaroon ng "twist of faith" ang pangyayari. Last minute ayon sa kanya ay bigla siyang inalis sa dahilang wala siyang alam.
Magkaganoon man ay masaya pa rin ang sexy actress at maluwag nitong tinanggap ang kanyang pagka-tsugi sa Mulawin na kasalukuyan nang lumilipad. Malaki ang respeto nito sa naging desisyon ng mga taong may kinalaman sa Mulawin. Hindi siya nagpaapekto sa pangyayari na naging blessing indisguise naman para sa kanya dahil agad siyang isinaman sa bagong comedy soap ng ABS-CBN, Maid In Heaven na mapapanood tuwing hapon mula Lunes hanggang Biyernes.
Samantala, natapos na ang isang taong kontrata ni Assunta sa ABS-CBN at noong buwan ng Marso ito naging freelancer dahil may balitang hindi na ito pumirma ng pangalawang kontrata sa network. Mas gusto ng aktres na pansamantalang hindi siya nakatali sa isang kompanya dahil gusto nitong makagawa ng mga proyekto sa anumang network. "Mahirap kasi ang paalaman kung under contract ako. Di tulad ngayon na libre akong tumanggap ng mga assignment," pahayag nito.
Matagal nang naganap ang kasalan sibil at engrandeng kasal ni Assunta sa dating Congressman Jules Ledesma at ngayon ay gusto na nitong magkaanak ng marami at ito umano ang dahilan kung bakit maaga siyang nag-asawa. Ang tanging humahadlang sa kanyang pagbubuntis ay ang kanyang asawang si Jules na naniniwalang hindi pa handa ang kanyang asawa na magkaanak hanggang hindi nito nararating ang ika-21 taong gulang nito.
Kamakailan lamang ay nagkaroon ng super delayed na bisita ang aktres at naisip nito na buntis na siya kahit hindi pa oras ng kanyang pagbubuntis. "False alarm lang pala dahil ngayon lang nangyari ito sa akin kaya naisip kong buntis ako."
Sa ngayon ay pinaghahandaan na ni Assunta ang kanyang pagbubuntis sa susunod na taon dahil by that time, handa na ang katawan nito sa panganganak. Inamin nitong hindi pa siya nagpatingin sa doktor para alamin kung pwede na siyang magka-baby dahil ibinase lang nito sa paalala sa kanya ng kanyang mister.
Naging masaya naman ang sexy actress sa pagpipigil nito sa pagbubuntis dahil sa ngayon ay nagagawa nito ang kanyang gustong gawin di tulad kung buntis na ito o nanganak na ito dahil naniniwala siyang may magaganap na panibagong sestima sa kanyang pangangatawan at posibleng may gusto siyang gawin na hindi na niya magagawa. Alex Datu

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended