^

PSN Showbiz

KC, legal nang anak ni Sen. Kiko Pangilinan

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Kung kami ang tatanungin, madaling ayusin yang problema nina Senador Lito Lapid at Melanie Marquez. Bilang isang ama, katungkulan naman talaga ni Senador Lito na sustentuhan ang kanyang anak kay Melanie, hindi naman niya maikakailang talagang anak niya yon. Wala namang duda, at may sinasabi nga siya na nagpapadala naman siya ng sustento. Ang hinihingi lang naman ni Melanie ay yong request ng kanyang anak na tulungan pa siya ng tatay niya para makapagpatuloy sa pag-aaral. Palagay naman namin kung ang talagang gusto lang niyang si Manuelito ay makapagpatuloy ng kanyang pag-aaral, kaya naman siguro ni Melanie na tustusan yon. Matagal na panahon nga niyang napalaki ang kanyang anak nang hindi naman nagkakaroon ng ganyang gulo sa sustento eh. Siguro nga, parang lambing na lang ng isang anak sa tatay niya yong hinihinging iyon ni Manuelito.

Kung kami ang nasa pwesto ni Senador Lapid, aba ora mismo ibibigay na lang namin ang hinihingi ng aming anak. Hindi naman masasabing kalabisan ang hinihingi. Hindi naman yon luho kagaya ng sports car, o isang malaking bahay, o pansugal kaya. Ang hinihingi ay tustos sa kanyang pag-aaral. Maganda naman hindi ba?

Kailangang isipin niya na hindi nga yata maganda sa image niya yong hindi niya masustentuhan ang kanyang anak, at ang paghingi noon ng sustento ay kailangang idaan pa sa telebisyon. Baka naman mainsulto siya kung biglang may ibang taong magbigay ng scholarship sa kanyang anak.

Palagay namin hindi na dapat pang patagalin iyan, kasi problema iyan ng isang pamilya, dapat pribado iyan. Hindi iyan dapat nakakaladkad sa publiko.
* * *
Ngayon lumabas na ang kwento na legally ay inampon na ni Senador Kiko Pangilinan si KC Concepcion. Kaya nga legally si Senador Kiko na ang kanyang ama, bagamat hindi naman maikakaila na ang natural father niya ay si Gabby Concepcion at hindi mababago yon ng kahit na anong legal na aksiyon.

Pero sa palagay namin nakabuti sa katayuan ni KC ang ginawang adoption. Bakit hindi eh ngayon, nagkaroon na sila ng parehong karapatan ng kanyang kapatid na si Frankie at ng susunod pa nilang kapatid na ipapanganak pa lang. Kung wala ang adoption, pagdating ng araw ay maaaring magkaroon ng problema dahil hindi magiging pareho ang kanilang mana, dahil hindi makakabahagi si KC sa conjugal property nina Sharon at Senador Kiko.

Isa pa, at least nabigyan naman ng karapatan si Senador Kiko kay KC, tutal ginagampanan naman niya ang role ng tatay noon talaga.
* * *
May boyfriend na ipinakikilala ang female bold star na iyan, na galing daw sa isang mayamang pamilya. Pero bukod pala roon may boyfriend pang isa ang female boldstar na yan na medyo tagilid naman ang tayo sa buhay.

Ang isa niyang boyfriend ay tambay sa mga wateringholes at ang sabi pa, mukhang nagpapasa raw ng ecstasy sa iba pang mga istambay. Yon pa raw female boldstar ang nagbibigay ng pera sa kanyang boyfriend na tagilid ang buhay.

ANAK

GABBY CONCEPCION

KANYANG

KIKO PANGILINAN

MELANIE

NAMAN

NIYA

SENADOR KIKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with