^

PSN Showbiz

Actor/politician, mahilig manligaw sa may-asawa;Ate Vi, natawaran ang TF, from P7 M to P4 M

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Nagiging visible na sa mga gathering ang isang actor/politician at ang nali-link sa kanyang married woman. Last Monday night, nakita sa bakuran ng ABS-CBN ang girl. Ayon sa isang insider ng ABS-CBN, hindi aware ang girl na may ilang mga matang nakamasid sa kanya habang nanonood ng taping ng actor/politician.

Ayon pa source, very uneasy ang girl although nakikipag-usap ito sa mga stars ng show kung saan guest ang actor/politician na nali-link sa kanya.

Pero hindi raw nagtagal ay umalis agad ito.

Comment ng isang kaibigan ng actor/politician, mahilig talaga ito (actor/politician) na manligaw ng mga married woman pag nararamdaman niyang nagkakaroon ng problema sa asawa ang girl.

Hindi ito ang first time na may nakakita sa kanilang magkasama. Nakita na silang magkasama sa Punchline at sa ibang public places.

May apoy kaya ang usok na ito? Sana naman wala.

Ang actor/politician talagang ito, hindi minsan mapigilan ang sarili. Samantalang, last January lang, nakatanggap ako ng isang box ng ensemada na galing sa actor/politician at sa kanyang partner that time. Ganoon ba kadaling natapos ang relasyon nila ng ina ng mga anak niya?
* * *
Nagpatawad naman pala ng talent fee si Mayor Vilma Santos para sa pelikulang Mano Po 3 ng Regal Films.

Ang unang asking price daw kasi ni Ate Vi ay P7 million. Pero namahalan daw si Mother Lily kaya nagkaroon ng balita na hindi na matutuloy ang nasabing movie. Pero nai-bargain daw ni Mother Lily ng hanggang P4 million kaya tuloy na ang comeback movie ni Ate Vi.

Sabi nga ng isang showbiz insider, sana lahat ng artista, magkusang magbaba ng talent fee para naman hindi ma-discourage ang mga movie producer na gumawa ng pelikula. Kasi nga naman kung hindi, wala nang magpo-produce ng pelikula at tuluyang mawawalan ng pelikulang Tagalog.
* * *
Nakalabas na pala ng hospital si Judy Ann Santos matapos siyang isugod sa hospital dahil sa pagod.

Halos sabay daw kasing tini-taping ngayon ni Juday ang Basta’t Kasama Kita at Krystala. So ayon, bigla raw sumama ang pakiramdam ni Juday. Masyado raw kasing demanding ang taping ng Krystala.

Ibang klase naman kasi ang kasipagan ni Juday.
* * *
Sinisimulan na pala ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang mga ipinangako niya sa industriya noong panahon ng kampanya. Nagsisimula na raw itong makipag-usap sa mga industry leaders at kumuha ng mga proposals para sa mga proyekto tulad ng Soundstage, isang lugar na kumpleto ng mga state-of-the art facilities para sa mga producers na walang sapat na pasilidad sa paggawa ng isang de-kalidad na pelikula. Plano raw ni Pangulong Arroyo na itayo ang nasabing Soundstage sa Subic.

Tulad nang naunang sinabi ni Pang. Arroyo, matagal na niyang plano ang Soundstage. Kaya lang ay wala siyang sapat na panahon noon dahil tatlong taon lang siya sa kanyang posisyon. Pero ngayong pinagkatiwalaan siya ng anim na taon para manungkulan, tutuparin na ni Pang. Gloria ang nasabing pangako.

"Nagtatanong na siya kung paano sisimulan ang nasabing proyekto. Nagtatanong din siya kung ano pang ibang problema ng industriya kaya alam kong hindi magtatagal, masusulusyunan ang mga problema natin," pahayag kamakailan ni Boss Vic del Rosario.

Sabi naman ni GMA: "Ang showbiz ay hindi lang pinanggagalingan ng aliw para sa ating mga karaniwang mamamayan. Ito rin ay pinanggagalingan ng maraming trabaho.

"Sa tatlong taon bago ako naging pangulo, isang milyong trabaho lamang ang nalikha. Kaya namana ko ang higit na apat na milyong walang trabaho. At alam ko na kasama sa mga nawalan ng trabaho sa mga panahong ‘yon ay taga-showbiz dahil laganap ang film piracy at mataas ang amusement tax.

"Ngunit sa aking maikling panguluhan, dahil nakita ko, nauunawaan ko kung ano ang kailangan ninyo: Ibaba ang amusement tax, pigilan ang film piracy at iba pang kailangang gawin, hambing sa isang milyong nalikhang trabaho. Sa tatlong taon bago ako naging pangulo, sa aking maikling panguluhan, higit sa tatlong milyong trabaho ang aking nalikha, palagay ko nakasagip ako ng maraming trabaho nang binaba ang amusement tax nang sinubsidize ang sine ng Film Festival at nang mas palakasin ni Bong Revilla ang kampanya ng film piracy na ngayon ay ipinagpapatuloy ni Edu Manzano bilang chairman ng Optical Media Board.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]

ATE VI

CENTER

ISANG

JUDAY

PERO

SOUNDSTAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with