^

PSN Showbiz

Gelli tutol sa pagsasama nina Ariel at Regine sa TV !

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Kagagaling lang ni Gelli de Belen ng Canada kasama si Ariel Rivera at ang kanilang dalawang anak, taun-taon itong ginagawa ng mag-asawa para dumalaw sa magulang at kaanak ng aktor.

Hanggang ngayon ay hindi rin payag si Gelli na makasama ng asawa sa pelikula o telebisyon si Regine Velasquez. "Tahimik na ang buhay namin at ayaw ko na ng intriga. Kapag nagkasama sila ay hindi maiiwasan na lagyan ng kulay ang kanilang pagtatambal kaya huwag na lang," ani Gelli.
Ara, Pangarap Maging Darna
Madalian lang ang pagpunta ni Ara Mina sa presscon ng Mulawin dahil gusto niyang makatakas agad para sa taping ng Bubble Gang. Iniiwasan din nito na matanong siya tungkol sa intriga nila ni Carmina Villaroel.

Sa Mulawin ay ginagampanan nito ang papel ni Vultura. Inamin nito na hirap na hirap siya sa kanyang costume dahil sa bigat nito. Isa pa, ibinibitin sila sa ere na naka-harness para lumipad.

Ngayong gagawing fantaserye ng Siyete ang Darna ay nagpahayag ng interes ang seksing aktres para magampanan ang karakter nito.

Para sa amin, bagay namang maging Darna si Ara dahil sexy naman siya at tama lang ang edad para sa karakter nito.
MTRCB Chairman, Suportado Ng Mga Producers
Dalawang grupo ng mga producers na kinabibilangan ng Philippine Motion Picture Production Association (PMPPA) and the Movie Producers Distributors Association of the Philippines (MPDAP) ang nagpahayag ng kanilang patuloy na suporta kay MTRCB Chairman Consoliza Laguardia. Suportado rin ng kanilang grupo si Pang. Gloria Macapagal Arroyo.

Katunayan, nagpadala sila ng sulat sa Pangulo para batiin nito dahil sa muling pagkahalal nito bilang presidente ng bansa. Naniniwala silang sa susunod nitong panunungkulan sa loob ng anim na taon ay higit pang magkakaroon ng pagbabago para sa sambayanang Pilipino. Malaki rin ang suportang naipagkakaloob ni Pangulong Gloria sa ating movie industry. Kung matatandaan ay nagbigay ito noon ng P5M subsidy sa Metro Manila Film Festival para iangat ang pelikulang local kung saan nabiyayaan ang mga scriptwriters at magagandang pelikula.

Nang tanungin ni Pangulong Arroyo ang mga prodyusers kung ano ang magandang regalong maibibigay sa movie industry ay nagkaisa sila sa pagsasabing gusto nilang i-reappoint sa pagiging MTRCB Chairman si Consoliza Laguardia dahil sa magandang liderato nito at ang taos-pusong pagtulong nito sa film industry.

Ang mga haligi ng ating industriya kasama ang mga producers na sumuporta kay Consoliza Laguardia ay ang mga sumusunod: PMPPA Chairman Atty. Espiridion Laxa, Manny Nuqui (President); Orlando Ilacad (VP for Internal Affairs); Ma. Lourdes Santos (VP for External Affairs) MPDAP Chairman Leonardo Monteverde; Wilson Tieng (President); William Lao (VP for Internal Affairs at John Suarez (VP for External Affairs).
Direktor Pabago-Bago Ng Dialogue
Natawa kami sa kwento ng isang character actor tungkol sa sikat na director.

Minsan ay nagsyuting daw sila ni direk kung saan mahaba-haba ang kanyang dialogue sa isang eksena. Komo may edad na ay nahihirapan siyang memoryahin ang mga sasabihin dahil "word for word" ang gusto ni direk. Namemorya naman ng aktor ang dialogue kaya nang isalang na siya ay na-deliver naman niya. Pero hindi nakuntento ang director kaya iniba uli ang dialogue na sasabihin niya. Hirap na nga sa kamememorya ang aktor tapos biglang iibahin ni direk. Pero walang nagawa ang aktor kundi sundin ang kagustuhan ng sadistang director. "Nakakalokah si direk. Paiba-iba ang ihip ng hangin," anang aktor.

ARA MINA

ARIEL RIVERA

CONSOLIZA LAGUARDIA

EXTERNAL AFFAIRS

GELLI

INTERNAL AFFAIRS

NITO

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with