^

PSN Showbiz

Anne Curtis sa ex-ni Andrea Bautista ngayon nakikipag-date !

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Go naman kami sa birthday party ni Ms. Ethel Ramos last Friday night. Dapat sana’y mga 50 guests lang ang invited pero biglang lumaki ang party dahil kay Aga Muhlach. Siya na raw ang taya.

Gusto kasi ni Aga na maging mas malaki ang party without Ms. Ethel’s knowledge.

Kaya pagdating niya (Ms. Ethel) ng Annabel’s resto, naka-reserved ang buong second floor. Gusto pa sanang mag-protesta ni Ms. Ethel at ipatanggal ang mga tables na iba. Pero wala siyang nagawa dahil naka-prepare na pati food.

Anyway, since hindi open for everybody ang party, kokonti lang ang artistang dumating na usually ay sinusugod ng mga artista tuwing magpa-party siya. This year, limited lang. Ilan sa mga nakita ko ay sina Susan Roces (na regular fixture ng birthday party ni Tita Ethel taun-taon), Ricky Davao, Ms. Perla Bautista, Ms. Luz Valdez and Andrea Bautista. Sa pulitiko, dumating si Senators Bong Revilla and Jinggoy Estrada and Navotas Mayor Toby Tiangco. Kasama ni Bong si Lani Mercado.

Medyo late nang dumating sina Aga and wife Charlene Gonzales dahil sa sobrang traffic. Umulan kasi no’ng hapon ng Friday tapos suweldo pa, kaya grabe ang traffic. Galing pa ang mag-asawa sa Alabang.

Dumating ang ilang friends ni Aga like Victor Tan ng Bobson Jeans, Gelo Serrano and Icel among others.

Present din sina Manay Ichu Maceda, Tita Elvie Gonzales, Paul Cabral, Mons and Sander Tantoco at marami pang iba.

Actually, last Sunday (August1) pa ang birthday ni Tita Ethel pero Friday pa lang nang mag-party. Kasi nga naman pag Sunday, rest day ng karamihan lalo na sa showbiz kaya Friday na lang.
* * *
Sandali naming nakausap si Andeng (Andrea Bautista) na alam ng lahat ng ex-girlfriend ni Diether Ocampo. Pero consistent si Andeng sa pagsasabing never silang nag-on, friends lang daw sila ng actor up to now kaya wala siyang anything bad against him. As in ayaw niyang mag-comment na no’ng time na sila pa, ay may iba palang girlfriend ang actor at naanakan pa.

Basta ang sabi ni Andeng, loveless siya at naghahanap ng magiging boyfriend. Split na kasi sila ng long time boyfriend niyang si Jun-jun Ynarez. At alam n’yo ba kung sino ang dini-date ng ex ni Andeng na si Jun-jun Ynarez, si Anne Curtis lang naman na ang alam ng lahat ay girlfriend ni Richard Gutierrez.

Ano nga kaya ang nangyari kina Richard at Anne? Paglipat kaya ni Anne sa ABS-CBN, kasama niyang lumipat ang puso niya sa iba?

Going back to Andeng. Mina-match sana ni Ms. Mons si Andeng sa brother niyang si Atty. Roman Romulo na naging suitor ni Regine Velasquez noon. Pero mabilis agad ang sagot ni Andeng. "Hindi pwede, matagal na kaming friends at alam ko kung sino ang mga naging girlfriend niya." In fact, ‘yung isa nga raw niyang bestfriend, naging gf ni Atty. Roman.

Sabi naman ni Paul Cabral, bestfriend din ni Andeng, nanliligaw ngayon si Roman kay Aiko Melendez. Constant date daw ang dalawa. In fact, si Aiko sana ang date ni Roman that night sa party ni Tita Ethel pero biglang naiba ang plano nang may mag-invite kay Atty. Roman sa Libis. Hindi lang namin alam kung silang dalawa ni Aiko ang magka-date.

Kaya hindi napilit si Andeng na maka-date si Roman.

Gwapo rin sana ang brother ni Mayor Toby na si John at bagay kay Andeng. Kaya lang may girlfriend na rin daw si John na kaibigan din ni Andeng.

Ang ending tuloy, nag-iisip kami ngayon ng puwedeng maka-date ni Andeng na kayang pataubin ang mga sexy stars natin.

vuukle comment

ANDENG

ANDREA BAUTISTA

KAYA

LANG

MS. ETHEL

PARTY

PAUL CABRAL

PERO

TITA ETHEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with