Si Sarah, di si Sandara ang ka-partner ni Hero sa 'Lastikman' para sa MMFF
August 3, 2004 | 12:00am
Magandang balita kung totoong ibinalik sa The Exorcist si Billy Crawford. Kasama na raw uli ang kababayan natin sa controversial movie. Kung nasubaybayan ninyo ang pelikulang ito, inalis si Billy nang mag-away ang nauna nitong director at producer. Nang magpalit ng director, inalis si Billy dahil ang unang director ang kumuha sa kanya.
Pero, ngayon, in na raw uli si Billy sa movie. Matanong nga si German Moreno tungkol ditot very close ang TV host kay Billy at sa pamilya nitot lagi siyang binabalitaan ng mga bagot latest happening sa Fil-Am singer na sikat sa Europe.
Iniinggit nga kami ni Kuya Germs dahil pupunta siya sa Paris sa October para panoorin ang big concert ni Billy. Nag-volunteer kaming sumama as his alalay pero, ni-reject kami ni Kuya Germs.
Anyway, maghahanap kami ng dagdag na info tungkol sa tsikang kasama na uli si Billy sa The Exorcist. Bibisita kami sa marami niyang website na madalas hindi namin naiintindihan ang posted messages dahil in French, German at iba pang languages na alien sa amin. Ang naiintindihan lang namin ay Pilipino. Ha-ha-ha!
Bukas, Miyerkules ang announcement ng eight winning entries sa 27 submitted screenplays sa 2004 Metro Manila Film Festival. Kung parehong mapipili ang entry ng Viva Films na Lastikman at D Anothers ng Star Cinema, dalawa ang pelikula sa filmfest ni Hero Angeles ang winner ng Star Circle Teen Quest.
Sa DAnothers, suporta sila nina Sandara Park, Joross Gamboa at Roxanne Guinoo ni Vhong Navarro pero, sa Lastikman, siya ang bida. Siya ang pumalit kay Vic Sotto na unang nag-portray sa role na Pinoy super hero. Nakita siguro ni Mr. Vic del Rosario ng TV commercial ng Globe pre-paid card kung saan nag-ala Spiderman si Hero, kaya, siya ang napili nitong magbida.
Ang Viva Films pala ang nakabili ng rights ng Lastikman. Maalalang nagkaroon ng problema ang OctoArts Films at M-Zet sa pamilya ni Mars Ravelo, kaya, hindi ito nagkaroon ng sequel na si Vic pa rin ang gaganap.
Kaya lang, sa Lastikman, si Sarah Geronimo at hindi si Sandara ang magiging leading lady ni Hero, hindi nito matutuwa ang fans nila ni Sandara.
Gustuhin mang mag-guest ni Sheryn Regis sa repeat ng Night of the Champions concert nina Sarah Geronimo, Rachel Ann Go at Erik Santos ay hindi makakaya ng kanyang schedule. Bukas, August 4 na ang alis niya tungong Kazakhstan, Russia para sa Voice of Asia na gagawin sa Aug. 13, 14 at 15. Si Sheryn ang representative ng Pinas sa singing competition at sa galing nito, kahit si Erik, naniniwalang ang nakalaban niya sa Star In A Million ang mananalo.
Habang nasa Russia, inihahanda naman ang two-night concert na gagawin ni Sheryn sa Music Museum sa September 24-25. Pasasalamat ito ng dalaga sa mga sumuporta sa kanya mula pa noong nasa SIAM siya at sa mga bumili ng kanyang album sa Star Records na nag-gold na sa rami ng bumili.
Sa mga naniniwala sa TV ratings, narito ang ratings ng mga show ng ABS-CBN at GMA-7 noong July 28 at 29 na tinext sa amin.
July 28, Wednesday: Good Morning Kris (Ch. 2), 12% vs. Sis (Ch. 7), 12%; Gata Salvaje (Ch. 2), 17% vs. Irene (Ch. 7), 20%; MTB (Ch. 2), 15% vs. Eat Bulaga (Ch. 7), 21 %; K Cinema (Ch. 2), 16 % vs. Daisy Siete (Ch. 7), 18 %; Sarah (Ch. 2), 12% vs. Stage 1 (Ch. 7), 13%; Sandaras Romance (Ch. 2), 10% vs. Twin Sisters (Ch. 7), 15% July 29, Thursday: Good Morning Kris, 12% vs. Sis, 14%; Gata Salvaje, 18% vs. Irene, 23%; MTB, 16% vs. Eat Bulaga, 23%; K Cinema, 19% vs. Daisy Siete, 21%; Sarah, 17% vs. Ikaw Sa Puso Ko, 18% (di namin alam kung bakit nawala ang Stage 1).Sandaras Romance, 13% vs. Twin Sisters, 17%; Mangarap Ka, 17% vs. O Star, 23%; Star Circle Reload, 24% vs. HX Hunter, 29%; TV Patrol, 28% vs. 24 Oras, 29%; Victim Undercover, 26% vs. Extra Challenge, 32% Marina, 37% vs. 30 Days, 26%; Bastat Kasama Kita, 39% vs. Marinara, 22%; Hiram, 39% vs. Te Amo, 25%; It Might Be You, 33% vs. Hanggang Kailan, 29%; Maalaala Mo Kaya, 16% vs. Magpakailanman, 28%.
Nagulat ang mallers sa Shangri-La Mall nang makita ang magandang young actress na kaakbay ang isang actor habang nagmu-malling. Nakapagtataka nga namang makita ang dalawa na parang lovers ang mga kilos dahil never silang na-link kahit magkasama sila sa isang TV show.
Naisip tuloy namin na baka may namamagitang magandang relasyon sa dalawa at hindi lang nailalabas dahil walang nagtatanong. Nainis nga kami sa aming sarili dahil magkasunod naming nakausap ang dalawa pero, nakalimutan namin silang usisain sa tsikang nakita silang magkaakbay sa mall.
Pero, ngayon, in na raw uli si Billy sa movie. Matanong nga si German Moreno tungkol ditot very close ang TV host kay Billy at sa pamilya nitot lagi siyang binabalitaan ng mga bagot latest happening sa Fil-Am singer na sikat sa Europe.
Iniinggit nga kami ni Kuya Germs dahil pupunta siya sa Paris sa October para panoorin ang big concert ni Billy. Nag-volunteer kaming sumama as his alalay pero, ni-reject kami ni Kuya Germs.
Anyway, maghahanap kami ng dagdag na info tungkol sa tsikang kasama na uli si Billy sa The Exorcist. Bibisita kami sa marami niyang website na madalas hindi namin naiintindihan ang posted messages dahil in French, German at iba pang languages na alien sa amin. Ang naiintindihan lang namin ay Pilipino. Ha-ha-ha!
Sa DAnothers, suporta sila nina Sandara Park, Joross Gamboa at Roxanne Guinoo ni Vhong Navarro pero, sa Lastikman, siya ang bida. Siya ang pumalit kay Vic Sotto na unang nag-portray sa role na Pinoy super hero. Nakita siguro ni Mr. Vic del Rosario ng TV commercial ng Globe pre-paid card kung saan nag-ala Spiderman si Hero, kaya, siya ang napili nitong magbida.
Ang Viva Films pala ang nakabili ng rights ng Lastikman. Maalalang nagkaroon ng problema ang OctoArts Films at M-Zet sa pamilya ni Mars Ravelo, kaya, hindi ito nagkaroon ng sequel na si Vic pa rin ang gaganap.
Kaya lang, sa Lastikman, si Sarah Geronimo at hindi si Sandara ang magiging leading lady ni Hero, hindi nito matutuwa ang fans nila ni Sandara.
Habang nasa Russia, inihahanda naman ang two-night concert na gagawin ni Sheryn sa Music Museum sa September 24-25. Pasasalamat ito ng dalaga sa mga sumuporta sa kanya mula pa noong nasa SIAM siya at sa mga bumili ng kanyang album sa Star Records na nag-gold na sa rami ng bumili.
July 28, Wednesday: Good Morning Kris (Ch. 2), 12% vs. Sis (Ch. 7), 12%; Gata Salvaje (Ch. 2), 17% vs. Irene (Ch. 7), 20%; MTB (Ch. 2), 15% vs. Eat Bulaga (Ch. 7), 21 %; K Cinema (Ch. 2), 16 % vs. Daisy Siete (Ch. 7), 18 %; Sarah (Ch. 2), 12% vs. Stage 1 (Ch. 7), 13%; Sandaras Romance (Ch. 2), 10% vs. Twin Sisters (Ch. 7), 15% July 29, Thursday: Good Morning Kris, 12% vs. Sis, 14%; Gata Salvaje, 18% vs. Irene, 23%; MTB, 16% vs. Eat Bulaga, 23%; K Cinema, 19% vs. Daisy Siete, 21%; Sarah, 17% vs. Ikaw Sa Puso Ko, 18% (di namin alam kung bakit nawala ang Stage 1).Sandaras Romance, 13% vs. Twin Sisters, 17%; Mangarap Ka, 17% vs. O Star, 23%; Star Circle Reload, 24% vs. HX Hunter, 29%; TV Patrol, 28% vs. 24 Oras, 29%; Victim Undercover, 26% vs. Extra Challenge, 32% Marina, 37% vs. 30 Days, 26%; Bastat Kasama Kita, 39% vs. Marinara, 22%; Hiram, 39% vs. Te Amo, 25%; It Might Be You, 33% vs. Hanggang Kailan, 29%; Maalaala Mo Kaya, 16% vs. Magpakailanman, 28%.
Naisip tuloy namin na baka may namamagitang magandang relasyon sa dalawa at hindi lang nailalabas dahil walang nagtatanong. Nainis nga kami sa aming sarili dahil magkasunod naming nakausap ang dalawa pero, nakalimutan namin silang usisain sa tsikang nakita silang magkaakbay sa mall.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended