Dingdong,modelo ng men's underwear
August 3, 2004 | 12:00am
Birthday party pala ni Dingdong Dantes yung pinuntanan ko sa Wack-Wack nung Linggo ng gabi. Ang imbitasyon kasi na tinanggap ko ay launching ng Hanford at tampok ang aktor bilang latest model/endorser nito. Exciting di ba? Dahil ang mga ganitong event ay nagtatampok ng isang fashion show na kung saan ay paparada ang mga modelo in their Hanford underwear, undergarments o naka-briefs lamang. I was wondering kung simula na ba ito ng pagpapaseksi ni Dingdong.
Napaka-festive ng atmosphere sa loob ng pavilion na kung saan magaganap ang affair. May mga malalaking cutouts ng mga Justice League of America, tulad ni Superman, Batman, Wonder Woman, atbp. At napaka-raming lobo, ibat ibang kulay at hugis.
Ang dami ring food, bumabaha sa pagkain. Heard twas Hanford who shouldered the expense. Bigatin si Dingdong dahil di ganito kalaki at kagandang welcome ang ipinagkaloob ng Hanford sa mga nauna nilang endorsers. Fiesta talaga, bukod sa napakaraming putahe sa buffet table, may mga side stalls pa ng fruit shake, shawarma, hotdog, banana crepes, fried ice cream at kung anu-ano pa.
Ang dami ring bisita. Nakita ko yata lahat ng StarStruck discoveries plus, Tanya Garcia, Iza Calzado, Ogie Alcasid, Jolina Magdangal, German Moreno, Bernard Palanca minus Rica, Angelika dela Cruz, Directors Louie Ignacio at Mark Reyes.
May live band na nag-provide ng entertainment. Habang may malaking monitor na nagpapalabas ng video ni Dingdong.
Marami ang naka-t-shirt ng may Superman print, favorite comic character daw ito ng celebrator. Nung una, akala ko may gagawing movie si Dingdong na may ganitong tema.
Ewan ko kung matutuloy yung binabalak ng pamahalaan na paglilimita ng pagpasok sa bansa ng mga foreign films. Duda ako kung makakatulong pa ito sa industriya ng ating pelikula na patay na. Baka nga makasama pa ito dahil malaking buwis ang mababawas sa tinatanggap ng bansa mula sa mga nagpapasok ng mga ganitong pelikula dito sa atin.
Matatandaan na sinagasaan ng husto ng Spiderman ang katatapos lamang na ginanap na Manila Film Festival.
Nung kampanya para sa eleksyon, nangako si Pangulong GMA na magbibigay ng panahon para malutas ang problema ng Philippine Cinema. Ngayong nanalo siyang muli, tutuparin niya ang pangakong ito.
Ang paglimita ng pagpasok ng foreign films ay isa pa lamang konsepto pero, nakapagsimula na ang Pangulo, una, sa pagsugpo sa video piracy. Naitatag na rin niya ang Cinema Evaluation Board. At naibaba ang mataas na buwis na nagpapahirap sa industriya.
"Nakapagsimula na ako, sa kabila ng pangyayaring, hindi pa ako nakakapag-lingkod ng full term bilang Pangulo. Down payment lamang yan. Kailangan ko ng tulong nyo para maisakatuparan lahat nang ito," anang Pangulo.
Mga malalapit na kaibigan lamang at mga direktong kasapi ng pamilya ang nakita ko sa birthday celebration ni Myrna Calzado na ginanap sa Citys Best Restaurant sa Morato kahapon pero, napaka-saya ng naging selebrasyon sapagkat lahat nga ay magkakakilala at may iisang topic of conversation, ang local showbiz. Kung narun kayo, magugulat kayo sa mga event na nagaganap ngayon sa ating entertainment world. Ayaw kong mag-kwento dahil hindi ito for public consumption. Para sa amin lang.
Maski nga si Iza Calzado, stepdaughter ng may kaarawan, ay gulat na gulat sa mga narinig niya. Palagay ko ang dami niyang leksyon na natutunan sa mga narinig niya. Pati ang dad niya na si Lito Calzado, na matagal nang nasa showbiz ay nasorpresa rin sa mga napag-usapan at mga bagay na nahayag.
Napaka-festive ng atmosphere sa loob ng pavilion na kung saan magaganap ang affair. May mga malalaking cutouts ng mga Justice League of America, tulad ni Superman, Batman, Wonder Woman, atbp. At napaka-raming lobo, ibat ibang kulay at hugis.
Ang dami ring food, bumabaha sa pagkain. Heard twas Hanford who shouldered the expense. Bigatin si Dingdong dahil di ganito kalaki at kagandang welcome ang ipinagkaloob ng Hanford sa mga nauna nilang endorsers. Fiesta talaga, bukod sa napakaraming putahe sa buffet table, may mga side stalls pa ng fruit shake, shawarma, hotdog, banana crepes, fried ice cream at kung anu-ano pa.
Ang dami ring bisita. Nakita ko yata lahat ng StarStruck discoveries plus, Tanya Garcia, Iza Calzado, Ogie Alcasid, Jolina Magdangal, German Moreno, Bernard Palanca minus Rica, Angelika dela Cruz, Directors Louie Ignacio at Mark Reyes.
May live band na nag-provide ng entertainment. Habang may malaking monitor na nagpapalabas ng video ni Dingdong.
Marami ang naka-t-shirt ng may Superman print, favorite comic character daw ito ng celebrator. Nung una, akala ko may gagawing movie si Dingdong na may ganitong tema.
Matatandaan na sinagasaan ng husto ng Spiderman ang katatapos lamang na ginanap na Manila Film Festival.
Nung kampanya para sa eleksyon, nangako si Pangulong GMA na magbibigay ng panahon para malutas ang problema ng Philippine Cinema. Ngayong nanalo siyang muli, tutuparin niya ang pangakong ito.
Ang paglimita ng pagpasok ng foreign films ay isa pa lamang konsepto pero, nakapagsimula na ang Pangulo, una, sa pagsugpo sa video piracy. Naitatag na rin niya ang Cinema Evaluation Board. At naibaba ang mataas na buwis na nagpapahirap sa industriya.
"Nakapagsimula na ako, sa kabila ng pangyayaring, hindi pa ako nakakapag-lingkod ng full term bilang Pangulo. Down payment lamang yan. Kailangan ko ng tulong nyo para maisakatuparan lahat nang ito," anang Pangulo.
Maski nga si Iza Calzado, stepdaughter ng may kaarawan, ay gulat na gulat sa mga narinig niya. Palagay ko ang dami niyang leksyon na natutunan sa mga narinig niya. Pati ang dad niya na si Lito Calzado, na matagal nang nasa showbiz ay nasorpresa rin sa mga napag-usapan at mga bagay na nahayag.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended