Pinapasyalan ng nobyo sa set para lang makipag-quickie
August 3, 2004 | 12:00am
Naiiba ang trip ng seksing aktres na ito na mabilis na gumagawa ng pangalan. Minsan ay dinalaw siya ng kanyang non-showbiz boyfriend sa set ng pelikulang pinagbibidahan niya.
Mahilig sa quickie romance ang aktres kaya nang mag-lunch break, ang lahat ng artista at staff ay doon sa van ng aktres nagpahinga ang magnobyo. Doon pinakawalan ng aktres ang init ng katawan at nang tawagin na ito for take ay ganado na siya sa pagtatrabaho.
Iniwan na siya ng nobyo at sinabing susunduin na lang pagkatapos ng syuting.
Hindi kami magtataka kung bakit patuloy ang rating ng Sis. Tutong-tulong ang lahat para mapaganda ang show. Katunayan ayon kay Direk Louie Ignacio, sama-sama silang lahat sa isang dressing room kahit magsiksikan sila para i-discuss ang mga topics sa programa at kapag maganda ito ay dinadala nila sa creative department. "Walang VIP sa amin kaya maganda ang aming samahan. Lalong nai-inspire ang mga tao sa likod nito at ibigay ang napag-alaman nila na hinahanap-hanap ng kanilang manonood," anang direktor.
Inamin ni Karen delos Reyes na hindi talaga sweet ang kanyang mukha kaya matatali na lang siya sa pagiging kontrabida. Maganda naman ito dahil sa kalipunan ng mga kabataan ay sila na lang ni Gladys Reyes ang nalilinya sa character role.
Sinabi pa rin nito na sa Mulawin ay light lang ang pagiging kontrabida niya di gaya sa Narito Ang Puso Ko na ubod siya ng sama. Siya ang kontrabida ni Angel Locsin sa bagong tele-fantasya.
Tinanong namin kung magkasundo na sila ng young actress dahil nagkaroon sila ng gap noong nagkasama sila sa Click.
"Okey na po pero, hindi gaya ng dati na close kami. Nang mamatay si Miko Sotto ay niyaya ko siya sa bar para aliwin dahil alam ko kung gaano kasakit ang pagkamatay ng kanyang nobyo," aniya.
Ngayong nasa ABS-CBN na si AJ Eigenmann na naging close rin kay Karen ay nalulungkot siya dahil nami-miss niya ito. Pero, wala siyang balak sundan ito sa kabilang network dahil malaki ang naitulong ng Siyete sa kanyang career.
May nagtanong kay Richard Gutierrez kung ano ang masasabi nito sakaling ligawan ang dati nitong nobyang si Anne Curtis ni Geoff Eigenmann.
"Kung saan siya masaya, masaya na rin ako para sa kanya. Medyo nako-kontrol ko na rin ang emotions ko ngayon at mahal ko ang aking sarili kaysa iba. Im focusing my time to my career. Sa dami ng trabaho ko ngayon ay wala na akong time na ma-in love. Kusa itong darating kaya hindi ko na lang hahanapin," sey ng aktor.
Natuwa nga si Richard nang sabihin ng kanyang ama na mas magaling siyang artista kaysa sa kanya noong kabataan nito. Magkasama ang dalawa sa Mulawin kung saan siya si Aguiluz ang pangunahing tauhan ng tele-fantasya.
Mahilig sa quickie romance ang aktres kaya nang mag-lunch break, ang lahat ng artista at staff ay doon sa van ng aktres nagpahinga ang magnobyo. Doon pinakawalan ng aktres ang init ng katawan at nang tawagin na ito for take ay ganado na siya sa pagtatrabaho.
Iniwan na siya ng nobyo at sinabing susunduin na lang pagkatapos ng syuting.
Sinabi pa rin nito na sa Mulawin ay light lang ang pagiging kontrabida niya di gaya sa Narito Ang Puso Ko na ubod siya ng sama. Siya ang kontrabida ni Angel Locsin sa bagong tele-fantasya.
Tinanong namin kung magkasundo na sila ng young actress dahil nagkaroon sila ng gap noong nagkasama sila sa Click.
"Okey na po pero, hindi gaya ng dati na close kami. Nang mamatay si Miko Sotto ay niyaya ko siya sa bar para aliwin dahil alam ko kung gaano kasakit ang pagkamatay ng kanyang nobyo," aniya.
Ngayong nasa ABS-CBN na si AJ Eigenmann na naging close rin kay Karen ay nalulungkot siya dahil nami-miss niya ito. Pero, wala siyang balak sundan ito sa kabilang network dahil malaki ang naitulong ng Siyete sa kanyang career.
"Kung saan siya masaya, masaya na rin ako para sa kanya. Medyo nako-kontrol ko na rin ang emotions ko ngayon at mahal ko ang aking sarili kaysa iba. Im focusing my time to my career. Sa dami ng trabaho ko ngayon ay wala na akong time na ma-in love. Kusa itong darating kaya hindi ko na lang hahanapin," sey ng aktor.
Natuwa nga si Richard nang sabihin ng kanyang ama na mas magaling siyang artista kaysa sa kanya noong kabataan nito. Magkasama ang dalawa sa Mulawin kung saan siya si Aguiluz ang pangunahing tauhan ng tele-fantasya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am