^

PSN Showbiz

Mickey Ferriols, milyones ang utang sa manager

-
Sobra-sobra pala ang utang ni Mickey Ferriols kaya kailangan niyang kumayod ng husto para lamang mabayaran niya ang kanyang pagkakautang sa kanyang manager. Kaya lamang mukhang may attitude problem pa rin ang magandang aktres.

Ayon mismo sa manager nitong si Chit Ramos nang makapanayam ko sa aming radio program sa DWIZ, umaabot sa P1.4M ang utang ni Mickey sa kanya. Ito’y dahil 15 buwan umano siyang hindi kumuha ng komisyon dito dahil na rin sa pakiusap nito sa kanya na huwag munang kumuha ng komisyon dahil kailangan nito ng pera.

"Kung susumahin mo lahat-lahat ay aabot ng P1.4 milyon kasi labinlimang buwan iyon na hindi ako kumuha ng komisyon mula sa kanyang mga kinita," ayon pa kay Chit.

Kinumpirma rin ni Chit na talagang ipinatanggal niya sa bagong-bagong teleserye nina Dina Bonnevie at Kris Aquino na Hiram sa Dos si Mickey dahil sa pagiging unprofessional nito. Hindi na lamang in-elaborate ni Chit kung anong klaseng unprofessionalism ang ipinakita nito sa naturang teleserye na hindi pa man lumalamig ang kape sa tasa na pinatay na ang karakter.

Samantala, muli na namang pinatawad ni Chit si Mickey nang humingi ito ng dispensa kasama pa ang mga magulang. Ikinumpara rin nito si Mickey sa isang pamilya na talagang may isang anak na nalilihis ng landas, ngunit ang gabay ng magulang ang kailangan at ito anya ang ginagawa niya ngayon sa magandang aktres. Tonton Villamor

vuukle comment

AYON

CHIT RAMOS

DINA BONNEVIE

HIRAM

IKINUMPARA

KAYA

KRIS AQUINO

MICKEY FERRIOLS

TONTON VILLAMOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with