Iniwan ang asawa dahil sa tomboy!
August 1, 2004 | 12:00am
Ilang beses naming nasaksihan noon kung gaano kamahal ng dalawang sikat na celebrities ang isat-isa. Malambing ang aktor sa kanyang asawa at mahal na mahal din ang kanilang anak.
Pero nagbabago rin pala ang pag-ibig, sa pagdaan ng panahon dahil sa di-inaasahang pangyayari ay nagkahiwalay ang dalawa. Balitang ang kinakasama ngayon ng aktres ay isang tibo o tomboy. Matagal-tagal na rin ang kanilang relasyon pero pilit pa ring idini-deny ng aktres na mayroon silang affair. Ikinakatwiran nito ay magkaibigan lang silang dalawa.
Siguro, isa sa mga dahilan kung bakit nakisama na nga siya sa tibo ay dahil hindi siya pwedeng magkaanak dito.
Ang aktor ay magaling sa aksyon, samantalang ang aktres ay galing sa isang afternoon show at dating beauty queen.
Dingdong, Handa Nang Magpa-Sexy?
Nang huli naming makausap si Dingdong Dantes ay sinabi nitong handa na siyang sumabak sa daring role. Ibig kayang sabihin nito ay payag na siyang mag-model ng isang sikat na underwear brand? Kinukuha kasi itong modelo kasama ang ibang male celebrities.
Ipinatanggal na ni Dingdong ang kanyang braces sa ngipin at ngayon ay panay ang pagwo-work-out para lumaki ang katawan.
Pero hindi pa tiyak kung tatanggapin ni Dingdong ang offer dahil gusto nitong ma-maintain ang wholesome image. Higit sa lahat kinuha pa siyang spokesperson para sa mga kabataan ng Department of Education.
Natutuwa si Marissa Sanchez dahil nabigyan uli siya ng GMA 7 ng regular show.
"Sa hirap ng buhay ngayon, masaya ka na kapag nabigyan ng regular show. Malaking tulong ito sa aking kabuhayan. Bale ako kasama si Bearwin Mealey ang nagsisilbing comic relief ng Mulawin," aniya.
Ipinagbibili na pala ni Mystica ang kanyang condo sa may Commonwealth dahil may nagmumulto dito. Takot pa naman sa multo ang rock diva dahil ayon dito, nakakaranas siya ng may nagdu-doorbell pero kapag binuksan ang pintuan ay wala namang tao. Natatakot din ito dahil pagkagising nito sa umaga ay napupunang may pasa siya sa braso.
Inamin ni Mystica na mayroon siyang sakit sa puso at kapag nagtagal pa siya roon ay baka kung anong masamang mangyari sa kanya. Ipinamamahala na nito sa kanyang abogado ang pagbawi sa naibayad sa tinitirhang condo.
Nakahinga na si Jennylyn Mercado dahil tapos na ang problema nito sa kanyang ama at tiyahin na naging ina-inahan nito tungkol sa porsyentong hinihingi sa aktres. Hindi naman pala humihingi ng sustento ang ama nitong si Noli Pineda dahil gusto lang na makita kung paano pinatatakbo ang finances nito. Ayaw namang tumanggap ni Mommy Lydia ng porsyento pero pinagpilitan pa rin ito ng anak-anakan para ilaan sa kanyang pagtanda. Maswerte nga ito dahil naging mabuting anak si Jenny.
Pero nagbabago rin pala ang pag-ibig, sa pagdaan ng panahon dahil sa di-inaasahang pangyayari ay nagkahiwalay ang dalawa. Balitang ang kinakasama ngayon ng aktres ay isang tibo o tomboy. Matagal-tagal na rin ang kanilang relasyon pero pilit pa ring idini-deny ng aktres na mayroon silang affair. Ikinakatwiran nito ay magkaibigan lang silang dalawa.
Siguro, isa sa mga dahilan kung bakit nakisama na nga siya sa tibo ay dahil hindi siya pwedeng magkaanak dito.
Ang aktor ay magaling sa aksyon, samantalang ang aktres ay galing sa isang afternoon show at dating beauty queen.
Ipinatanggal na ni Dingdong ang kanyang braces sa ngipin at ngayon ay panay ang pagwo-work-out para lumaki ang katawan.
Pero hindi pa tiyak kung tatanggapin ni Dingdong ang offer dahil gusto nitong ma-maintain ang wholesome image. Higit sa lahat kinuha pa siyang spokesperson para sa mga kabataan ng Department of Education.
"Sa hirap ng buhay ngayon, masaya ka na kapag nabigyan ng regular show. Malaking tulong ito sa aking kabuhayan. Bale ako kasama si Bearwin Mealey ang nagsisilbing comic relief ng Mulawin," aniya.
Inamin ni Mystica na mayroon siyang sakit sa puso at kapag nagtagal pa siya roon ay baka kung anong masamang mangyari sa kanya. Ipinamamahala na nito sa kanyang abogado ang pagbawi sa naibayad sa tinitirhang condo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended